< 15 > - Memories

403 32 12
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Alice's POV

"Hi Alice " bati ng mga panget na schoolmates ko sa paaralang ito pagdating ko palang sa lobby papunta sa classroom namin.

Tssss. Mga papansing tao. Habang naglalakad ako sa lobby papuntang classroom ko ay pansin ko ang mga malagkit na tingin ng mga babae at lalaking nadadaanan ko. Mga matang nakatingin sa akin na halatang mga insecure at ilang beses na akong pinatay sa isip nila.

"Hi friend" nagulat naman ako nang may biglang humawak sa braso ko kaya liningon ko agad ito. Nakita ko namang si nerd-I mean si Lexis pala ito. Napasinghap naman agad ang mga tao sa ginawa niyang paghawak sa akin pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad papuntang classroom.

Nakasunod pa rin sa akin si Lexis.Tsss Bahala siyang magmukhang linta diyan kakakapit sa akin!

Bago ako umabot sa classroom ko ay nadaanan ko ang mga nagkumpulang students sa harap ng bulletin board. Lahat sila nagsiksikan na tila may malaking isyu ang dumating. Napatigil ako sa paglakad at tiningnan sila. Nung napansin nilang tiningnan ko sila ay umalis agad sila sa bulletin board at yumuko agad. Lumapit agad ako sa bulletin board para tingnan kung anong meron.

Uminit ang ulo ko sa bwisit na poster na yun at sa taong nagpost nito. Ilang minuto kong tinitigan ang nasa posters at mga pictures na pumupuno sa buong bulletin board.

"Who. did. these . shits?" tanong ko by syllable habang tinitigan ang mga nakayukong stupids sa tabi ko.

"Alice , calm down.Do you want me to take it down?" pagpapakalma sa akin ni Lexis at nagsimulang maglakad papunta sa bulletin board pero hinawakan ko agad ang braso niya.

"Let the one who post those take it down." kaya umatras naman agad sya para tumabi sa akin

Tiningnan kong muli ang mga tao pero wala man lang sumagot kaya sumigaw na agad ako.

"I SAID WHO THE FUCK DID THESE? TAKE IT DOWN OR ELSE--"

"Well , well , well! I love the scene , huh" nakita ko si Joanna kasama ang mga alipores niyang may malalawak na ngiti habang pumalakpak at papunta sa akin.

"..." binigyan ko siya ng isang masamang tingin

"OH WELL GUYS! SEE? SHE DIDNT EVEN REACT WITH THE PHOTOS. SEE HOW SLUT SHE IS. SHE ADMIT IT . *tingin sa akin* OH DEAR , HOW'S THE FEELING? OVERWHELMING?"

"....." tinitigan ko lang siya.Ibinaling ko ang tingin sa kanyang mga alipores na may ipinost ulit sa bulletin board.

Habang tinitingnan ko ito,nanghihina ako. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa mga pictures na nakapost dito.

"What a sad life , dear Alice. See how devastated you are right now. Ang sakit noh? Ang sakit palang lokohin ng taong mahal mo.Look people, a bitch is now speechless." sigaw niya sa madla habang nag gestures ng mga kamay niya.

Tinitigan ko lang siya. Tinitigan ko isa-isa ang mga pictures na nasa board. Anong meron? Sinong nakakuha ng mga pictures na to?

Sino ang babaeng nasa picture kasama ang lalaking mahal ko? Kasama ni Lee?

Unti-unting bumabalik ang ala-ala ko sa panahon kung saan ako nagsimulang nagbago. Panahong hindi na ako si Noby Reyes.

Flashback

Masaya akong pumunta sa mall para bumili ng present para kay Lee dahil sa fourth anniversary namin.

Hmmm? Ano kayang mabuting iregalo kay Boo? Teddy bear kaya? Chocolates?

Mr.Ice Meets Ms.Nosy [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon