Lesly
"Hindi na tama iyang ginagawa mo Miss Montecarlos, nakakasakit ka na ng ibang tao!" Bulyaw sa akin ng teacher sa detention room.
"Anong gusto niyong gawin ko? Hayaan ko silang paglaruan ako?" Kalmadong sagot ko sa kanya.
"Oo nga naman Miss Daniela, masyadong mataas ang pride niya para lumuhod sa harapan ko. Lesly, oh Lesly, naaawa ako sayo. Siguro hinihiling mo na sana kasing yaman mo na lang ako." Sabat ni Janine sa usapan at ngumisi sa akin ng nakakaloko. Umupo siya sa tapat kong lamesa.
"Kung gusto mong magreklamo, maglabas ka ng pera mo. Ay oo nga pala, wala kang pera dahil poor ka lang." Sabi pa nito at tumawa ng pagkalakas-lakas. Hindi naman sa naiinis ako sa kanya, pero great timing. Sinapa ko ang inuupuan niyang lamesa at nahulog siya mula rito.
"Kung nag-aaral ka talaga, hindi ka naman ata magiging tanga para upuan ang desk diba? At isa pa, I would never wish to be someone like you. Ayaw sayo ng lahat and I don't want everyone to hate me too." Sabi ko sakanya at ngumisi dahil sa mukhang ipinapakita niya. Hindi pa nga ako nag-uumpisa mukha na siyang talo. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Saan--san ka pupunta Miss Montecarlos?" Tarantang tanong ni Miss Daniela. Malamang ay nagulat dahil sa ginawa ko kay Janine. No one dared to lay their hands on her. She's practically the princess in this school. But someone like her as a rival? Nah, never mind.
"In a place where everyone that disrespects me get's tortured. Bakit sasama ka?"
• • •
"Anong sabi ni Matthew sayo? May pa-I love you na ba?" Nagniningning ang mga mata ni Lisanna sa kambal niya habang nagkukwento ito tungkol sa mga crush niya.
"Baliw! Ano ka ba hindi nga niya ako kilala eh." Tumaas agad ang kilay ko sa sagot ni Rianna.
"Hindi ka kilala? Talaga lang ha?" Tanong ko dito at pinagpatuloy na ang pagkain ko ng Chocolate.
"Oo nga. Ikaw hindi makikilala ng isang Matthew San Jose? Panong hindi niya makikilala yung cheerleader na pinipilahan ng mga lalaki pero busted agad dahil anong sagot mo? 'May Matthew na ako.' Wow ha." Sarcastic na komento ni Theia.
"Anyway ano na palang balita dun sa lalaking itinutulak ng kuya mo para pakasalan mo?" Tanong ni Theia habang nakatingin sa akin. But I just ignored her.
"Oo nga girl, pano na daw yung kasal? Hindi mo pa kilala yung 'fiancé' mo hindi ba?"
"Guys, pabayaan niyo na si kuya." Maikling sagot ko para tigilan na nila ang pag-uusap tungkol sa plano ng kapatid ko.
"Sabi nung mga chismosa nating schoolmates napunta ka nanaman daw sa detention." Pagpapalit ni Kail sa usapan.
"Ay weh talaga? Bakit anong nangyari?" Tanong ni Aisne sa akin.
"Janine. Picking up fights. Throwing random things to me so no one literally stopped me from attacking her because everyone knows what attitude she has." Sagot ko.
"Ahh. So when will we see the old Lesly? Yung konting bangga lang sa kanya nagbe-berserk na? Yung Lesly na titigan mo lang ng masama maghahamon na ng away?" Sabi ni kuya Kali na sumali sa usapan.
"As far as I remember usapang babae ito diba? Hindi ka dapat nandito." I said while growling. He makes me cringe. He is the living proof of my mistake.
BINABASA MO ANG
You Found Me (Discontinued)
Lãng mạnWe're made for each other. But we're not meant to be together. In the midst of everyone, his eyes bore into mine. "Are you making me jealous with that man? Are you insulting me?" My brows crease. "And why would you think that making you jealous is...