Rival

44 0 0
                                    

Lierence POV

"Fiababes tignan mo yung cute na lalaki na yun", nginuso ko Yung lalaki sa may kabilang mesa.

"Lie crush mo.?" at nagcrossed arm pa.

"Pwede diba? ay shit biglang tumingin dito baka nahuli niya akong nakatingin sa kanya." sabi ko at nag-kunwaring busy sa pag-sip ng coffee ko.

"Shit Lie papunta ata dito. Umayos ka. Chill lang. Ayan na." tili ko sa utak.

"Hi beautiful ladies. If I'm not mistaken you're the famous Sofia and Lierence the top model now here and abroad." sabay kindat samin ni Sofia.

"Wow parang alam ko hindi pa sa ngayon pero hopefully we will." sabi ko.

"Maganda na sexy pa aba humble pa din pala. I'm Marky. I'm new in the world of modeling and makakasama ako sa pictorial later." pakilala nito.

"Masyado mo na kaming binobola niya ah baka lumaki na ang ulo namin." sabi naman ni Sofia.

"Ako? binobila kayo? No! I'm just stating the fact. Yun naman talaga ang totoo eh. Nagulat nga ako ng sabihan akong makakasama ako sa isa sa mga photo shoot nyo eh. napakaswerte ko talaga." sabi pa ni Marky.

"Nakakatuwa ka naman, so I think hindi na namin kailangan pang magpakilala. Muka namang kilalang kilala mo na kami eh." sabi ko habang nakangiti sa lalaking kaharap ko.

"Can I join you here malungkot kasi mag-isa doon sa mesa ko eh." tanong nito.

"Yeah sure yun lang pala eh." pagsang-ayon namin ni Sofia.

Habang nag-aantay kami sa oras ng shoot dahil sa wala pa yung mga kotseng imomodel. Tawa kami ng tawa sa mga jokes nitong si Marky sobra siya masayahin kasama walang dull moment at masasabi kong mabait at gentleman ito. Hindi nga namin namalayang naka-isang oras na pala kame mahigit nagkukwentuhan. Kung hindi pa dumating ang manager namin at hindi namin mamamalayan ang oras.

"Sorry girls macacancel yung shoot ngayon ipagpa-bukas nalang daw dahil sa gabi pa makakarating ung mga sasakyan nag-kaproblema sila eh hindi ata nag-kaintindihan saboras ng pagdating yung secretary ng company." hinging paumanhin ni Francesca samin.

"Ah ganun ba France so ok na if sisibat na kami ngayon.? tanong ko sa manager ko.

"Oo naman, sorry talaga sa inyo ah." sabi nito at nauna ng umalis.

"Marky alis na kami ah cancel pala eh see you tomorrow nalang." paalam namin.

"Wait. cancel din naman yung akin eh at maaga pa masyado gusto yung sumama sakin?" yaya nito samin ni sofia.

Nag-katinginan muna kami bago sumagot ng "Sige! san tayo.?"

"Sa favorite place ko kung saan makakapagrelax tayo at walang gugulo sa inyo. Alam ko namang pagkakaguluhan kayo kung sa mga pampublikong lugar tayo eh." kindat pa nito sakin. Sa sasakyan ko na tayo para mas madali tayo."

Sa sasakyan tinanong ni Marky kung bakit hindi manlang daw kami nagalit nung sinabing cancel yung shoot samantalang kung sa iba daw yun at nangangalaiti na sa galit, pag-antayin ka ba ng ilang oras tapos cancel pala.

"Hindi naman nila niexpect yun eh and halos lahat ng staff maagang nagsidating hindi lang kami super VIP ang treatment and hindi maiiwasan yun sa kahit saang trabaho. Nag-sorry naman sila sa inconvenient eh at may bonus pa nakilala ka namin at pinatawa mo kami ng pinatawa. Tapos ipapasyal mo pa kami." sagot kong ikinamangha namin.

"And as long as mag-kasama kami ni Lie sa project walang magiging problema dahil pwede kaming magliwaliw if hindi matutuloy ang shoot. Tulad ngayon diba." sabi pa ni Sofia.

------------------------------

Kanina pa tawag ng tawag ang mokong na to sa inis ko ay pinatayan ko ito ng phone. Bakit ba kasi ginugulo ako nito. Halos ilang araw na din itong tawag ng tawag pero hindi ko sinasagot ilang araw na din kasi kaming hindi nakakapag-usap. Simula nung nag-punta kami sa batangas binalak ko na talagang wag mag-paramadam at magpakita rito, wala lang para lang mamiss niya ko ng sobra.

Tabachoy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon