Lesly
Sa mundo, maraming bagay ang hindi maipaliwanag ng science, kagaya ng bakit kaya may mga species ng animals and plants na tumutubo lang sa mga certain places lang? ilang libong planeta kaya ang mayroon sa universe?
At bakit madalas sa mga delikadong lalaki ay mga gwapo, may mga abs, defined jawline, perfect contrast of eye color, perfect nose, at soft hair? Even me, hindi ko alam ang sagot.
Well, kaya ba nilang ipaliwanag kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, pwede namang isa sa mga tauhan ko, o kaya naman ka-schoolmates ko, pwede ding anak ng politician, bakit kay Xavier pa rin ang bagsak ko?
I admit, tutol ako sa kasal, pero hindi ako tutol kay Xavier. It's just that parang may bumubulong sa akin, sinasabing hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lalaki, hindi ko alam kung yung past personality ko iyon na ayaw ulit maiwan ni X.
Well if it is, then may karapatan siyang matakot, dahil hindi lang siya iniwan ni Xavier, sinaktan pa siya nito.
"Ano na ang mangyayari sa inyo?" Nakatambay kami sa base, dahil linggo naman ngayon. So far maayos na naman ang labas ng base.
Wala na ang mga nagkalat na katawan sa labas. Si Badjao, ayun balik nanaman sa pagwa-walwal niya.
Si Reina naman, let's just say nakuha niya ang hinahanap niya. Bangas. Bago kami umalis sa mansyon ng mga kuya ko, inutusan ko si Shin na paggandahin si Reina, and the first thing na ginawa niya? Tinali si Reina at kumuha ng blade. And you know, blood as blush on, lips stick, eyeshadow.
Permanently in her pretty face. Nalaman ko lang ito dahil nagsumbong si Badjao. Kung alam ko lang na ganon ang gagawin ni Shin, ako na lang sana ang nagtago kay Reina. I may be bad but I'm not heartless. Nevertheless pinakawalan siya.
"Ewan ko, ni hindi nga niya ako kinausap eh. Pero syempre mag-aaral muna ako." Sagot ko.
"Gorl ang swerte mo. That guy is a big catch tapos sayo pa napunta. Will you give him to me?" Nginisihan ko si Lisana bilang pang-aasar.
"Gusto mo ba? Pakiagaw nga." Tumawa sila sa sagot ko.
"Halatang ayaw mo na talaga sa kanya." I rolled my eyes heavenward.
"Ngayon niyo lang napansin?" Walang ganang sagot ko sa kanila.
"What's so bad about marrying him? I mean no harm, but he seems nice." Tiningnan ko ng masama si Theia.
"You of all people should know why and how much I loath that man!" She sighed at my answer.
"Anyway nasaan si Aisne?" Nalipat ang atensyon nila kay Lisa. Kahapon pa siya hindi tumatawag. Ilang beses namin siyang sinubukang tawagan pero hindi siya sumagot sa kahit na isang tawag. Pagkatapos na pagkatapos ng Charity Ball, parang bula siyang nawala.
"May inasikaso daw sa Pampanga. Alam mo naman yun. Nagiisang anak." Napatango na lang ako kay Ria.
"Kamusta na kaya ang date ni Kail ngayon? Siguro punta ng punta sa CR yun. Naalala niyo ba last time nung nakita natin si Daniel? Halos mapatakbo na si Kail para lang magtago." Natawa kami ng maalala iyon.
That time kasi nag-hahanap kami ng pwedeng masuot ni Theia para sa birthday niya, nagkataon pa na may nabaggang babae si Kail at super coincidence rin na 'bagong girlfriend' pala ni Dan iyon
"Pero bakit naman daw si X? I mean wala naman akong duda na kapag nagka-baby kayo ay maganda talaga ang lahi-"
"Lisa!"
"Kasi gwapo siya at feeling ko naman ay sharp shooter siya-"
"Lisa what ever you're about to say, wag mo nang ituloy!"
BINABASA MO ANG
You Found Me (Discontinued)
RomanceWe're made for each other. But we're not meant to be together. In the midst of everyone, his eyes bore into mine. "Are you making me jealous with that man? Are you insulting me?" My brows crease. "And why would you think that making you jealous is...