Chapter 33: The Ex

2 1 0
                                    

Harold/Joaquin's POV

"Ano? nabaril si Abigail?" grabe di ako makapaniwala sa lahat ng tao si Abigail pa ang sumalo sa baril

"Sige punta ako diyan sa hospital"

Nagmaneho agad ako papunta sa hospital

Pagdating ko duon naduon si Sophia at Kenyol kasama ang maganda babae pero diko kilala

"Joaquin? Mabuti dumating kana"
Sabi ni Kenyol

gusto ko ng makita si Abigail, gusto ko magpaliwanag sa kanya kung bakit ako nakipag hiwalay

"Sophia? Pwede ba ako pumasok?"

sa totoo lang nahihiya ako magpakita sa kanya

"Bakit kapa nagtatanong kung gusto mo pumasok? Hahahaha, sabihin mo sa akin? iniiwasan mo ba si Abigail?"

Iniiwasan ko ba talaga? oh natatakot ako baka siya naman ang mahalin ko

"nahihiya ako magpakita kay Abigail dahil hindi maganda ang paghihiwalay namin"

lumapit si  Sophia sa akin

"alam ko hindi maganda ang simula natin siguro wala akong karapatan para sabihin ko to pero alam ko minahal mo ang kapatid ko"

"Oo Sophia, minahal ko talaga siya"

"Talaga ba? Kung minahal mo siya hindi ka matatakot lapitan siya"

Agad siya umalis habang umiiyak

Pumasok na ako sa kwarto niya

Umupo ako at nagising siya

"alam ko hindi maganda ang paghihiwalay natin pero handa ako maging kaibigan mo at karamay mo"

Hindi pa gaano nagsasalita si Abigail
"Walang hiyang taong gumawa sa'yo nito, pangako hahanapin ko ang taong minsan pinagtangka ang buhay mo"

Bigla niya hinawakan ang kamay ko

"Alam ko naman eh si Mia parin mahal mo at hindi na ako"

Oo na si Mia na

"Joaquin, alam ko si Mia parin ang mahal mo please huwag mo nang sayangin ang oras mo, kailangan mo na siyang makausap tungkol sa inyo at ayusin niyo"

Oo nga naman may point siya, sa bagay pero di ko alam hanggang kailan

"Please Joaquin, kung gusto mo talaga siya huwag ka mahiya sabihin ang totoo mong feelings kaya ngayon palang umalis kana at sabihin mo sa kanya"

Tama! siguro ito na ang time para magusap kami ng masinsinan

"Salamat" lumabas agad ako sa kwarto ni Abigail

Agad ko tinawagan si Mia pero cannot be reached
Ano ba ang nangyayari?

Nagtext ako sa kanya

To: Mia

Pwede ba tayo magkita? gusto lang kita makausap, please magkita tayo

Wala pang isang minuto nag reply si Mia

From: Mia

Sige magkita tayo sa mall

Mall? Bakit mall eh ang daming tao duon?

To: mia

Madaming tao duon

Nagreply agad siya

From: Mia

Sa rooftop tayo maguusap

What? Okay

Nagmaneho ako papunta sa mall at nang makarating na ako nagtext ako sa kanya

To:Mia

Andito na ako, asan kana?

Wala siyang reply, baka ito na ang sign na pupunta ako sa rooftop

Pumunta agad ako, paakyat ako ng stairs hinihingal na ako

Ang layo! hinigal ako, tuloy parin ang sa pagakyat hanggang sa makarating ako sa rooftop at di ako nagkamali andoon na si

"Mia?"  lumingon siya sa akin

"mabuti naman andito ka"

"ano paguusapan natin?"

Lumapit ako sa kanya,malapit na malapit

"Mia, ngayon ko lang na realize na mahal pala parin kita hanggang ngayon" lumapit siya sa akin at umiiyak

"mahal din kita" gustong gusto ko siya pero may isang bagay na ayaw na ayaw ko masabi sa kanya

"Pero lahat nagbago dahil ex na kita"

"ano ibig mong sabihin"

"Mahal kita pero ang hirap paniwalaan, masyado ng komplikado ang lahat, kaya Mia may isa akong hinihingi sayo"

"Ano yun?"

"Kung ayaw mo masaktan, layuan mo na ako at yun din ang gagawin ko, I need SPACE"

Umiiyak ako ng umiiyak bigla niya ako sinampal

" huh! sayang ka sa luha! DI KA WORTH IT, tama nga ako kasabag ng pagkalimot mo sa isip mo pati sa puso mo kinslimutan mo rin ako"

Umalis na siya

Sorry Mia.

Itutuloy...

Authors note

- tuloy na ba sila maglalayo?

For now & ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon