LWMC: CHAPTER 3

1.3K 39 372
                                    

Umalis na si Fiona, may kontrata pa daw siyang pipirmahan para sa bago niyang trabaho. Pero bago siya umalis, inorderan niya ako ng kape at isang hiwa ng ube cake. Pinahiram din niya ako ng pera, ang kaso hindi pa rin ito sapat pambayad sa renta ng bahay.

Kahit na marami akong kaibigan, hindi ako basta-basta lumalapit sa kanila, kay Fiona lang ako komportable na maglabas ng mga problema ko sa buhay.

"Sabrina?"

Naputol ang pag-iisip ko ng may tumawag sa pangalan ko kaya napatingin ako sa taong tumawag sa akin.

"Ako nga. Kilala ba kita?" Tanong ko sa gwapong lalaki na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Naka-corporate suit siya na para bang kagagaling lang niya sa isang business meeting.

"Ako ito si Gian, 'yung classmate mo noong high school."

Gian?

Gian?

Gian?

May classmate ba akong Gian noon?

Sinubukan kong alalahanin ang pangalan niya pero hindi ko talaga maalala eh. Hayst sign na ito para uminom na ako ng memory plus gold.

"Ah anong last name mo? At anong year tayo naging magkaklase?" Tanong ko ulit habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Damn.. he's so freaking handsome!

"Gian De Guzman, Second year 2-A Falcon."

Gian De Guzman?

Second year 2-A Falcon?

Awtomatik ko itong naalala, "Oh my!" Natutop ko ang sarili kong bibig. Hindi ako makapaniwala na hindi ko na kilala ang nag-iisang crush ko sa high school. Ang masaklap pa nakalimutan ko ang pangalan niya. "Naalala na kita. Ikaw 'yung crush ko nung second year tayo," sabi ko na ikinagulat niya.

Ano ang nakakagulat doon? Halos lahat ng nasa class 2-A ay alam ang tungkol sa bagay na iyon. Maliban na lang kung manhid ang isang ito, o nagpapanggap na walang alam.

"May crush ka sa akin noon?" Hindi makapaniwalang tanong niya na para bang may natuklasan siyang kakaibang trivia. "Bakit hindi ko alam iyon?"

Confirmed.

Wala ngang alam na crush ko siya.

"Malamang, manhid ka eh.." sagot ko. "Umupo ka," nginuso ko ang upuan na inupuan ni Fiona.

"Salamat..." aniya sabay upo. "Hindi ako manhid."

Sige lang itanggi mo habang buhay 'yan!

Napairap ako. "Kung hindi tayo nagkita ngayon, hindi mo malalaman na may crush ako sa'yo noon. Iyon ba 'yung sinasabi mong hindi ka manhid hah?!" Halos lahat ng mga kaklase namin ay alam ang tungkol doon. "Kahit class 2-B alam nila na crush kita," dagdag ko habang pinagmamasdan ang reaksyon ng mukha niya.

Noon kasi uso ang slam books na sasagutan mo ang mga tanong na nakapaloob doon. Isa na rito kung sino ang crush mo at kung sino ang mahal mo. Dahil nga crush ko siya, ang pangalan niya ang palaging nakasulat sa lahat ng slam books ng mga kaibigan at kaklase ko.

Ang slam books ang pinakanakakatuwa sa lahat ng librong mababasa mo dahil malalaman mo talaga ang tinatagong sekreto ng mga kaklase at kaibigan mo.

"Wow!"

Sa dami ng sinabi ko, wow lang ang isasagot niya? Kung sapakin ko kaya ito ewan ko na lang kung mapa-wow pa siya.

"Lost for words?" Tanong ko dahil para siyang tanga na nakatitig sa akin.

"I can't believe you've got a crush on me."

Nakangiti siya ng sinabi niya iyon kaya napa-roll eyes ako. "Duh! Hindi lang ako may crush sa'yo 'no!"

"What do you mean na hindi lang ikaw?" Nagtatakang tanong niya.

So hindi niya rin alam na may crush sa kaniya si Erica, Elisse, at Jane, at 'yung nasa iba pang section? Wow! Bilib na talaga ako sa pagiging inosente, ignorante, at manhid ng isang ito.

"Basta marami kang secret admirers noon." 'Yun lang ang naisagot ko na ikinadismaya niya.

Masyadong madami ang mga babaeng may gusto sa kaniya noon at mapapagod lang ako magkwento ng tungkol sa kanila.

Sa ngayon masaya ako na nakita ko ulit ang high school crush ko, the one and only Gian De Guzman.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now