Edgar's POVJusko kuya gumising kana! Nako! Kung nakita mo lang ang nangyari kahapon
*Flashback
Sinampal ni Sophia si ate Kenyol
"Aray! Para saan yun?" Sabi ni ate Kenyol
"Nagtataka lang ako bakit andito ka? Para ano? Para agawin mo naman sa akin si Harold? Di ka ba marunong ma kontento? Inagaw mo na siya sa akin"
"Wala akong inaagaw sayo! Bakit ba? Hanggang ngayon galit na galit ka parin sa akin?"
"Simula nuong sinabi sa akin ni Dad na yung pamilya mo hindi tapat at magnanakaw! Ano sa tingin mo ang magiging reaction ko?"
"Grabe? Ang kitid2x ng isip mo!"
Aba? Awayan nato biglang awat ni Mia
"Tama na yan"
" Isa ka pang babae ka! Alam mo ba hindi ako pinapansin ng dahil sayo? Alam mo babaeng parang may Luekemia! Di ka man lang nahihiya? Katabi pa kayo sa school, sweet pa kayo aba daig pa kayo parang mag jowa ano nilalandi mo ba siya?" Bigla siyang sinampal ni Mia
"Grabe? Ganon ba ang tingin mo sa akin? Hanggang ba ngayon galit ka parin sa akin nuong nagmaneho kang lasing?"
"Hindi lang yun, simula nuong muntik na kita mabangga at simula nuong nalasing ako , hindi na ako pinapansin ni Harold dahil sa kalandian mo! Siguro kaya ka niya napapansin dahil magaling ka sa kama?" Sinabunutan ni Mia si Sophia
"Walang hiya ka! Ang bastos ng pananalita mo!"
"Oppurtunista!!" Hanggang sa nagsabunutan ang dalawa at nakisali si ate Kenyol! Nako tatlo na sila, sali na rin ako, Charot!
Inawat ko silang tatlo
"Tama na yan! Di man lang kayo nahiya? Nagsasabunutan kayo at nagaaway kayo sa harap ni kuya? Ngayon kung walang patutunguhan ang pangpunta ninyo dito! Umalis na kayo! Please! I need space and Peace"
"Sorry" sabi ni ate Kenyol
"Sorry Edgar" sabi ni Mia
"Sorry" sabi din ni sophi"Alam niyo? Huwag kayo magsorry sa akin! Kayo! Magsorry kayo sa isa't isa"
Tila hindi sila sangayon sa mga sinabi ko biglang nagalit si Sophia
"Ako? Ako mag sosorry? Huh! Ayoko"
Taas ng pride niya. Ang ganda2x niya pero ugali niya panget
"No offense ate Sophia pero sa totoo lang? Hindi naman magkakagulo ang lahat kung hindi mo sinimulan ng gulo"
" so mas kinakampihan mo pa sila kaysa sa akin?" Ughhh ! Hindi niya ako naiintindihan
Sumingit bigla si ate Kenyol"Alam mo? Di kita maintindihan, ang yaman2x mo na, na sayo na ang lahat pero andyan parin ang insecurities mo? Mahirap lang kami! Hindi kami kagandahan para ingittan mo pero halata namn eh! Nagseselos ka sa samahan namin ni Mia kay Harold"
"Wala kang alam!, WALA!!" Sigaw niya ,nako nakakahiya
" Sophia? Pwede ba huwag ka sumigaw dito? Di kaba nahihiya kay Edgar at kay Harold? Palibhasa kasi scandalosa ka"
"Wala akong paki! Sige aalis na ako!"
Hay salamat pero bako siya umalis may sinabi siya"Hoy kayong malalandi makinig kayo! Akin lang si Harold! AKIN LANG ! WALANG MAKAKAAGAW"
BINABASA MO ANG
For now & Forever
Mystery / ThrillerForever kang mamahalin ng tunay ngunit may hahadlang sa inyo. Sana! Tayong lahat ay malaya magmahal ng tunay! Abangan ang pinakabagong kwento na tatak sa ating puso. This story is a true, story ito sa kaibigan ko na naniwala siya na tatangapin siya...