17

6.7K 176 15
                                    


"'AYAN na si Pete!" sabi ni Tammy matapos dumungaw sa bintana ng kubo. Naupo siya sa upuang kawayan. "Dito ka umupo sa sahig," sabi niya kay Dick.

Tumalima naman ito. Ipinagitan niya sa mga hita ang likod nito, pagkatapos ay minasahe ang ulo.

"Sarap," sabi ni Dick.

Hindi naman nagtagal ay umakyat sa kubo si Pete. Napagulat ito nang bahagya nang makita ang ayos nila.

"Kumusta ang lakad, brod?" bati ni Dick.

"Okay lang."

"Diinan mo pa, Tammy," sabi naman ni Dick sa kanya.

"Like this?" buong kalandiang sabi ni Tammy. Naaaliw rin naman siyang pagsilbihan si Dick, para siyang nakahanap ng kalaro. Soul mates din siguro sila.

"Yes, like that." Umungol pa ito.

"Brod, mauna na ako. Tammy," sabi ni Pete, sumenyas na mauuna na kung saan man ito pupunta.

"Sige. See you later." Kinawayan ito ni Tammy.

Nang masigurong nakalayo na si Pete, itinulak niya ang ulo ni Dick.

"Ituloy mo. Binitin mo naman ako, eh," angal nito.

"Sa palagay mo?" tanong niya.

"Effective naman. Nakita mo naman, selos na selos. Gago 'yon, eh. Matanda na, hindi pa alam ang gusto."

"Sinabi mo pa."

Mayamaya naman, tumunog ang cell phone ni Dick. Nabasa rin ni Tammy kung sino ang caller. Si Pete.

"Kunwari, kinikiliti kita. Tumawa ka, 'tapos umungol ka. Kunwari, may ginagawa tayong milagro," udyok ni Dick.

"Sige, gusto ko 'yan, brother!"

Sinagot ni Dick ang cell phone. "Brod, napatawag ka? 'Tagal nating 'di nagkita. Two minutes."

"Oh, Dick, ano ka ba? Shit! 'wag diyan! Nakikiliti ako. You're so gross! Bakit wala kang briefs?" Daig pa ni Tammy ang kinikiliti ng sampung diablo, hinahaluan pa niya ng ungol. Panay naman ang senyas ni Dick na ipagpatuloy niya ang acting. "Ooooh, stop it! Don't, Oh, yesss!"

"Okay, brod. Ngayon din," sabi ni Dick at pinindot ang end button. Ibinulsa nito ang phone. "Tawag ako sa Batcave. Diyan ka muna," paalam nito.

"Effective ba ang acting ko?" she asked.

"Siguro," sagot nito.

After ten minutes, si Pete ang dumating sa kubo.

"Hello, loves. Kumain ka na? Sayang, gumawa ako ng pizza pandesal, kaso inubos ni Dick. Igagawa na lang kita bukas," sabi ni Tammy. Isinampay niya ang mga braso sa balikat nito.

Pinalis iyon ni Pete. "Anong kalokohan ang pinaggagagawa n'yo rito?"

Napangiti ang kaluluwa niya. Nagseselos nga ang herodes!

"Wala naman kaming ginagawang masama rito, eh." Kunwari, offended siya.

"Anong wala?"

"Hmn, nagseselos ka ba kay Dick?" akusa ni Tammy.

"Hindi!" he growled. "Naiirita ako sa kaartehan mo! Halatang-halata ko naman na nagdadrama ka lang kanina. Bakit? Para pagselosin ako?"

"At bakit naman kita pagseselosin?"

"Malay ko sa 'yo. Basta, tigilan mo ang pagdadrama. Hindi magandang tingnan."

Gustong iuntog ni Tammy ang ulo ni Pete. Ang lalaki naman ang may pakana na paligawan siya kay Dick. Ngayong nagpi-flirt siya kay Dick, kahit kunwari lang, nagagalit naman.

"Hindi naman ako nagdadrama. I'm genuinely fond of Dick. Ayaw mo ba n'on? Nababaling sa kanya ang atensiyon ko?"

Napatitig sa kanya si Pete, bahagyang kumunot ang noo, pagkatapos ay umiling. "I'm happy to hear that, really. Dick is a nice guy. Just don't overdo it. Kung... kung magkakagustuhan kayo, hindi ko puwedeng tutulan 'yon. Kilala ko naman ang brod ko, hindi ka sasaktan n'on. Matakaw lang 'yon, pero mabait."

"Talaga lang, huh?" Kung may hawak siyang baril, binaril na niya sa pagitan ng mga mata si Pete. Tahasan siyang ipinauubaya kay Dick!

Alam ba nito kung gaano kasakit iyon?

Makikita mo mamaya, banta niya.

Bud Brothers 4-Tail, You Lose; Head, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon