2

10.6K 224 31
                                    


"Shit!" usal ni Pete nang hilahin ang drawer na naglalaman ng mga briefs niya. Ang naroroon na lang, iyong mga luma na medyo naninilaw na. Hindi siya nagsusuot ng briefs na hindi puting-puti. Nakangiwing napatingin siya sa kahong nasa loob din ng drawer. Wala siyang choice kundi ang kunin iyon.

Kinuha niya ang kahon at kumuha rin ng gunting sa drawer ng dresser. Naupo siya sa kama, inayos ang tuwalyang nakatapi sa sarili para hindi naman dumungaw ang kanyang "thy-kingdom-come." Binuksan niya ang kahon at kinuha ang isang bagong-bagong briefs. Noon lang isang linggo iyon ibinigay sa kanya ng kanyang mama.

Hinawakan ni Pete ang kaliwang bahagi ng briefs at sinimulang sungkitin ng dulo ng gunting ang sinulid ng burda roon. JAYPEE ang nakaburda sa briefs. That was his mother's pet name for him. He hated the name as much as he hated the embroidery on his briefs. Kung bakit ba naman napakatiyaga ng mama niya. Every two months, ibinibili siya ng isang dosenang briefs na puti, pagkatapos ay buburdahan muna isa-isa bago ibigay sa kanya.

Puwede siyang bumili ng sariling underwear, pero paano naman ang mga binili ng kanyang mama na hindi naman basta-bastang underwear? Mamahalin ang mga iyon.

Noong una, hindi naman issue kay Pete ang mga burda. Puti rin naman ang ginamit na sinulid. Naisip niyang hindi naman basta-basta mapapansin.

Pero hindi niya naisip na ang mga babae, napapansin lahat ng bagay tungkol sa lalaki. Ilang beses siyang naipahiya ng burda sa kanyang underwear. Hindi niya makakalimutan ang mga comments ng mga babaeng nakadiskubre sa makasaysayang burda.

Mula noon, pinagtiyagaan na niyang kalasin ang burda. Isa nga iyon sa mga dahilan kaya siya lumipat sa isang apartment. Sa bahay nila, makikita ng mama niya na wala nang burda ang mga briefs. Magagalit ito—magwawala, iiyak, manunumbat.

Ilang beses na ring ipinakiusap ni Pete sa ina na tigilan na ang pagbuburda sa mga briefs na binibili para sa kanya, pero hindi mapakiusapan ang uliran niyang mama. Ang kutob niya, wala lang talaga itong magawa. And who could blame a pampered housewife?

Nagmula sa maykayang pamilya ang kanyang mama, samantalang ordinaryong empleyado lang sa isang multinational corporation ang kanyang papa nang magpakasal ang dalawa. But his father was determined to give his wife the kind of life her family believed their precious Juventina deserved. His father worked hard until he had saved enough to venture in his own garments business.

Dahil sa determinasyon at takot na mapamukhaan ng mga kamag-anak ng kanyang mama, nagtagumpay ang garments business. Her mother became a queen with nothing else to do. Hindi rin ang mama niya ang nagpapatakbo ng household dahil marami silang maids.

He was an only son. Lahat ng atensiyon ng naiinip niyang mama, napunta sa kanya.

As a child, he loved that. As a teenager, he loathed it. As an adult, he became tolerant, although sometimes, hindi rin maiwasang mapuno siya sa kanyang mama.

Katulad noong inaguration ng Bud Brothers Farm, siyempre, bisita ang mama ni Pete. Sa gitna ng kasiyahan, lumipat sa kanyang tabi ang ginang, may dalang puting towel at sapilitang inilagay sa likod niya. Katakot-takot na pambubuska ang inabot niya sa mga brods dahil doon.

Isinusumbat palagi sa kanya ng ina ang pagpayag nito na bumukod siya. Pumayag daw ito dahil naiintindihan siya, pero huwag naman daw sana niyang ipagkait dito ang pagiging ina sa kanya.

He sighed. Nakalas na ni Pete ang burda sa isang briefs. Isinuot muna niya iyon. He would need at least a dozen underwear dahil pupunta siya sa Lian. He would be in command of the farm for the meantime.

Aalis si Wayne, papunta sa Germany with his wife, of course. Si Vince naman, hindi maasikaso ang farm dahil may problema sa bangko. It seemed that all the banks were in trouble, so were the other businesses including the likes of Pio's construction company. Even their garments business was having some troubles, pero magaling ang trouble-shooter niya, isang pinsan sa father's side na natutuwa pa na dito niya ipamahala pansamantala ang negosyo.

Bud Brothers 4-Tail, You Lose; Head, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon