< 17 > - Bipolar

354 21 17
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

  ALICE'S POV

"Baby, are you okay?" salubong sa akin ni Mommy pagdating ko palang sa bahay.

"I'm okay. Where's Dad?" kakadating lang kasi nila galing sa business trip ng company.

"Oooooy. Hinahanap ang dad nya." tinataas-baba pa ang kanyang kilay at nakangiting abot-tenga

Damn. Mommy ko ba talaga to? Bakit parang mas bata pa kumilos sa akin?

"No. I'm not" 

^3^

DAFUQ! Nagpout sya? Eh lagi naman eh. Bakit ba kasi napapalibutan ako ng mga taong mahilig sa pout? Lalong lalo na si Ridge.

Ayyy teka nga! Ngayon ko lang naalala. Si Ridge pala yung transferee sa school namin kaya pala nandun sya kanina sa clinic.

"Alice , Dont worry. i will never leave you , I promise"

"Alice , Dont worry. i will never leave you , I promise"

"Alice , Dont worry. i will never leave you , I promise"

Aissssh! Bakit ba naririnig ko ang boses ni Andrei kanina pa. Nung nahimatay ako ,narinig ko syang sinabi yan. Ewan ko lang ba at nandun ba siya basta pagkagising ko , si Ridge ang unang nakita ko.

Pero bakit ganito? Bakit kapag umuulit yun sa utak ko , parang totoo? Parang totoong sinasabi niya sa akin?

"Are you okay , baby? Bakit ang pula ng mukha mo?" tanong ni Mommy sa akin.

Nandito kasi ako ngayon sa dining room , kumakain at si Mommy naman , nakaupo sa harap ko habang tinitigan ang bawat galaw ko.

 "Can't you stop staring , it's rude." 

"Alam mo anak , you're sooo cute."

"Tssss"

"No wonder , crush ka ni Andrei" napaubo ako bigla sa sinabi nya. Mabilis siyang tumayo at hinagod ang likod ko. Kinuha nya ang tubig sabay inom ko.

"What the heck?! What are you talking about?!" 

"Anak naman ehhh. Napaginipan ko kaya yan kahapon. Pumunta daw si Andrei dito at umaakyat ng ligaw. Yieeeee. Ang sweet naman nung batang yun." tapos nakangiti syang sobrang lawak na halos mapunit na ang mukha nya.

"Tsss. It's just a dream. What are you talking about?! Dream lang yun. Dream!" kinuha ko na ang chicken omelet at simulang kainin. 

"Alam mo anak. Sabi nila ang bawat panaginip may kahulugan. Eh , malay mo naman diba? Yung panaginip kong nanliligaw sya sa'yo , kahulugan nun may crush sya sayo. Yieeeee! Anak kinikilig ako sa inyo" sinusundot-sundot pa nya yung tagiliran ko kaya todo iwas ako. Tsss. Bakit di ko namalayang lumipat sya sa tabi ko.

"You're not making any sense" tumayo ako agad at mabilis na naglakad papuntang kwarto ko. Pero bago ako nakapasok sa kwarto, narinig ko pa siyang sumigaw

"Anak , boto ako sa kanya. Gora lang!" 

Asa siya! Never akong mainlove sa lalaking yun. Bwisit na yun. Bahala sya sa buhay nya.

"Alice , Dont worry. i will never leave you , I promise"

Shet! Ughhh! Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at sinarado agad ito. Bwisit! Bakit ba bigla bigla nalang yung nagreplay sa utak ko? Taena lang!

"Alice , Dont worry. i will never leave you , I promise"

Lub. Dub. Lub. Dub. Lub. Dub

Mr.Ice Meets Ms.Nosy [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon