LWMC: CHAPTER 2

1.4K 37 2.2K
                                    

Bagsak ang mga balikat kong umuwi sa apartment na tinitirhan ko.

"Mabuti naman umuwi ka na!"

Napatingin ako sa galit na boses na iyon, walang iba kundi si Mrs. Di Makulangan, ang may-ari ng apartment na tinitirhan ko. "Bakit ho?" Magalang na tanong ko kahit alam ko naman na ang kailangan niya.

"Anong bakit ho?" Nakapamewang na singhal niya habang nakatingin sa akin ng masama. "Dalawang buwan ka nang hindi nagbabayad ng upa sa bahay at kung hindi ka pa makabayad bukas mag-alsa balutan ka na!"

Ang pangit nang itsura ni Mrs. Di Makulangan kapag nagagalit, bagay sila nung boss kong panot, parehong pangit.

Napayuko ako dahil ayokong makita ang mukha niya. "Pasensya na ho," iyon na lang ang nasabi ko.

"Pasensya pasensya! Hindi ko makakain ang puro pasensya mong iyan!"

So meaning kapag pera nakakain ng matapobreng gurang na ito? Wow, amazing!

"Alam ko naman ho iyon kaya humihingi ulit ako ng pasensya sa inyo. Tsaka magbabayad ho ako, gagawa ako ng paraan para mabayaran kayo bukas." Sana nga makagawa ako ng paraan dahil kung hindi sa lansangan ako titira na parang palaboy.  Ipinilig ko ang ulo ko at inalis ang ganoong pag-iisip. Hindi ko hahayaang mangyari sa akin iyon, kaya habang maaga pa ay gagawa na ako ng paraan.

What a curse day!

"Iyan din ang sinabi mo sa akin noong nakaraang buwan. Pero sige, hihintayin ko ang bayad mo bukas!" Galit na singhal niya bago ako tinalikuran.

"Salamat ho, Mrs. Di Makulangan." Pahabol na sabi ko na sinundan ito ng tingin na hirap na hirap bumaba ng hagdan dahil sa katabaan.

Ay sayang hindi nahulog sa hagdan!

Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at napapabuntong-hininga na umupo sa sahig. "What a life," sambit ko habang nakayakap sa mga tuhod ko. Gusto kong umiyak, pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Isa lang ang ibig sabihin nun na masyadong mababaw ang dahilan para sayangin ang luha.

After all, my tears aren't precious but dangerous.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha. Pagkatapos kong maghilamos ay nagbihis na ako at inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Nang makuntento na ako sa itsura ko, kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinext ang kaibigan kong si Fiona na magkita kami sa Love Coffee Shop.

Nandito na ako sa coffee shop, hinihintay ang pagdating ni Fiona. Hindi pa ako umorder ng kape dahil wala akong pambayad. Hindi ako sinahuran ng boss kong panot kaya wala akong pera ngayon.

"Sab!"

Napatingin ako sa maganda at seksing babaeng tumawag sa akin. "Fiona!" Nakangiting bati ko nang lumapit siya sa akin.

"Sorry, I'm late." Sabi niya sabay upo sa bakanteng upuan sa harap ko. "Bakit ganyan mukha mo? Nakalunok ka ba ng lemon?" Tanong niya sa akin habang sinusuri ang mukha ko.

Nirolyohan ko siya ng mata. "Tanga lang ang gagawa nun."

Ngumiwi naman siya, "I know. So what happened?"

"Natanggal na ako sa trabaho," sabi ko na parang hindi big deal ang nangyari.

Gulat na tinitigan ako ni Fiona. "You what?!"

"Sabi ko wala na akong trabaho," mahinang sigaw ko at nanlaki ang mata niya.

"I mean, how did you get fired from your job?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Fiona. "Are we in another country?" Nalilito kunwaring balik tanong ko dahil kanina pa ako naiirita sa pag-english niya.

"Oo na magtatagalog na ako," singhal niya na parang masama pa ang loob.

"Oh parang masama pa yata ang loob mo?"

Nanlaki ang mata niya, "Ano? Hindi 'no!"

"Gusto mong malaman kung paano ako natanggal sa trabaho 'di ba?" Tanong ko at tumango siya.

"Yup! So ano bang nangyari?"

Naalala ko na naman tuloy ang ginawa sa akin nang demonyong iyon. "Gusto ni boss panot na makuha ni Marcus ang promotion, kaya tinanggal niya ako sa mababaw na dahilan."

"Anong klaseng mababaw na dahilan ba iyan?"

"May sumabotahe sa report na pinasa ko eh," buntong-hiningang sagot ko. "Pero hayaan muna trabaho lang iyon," dagdag ko.

Ayokong malaman niya na may kinalaman si Marcus sa bagay na iyon dahil magwawala ito sa galit.

"Hayaan hayaan! Konti na lang iisipin ko nang Santa ka," panunuya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kung alam niya lang kabaliktaran ako ni Santa!

"Di wow," pairap kong sabi sa kaniya. "Kumain ka na ba?"

"Oo," mabilis niyang sagot. "Ikaw ba?"

"Hindi pa nga eh.." nahihiyang sabi ko na hindi makatingin sa kaniya.

"Hindi ka sinahuran ng galanteng boss mo?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Wala kang pera?" Tumango ulit ako. "Pakamatay ka na!"

Awtomatikong binatukan ko siya sa sinabi niyang iyon at tumawa lang ang gaga. "Siraulo ka! Porket walang pera pakamatay agad? Ayos ka ring kaibigan e 'no?!" May halong sarkasmong asik ko.

"Grabe hindi na mabiro," natatawang sabi niya kahit wala namang nakakatawa. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. Sinenyasan niya akong tumahimik bago sinagot ang tawag. "Hello? Oh, hi! Yeah, this is Fiona Marasigan. Oh, really? Okay, I'll be there in ten. Thank you!" Abot tenga ang ngiti niya nang mamatay ang tawag.

"Good news?" Tanong ko at nakangiting tumango siya.

"Magiging model na ako!" Masayang sabi niya na kumikislap pa ang mga mata.

"Model ng ano?"

"I don't know. Pero sabi naman nung tumawag sa clothing company daw eh."

Medyo nadismaya ako sa sagot niya. "Masaya ako para sa bago mong trabaho," sabi ko at pekeng ngumiti sa kaniya.

"Thank you, Sab."

"Mm, basta ikaw!"

Siguraduhin lang talaga ng babaeng ito na clothing company ang trabahong papasukan niya dahil kung hindi bugbog berna siya sa akin.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now