Fake friend

32 0 0
                                    

Lierence POV

    Nag-kita nalang kami ni Sofia sa venue ng photo shoot binantayan niya kasi si tita kagabi wala kasi si tito dahil nasa US ito para sa isang conference kasama ni dad. Hinatid nalang ako ni Marky sa bahay at umuwi na din ito.

   "Bff kamusta na si tita?" tanong ko pagdating ni Sofia.

    "Okay naman siya Lie pahinga lang hindi naman daw delikado yung bagsak ni mommy, sorry bff ah nalimutan kita kahapon." hinging paumanhin nito.

     "It's okay bff basta okay na si tita at walang nangyaring masama." sabi ko rito at niyakap namin ang isa't - isa.

    "Oo nga pala Lie si Bradly ang nag-dala kay mommy sa hospital." napataas tuloy ang kilay ko. "Nagulat nga rin ako eh. Long lost friend ni mommy ang mom niya kaya ayun nirereto kami sa isa't- isa."

      "So pumayag ka naman?" I asked her.

    Tumango ito sabay sabing." Mabait naman siya Lie akala ko nga katulad yun ni Lance eh. Kinuwento sakin ng mom nya ang past relationship ni Bradly and sa tingin ko hindi sya yung tipo ng lalaking lolokohin ako."

      "Pero bff if lokohin ka ng mokong na yun alam mong you can count on me sabay nating guguluhin ang gagong un." nag-apir pa kami sabay tawanan.

    "Hey girls you both look happy ah. go to the dressing room and fix yourself at magsisimula na tayo." sabi ni France.

      "Okay France." kumindat pa kami sa kanya.

      Sa dressing room pagpasok namin ay may nauna na saming inaayosan kaya naman nag si upo na din kame sa mga pwesto namin para maayusan kami ni fiababes. Nang magsalita yung babae.

    "Hi! I'm Venice. I'm glad na punayag kayong mag-endorse ng car ni dad at makatrabaho ako." hmmm muka naman mabait ito dahil nag-akasaya pa itong iapproached kami ni bff.

       "Nice meeting you too, I'm Lierence and she's Sofia." nakipag-shake hands pa kami. "no need kasi kami dapat ang mag-thank you dahil kami ang napiling mag-endorse ng dad mo."

-------------------------------

Venice POV

    Thanks to my dad at mukang magagawa ko na ang plano kong makapaghiganti kay Lance using Lierence, actually I ask my dad na sina Sofia at Lierence ang kuning models dahil kunwari ay fan nila ako. Plano kong maging kaibigan niya at pagpalagay na ang loob niya sakin ay kunwari tutulungan ko siyang mag-higanti kay Lance para bumagsak ang career nito at mapasama ito sa publiko and by that lalo silang masisira ni Lance at dun ako papasok para icomfort si Lance. And mapapasakin na siya at magiging masaya na kami. Sisiguraduhin kong makakalimutan niya si Lierence at ako na ang mamahalin niya.

      "Hi! I'm Venice. I'm glad na punayag kayong mag-endorse ng car ni dad at makatrabaho ako." pakilala ko sa kanilang dalawa. Dapat isipin nilang approachable ako at maging palagay ang loob nila sa akin.

       "Nice meeting you too, I'm Lierence and she's Sofia." pakilala nila sa akin at nakipag-shake hands pa sila.

      "No need kasi kami dapat ang mag-thank you dahil kami ang napiling mag-endorse ng dad mo." sabi pa ni Lierence sakin. 

   Kaya naman sa isip- isip ko ay ako talaga ang dapat mag-thank you sayo dahil oras na mapabagsak mo si Lance ay mapapasaakin siya sa tulong mo kaya naman tatanawin ko itong napakalaking utang na loob sayo.

--------------------

    Natapos na ang photo shoot kaya sisimulan ko na ang plano ko. "Lierence, Sofia may gagawin ba kayo pagkatapos nito? Kasi kung wala baka pwede naman tayong mag-bar kahit isama na din natin si Marky ba yun? napansin ko kasing mag-kakakilala kayo eh. Wala din naman akong gagwin pagkatapos nito. Don't worry my treat para naman pumayag na kayo." anyaya ko sa kanila.

   "Yeah sure okay lang sakin, ikaw Sofia sasama ka ba? Bantayan mo nalang kaya muna si tita wala ung kasama sa bahay eh mas maganda sana kung ikaw ang mag-aalaga sakanya." sabi nito kay SOfia kaya mas pabor sakin ito.

    "Oo Lie mag-papass nga sana ako eh buti nalang hindi na kailangan dahil ikaw na mismo ang nagsabi kilala mo talaga ako bff.'" nag-paalam na ito at naunang umalis.

  "ikaw Marky sama ka?'" tanong naman ni Lierence kay Marky at sumang-ayon naman ito kaya gogora na kami.

   Ang poproblemahin ko ngayon ay kung paano ko malalasing si Lierence para makapag-open siya sakin at kung paano ko maiitchapwera si Marky. 

AUTHOR'S NOTE:

   Thank you guys for reading my work. Sana po nagustuhan ninyo ang ginawa ko salamat po talaga.

Tabachoy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon