Harold/Joaquin's POV
Ang bilis ng araw! Ngayon na pala ang huling araw at huling burol ng kapatid ko at bukas ililibing na siya
Wala parin akong gana magpakita sa kanila.
Parang araw2x ata inaatack ako ng anxiety and depression, minsan hindi na ako lumalabas ng kwarto
Gusto ko talaga magpakita pero ang sakit talaga! Hindi ako makapagmoveon sa mga nangyari!
May kunatok sa kwarto ko
"Joaquin? Anak?"
"Ma! Gusto ko lang mapagisa ngayon"
"Anak? Hindi pwede! Ililibing na si Edgar bukas, sa tingin mo ba kapag buhay pa ang kapatid mo? Matutuwa ba siya na nagkakadepress ka?, buksan mo ang pinto"
Binuksan ko si Mama, may ibinigay siyang sulat
"Anak! Bago namatay si Edgar may binilin siyang sulat, gusto niyang basahin mo ang sinulat niya"
Naiyak ako sa sulat niya, kung alam ko lang, kung nalaman ko lang ito sana malalaman ko kung sino ang suspect sa pagaksidente ko.
Dear Kuya
Nais ko sana sabihin sayo na kahit hindi kapa gising mahal na mahal parin kita, at kahit na wala kang maalala, huwag kang magalala tutulungan kita upang maalala mo ang nakaraan mo, hindi palagi negative ang pananaw mo sa buhay dapat may positive din. Nagpapasalamat ako na may kuya ako na minahal ako kahit na nawala na ang memory niya. Kuya pagkagising mo sana makapagbonding pa tayo
Gusto kung malaman mo na ang sinadya lahat ang pagkaasidente mo, kilala ko kung sino yung nagdrive ng van na yun at kilala ko na rin kung sino ang amo nila. Ang nakilala ko lang si Nariann Trinindad, siya ang master mind ng pagkaaksidente mo. Kaya kuya lagi kang magiingat. May gusto pa nga akong puntahan eh at pangarap na sabay tayo ang gagawa, gusto ko may sarili tayong kompanya, makapagaral ka ulit sa Xavier University at higit sa lahat, piliin mo ang taong mahal ka
SalamatHanggang dito nalang
EdgarNaiyak ako sa mga sinabi ni Edgar bago siya pumanaw
"Pangako ko sayo , yung mga hindi mo natupad, ako ang gagawa, sabay tayo mangarap , sabay natin yun haharapin"
Lumabas na ako sa kwarto ko dala2x picture frame ni Edgar
Sana maka moveon pa ako sa nangyari sayo, sinisi ko ang sarili ko dahil hindi kita naalagaan
Pumunta na ako sa labas at hinarap ko ang mga tao at ako naman nakatayo dito sa harap ng kabaong ni Edgar
Ililibing na pala siya , bago siya ililibing may song number ako na kanta sa kanya , at dahil gusto niya ng OPM kinabta ko ang May Bukas Pa ni Rico J Puno
Nagiyakan ang lahat!
"Sana masaya kana diyan sa taas, you may rest in peace"
May nakita akong babae sa likod at nagdala ng bulaklak at pinuntahan niya ang puntod ni Edgar! Diba siya si Kenyol? Ang kapal din ng mukha niya magpakita? Kung hindi siya niligtas at kung hindi niya pinabayaan ang kapatid ko sana hindi pa siya patay ngayon. Sana siya nalang ang namatay
"Wala ka ba talagang hiya? Nagpakita ka pa talaga dito"
"Teka lang naman Harold? Andito ako dahil nagluluksa ako sa pagkamatay ni Edgar, naging malapit siya sa akin"
"Yun na nga eh! Malapit ka sa kanya, nagtiwala siya sayo ,pero ano ang ginawa mo? Iniwan mo siya dahil gusto mo siya ang sasabugan ng bomba"
"Hindi totoo yan"
"Tumahimik ka! Alam mo? Kung hindi ka niligtas ng kapatid ko, kung hindi ka lang niya nilayo sa bomba Sana ikaw nalang ang Namatay, ano ba ang meron sayo? At bakit malapit ang loob niya sayo? Ginayuma mova siya, sana ikaw nalang ang nasa kabaong na ito para MAGDUSA KA!!"
Sigaw ko sa kanya at sa kalunay sinampal niya ako
"Isang pagkakamali lang ang pagpunta ko dito, dahil ang kababata ko dati, di na ako kilala" kababata?
"Anong pinagsasabi mo hindi kita kababata at hindi kita kilala"
"Teka naguguluhan ako? Harold? Ano ang nangyari sayo?"
"Joaquin ang pangalan ko, hindi kita matandaan kasi wala akong maalalaa"
"Isa rin pala ako sa kinalimutan mo? Sorry" at umalis na siya
Libing na pala ngayon ni Edgar, di ako makapaniwala dito na kami sa sementeryo
Lahat ng mga kaibigan niya pumunta dito at mga kamag anak namin at bago pa ilibing si Edgar niyakap ko ang kabaong niya niya
"Salamat, Your memories will last forever"
Sabay kaming naglagay ng bulaklak sa kabaong niya at pagkatapos nagpalipad na kami ng ballons
"Sana masaya kana diyan"
Sophia's POv
Nasa likod lang ako naka shades ayoko magpakita sa kanila baka ako ang sisihin ni Harold sa pagkamatay ni Edgar pagkatapos nilibing si Edgar tinawagan ko si Akyesha
"Yes girl?"
"Tuloy ang plano natin"
"What do you mean?"
" Ngayon galit si Harold kay Kenyol at kay Kenyol niya sinisi ang pagkamatay ni Edgar, ito na ang pagkakataon na lalapit siya sa akin at hihingi ng tawad"
"Sandali anong balak mo?"
"Kailangan sa mga mata ni Harold masamang tao si Kenyol"
Tuloy ang laban
Itutuloy....
" author's note 📝 "
Ano naman ba ang bagong binabalak ni Sophia? Abangan
BINABASA MO ANG
For now & Forever
Mystery / ThrillerForever kang mamahalin ng tunay ngunit may hahadlang sa inyo. Sana! Tayong lahat ay malaya magmahal ng tunay! Abangan ang pinakabagong kwento na tatak sa ating puso. This story is a true, story ito sa kaibigan ko na naniwala siya na tatangapin siya...