LWMC: CHAPTER 5

1.2K 29 22
                                    

Nagising ako sa isang malakas na kantahan na nagmumula sa labas ng apartment ko. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko dahil ang pangit ng boses ng kumakanta, parang basag na pinggan ang lintik.

Linggo ngayon kaya maagang mag-inuman ang mga kapitbahay ko. Ginagawa nila iyon tuwing linggo kaya parang laging may pyesta sa compound na ito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Sa Love Coffee Shop na lang ako mag-aalmusal dahil masarap ang pandesal nila sa umaga.

Naalala ko na naman na gagawa pa pala ako ng paraan para mabayaran ang renta ng bahay kay Mrs. Di Makulangan. Buti na lang at hindi niya ako siningil kahapon, pero sigurado akong sisingilin niya ako ngayon.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako.

"Gandang morning, ganda." Bati sa akin ni Mang Julio nang makita akong pababa ng hagdan.

Mabait na kapitbahay si Mang Julio at ang asawa niyang si Aleng Pilar. 'Yun nga lang lasinggero ito na laging nauuwi sa pagtatalo nilang mag asawa.

"Gandang morning din ho sa inyo Mang Julio," nakangiting ibinalik ko ang bati sa kaniya.

"Papasok ka ba sa trabaho mo, Ineng?"

Maka-Ineng naman itong si Mang Julio akala mo kinse anyos ang kausap.

"Wala ho akong trabaho ngayon, pupunta lang ho ako sa malapit na coffee shop," paliwanag ko.

"Kung ganoon umalis ka na baka hinihintay ka na ng nobyo mo."

Pftt nobyo ang hanep!

Napakamot na lang ako sa ulo sa sinabi niyang iyon. "Oh sige, mauna na ho ako."

"Mag-ingat ka, Ineng."

"Sila ho ang mag-ingat sa akin," pabirong tugon ko na ikinatawa ni Mang Julio.

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na ako ng compound. Pumara ako ng jeep at nang may huminto sa harapan ko ay agad akong sumakay.

Saglit lang ang byahe kaya mabilis akong nakarating sa coffee shop.

Mula sa labas, sumilip muna ako sa loob at eksakto kakaunti lang ang tao kaya pumasok na ako.

"Hey, over here!"

Napalingon ako sa kaliwa ko sa pamilyar na boses na iyon. Isang gwapong lalaki ang nakangiti sa direksyon ko habang nakataas ang isang kamay niya.

Nakakunot ang noo ko habang papalapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko pagkaupo ko sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.

"Good morning," nakangiting bati niya pero hindi iyon ang sagot sa tanong ko. "Dito ako nag-aalmusal sa umaga. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong niya pabalik sa akin.

Mukhang maganda ang umaga ng isang ito panay ang ngiti eh!

"Dito din ako nag-aalmusal pero tuwing Linggo lang." Dahil sa office ako kumakain ng almusal kapag araw ng Lunes hanggang Sabado dahil bawal pumasok ng late sa trabaho.

Sunday is my day off and my free time!

"Ah, kaya pala ngayon lang tayo nagkasabay na dalawa. Anyway, no greetings?"

Greetings?

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya saglit. "Greetings? You mean good morning?" Tanong ko at nakangiti na tumango naman siya.

Wow.. Demanding si crush!

Tumikhim muna ako ng mahina saka ko siya binigyan ng matamis na ngiti na maaaring ika-diabetes niya. "Good morning sa one and only crush ko.." sabi ko at nakita ko siyang ngumiti ng abot tenga. "Noong high school," dagdag ko at mabilis na nawala ang ngiti niya.

He's so cute but handsome at the same time!

"Hindi na ngayon?"

"Hindi na.." pinipigilan ko na hindi matawa habang nakatingin sa kaniya. "Mas gwapo pa rin ang ex ko sa'yo kahit talunan siya." Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata at mukha.

Hehe.. ang sarap niyang asarin!

"Ouch.." madramang anas niya na napahawak pa sa kaniyang dibdib. "Ang sakit naman ng sinabi mo."

Napa-roll eyes ako. "Ang drama mo," natatawa kong sagot saka tumayo para umorder ng kape at pandesal. "Huwag kang kakain hangga't hindi ako bumabalik." Pabiro kong pananakot sa kaniya kaya mabilis siyang tumango.

Pumunta na ako sa counter at umorder ng Caramel Latte at ang paborito kong Red Velvet Pandesal sa umaga.

Nang makuha ko na ang order ay bumalik na ako sa table namin ni Gian. "Tara kain na tayo," sabi ko sabay upo. Tumingin siya sa akin at sa kape ko at awtomatikong napangiwi. Bigla akong natawa nang maalala ko ang itsura niya noong ininom niya ang kape na binigay ko sa kaniya noong isang araw.

"What's so funny?" Nakataas ang kilay niyang tanong kaya kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang pagtawa.

"Wala naman. May naalala lang ako." Sagot ko at kumuha ng pandesal para magsimulang kumain. "Kumain ka na rin bago pa lumamig 'yang kape mo." Nginuso ko ang kape niya habang ngumunguya. Grabe ang sarap ng pandesal, hindi masakit sa panga kapag nginunguya.

"Anong naalala mo?" Usisa niyang tanong bago siya nagsimulang kumain.

"Ah 'yong ex ko." Hindi ko maiwasang matawa sa nakita kong reaksyon sa mukha niya. Dahil bahagya siyang nakanguso at salubong ang mga kilay na parang batang inagawan ng paboritong laruan.

Ngayon ko pa lang siya nakita na ngumuso pero bakit ang cute niya tingnan? 'Yung ibang nakikita kong ngumunguso pangit ang itsura sa paningin ko. Hayst, kawawa naman ang mga hindi cute na trying hard magpa-cute habang nakanguso sa harap ni crush.

"I see," tipid niyang sagot. "By the way, may gagawin ka ba after breakfast?"

"Wala. Matutulog lang ako maghapon," ani ko habang humihigop ng kape.

"No going out with friends?"

Napatingin ako sa kaniya saglit, "Wala akong oras para diyan. Ikaw ba?" Balik tanong ko.

"Rest day."

"Mm, good 'yan.."

Pagkatapos naming kumain, napag-usapan namin ang kursong kinuha niya at natapos noong siya ay nasa kolehiyo. Natuwa naman ako nang sabihin niya sa akin na natupad na ang pangarap niya noon na magkaroon ng sariling negosyo. Simula noong high school kami, 'yun na talaga ang pangarap niya. Kaya hindi na ako magtataka kung maayos na ang takbo ng buhay niya ngayon. Isa pa deserve niya iyon dahil nagpursige siya at nagsikap na makamit ang kaniyang mga pangarap.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now