The Station
Eleven Fifty PM
Nandito na ako ngayon sa station, as expected wala katao tao. Madilim na pero ang init pa din, hindi ko lang alam kung namamawis ako dahil sa init o dahil sa kaba.
Feeling ko kasi ang tanga tanga ko talaga para maniwalang totoo yung The Station.
Kaya siguro ako bumagsak sa exam kasi hindi talaga ako matalino, kasi sino ba naman ang maniniwala sa isang probably satire site at babyahe ng dis oras ng gabi. Tapos umalis pa ako sa bahay ng hindi nagpapaalam, nagiwan lang ako ng sulat na nagsasabing magbabakasyon lang ako.
I don't if they'll find me, I know naman na hahayaan nila ako.
Soon I'll go home din naman.
Pero totoo ba talaga 'tong station na 'to? Kapag nag-alas dose na at wala naman talaga aalis na ako.
Makapunta nalang ng Batanes.
Eleven Fifty-Three PM
Tatlong minuto na, never akong naging mainipin pero para ko kasing niloloko ang sarili ko sa pagtayo dito sa station at pagiintay ng alas dose.
"Shit Yslah ang tanga tanga mo para maniwala"
Nilingon ko pa ng ilang beses ang paligid ko para masigurong walang tao. Aalis nalang ako.
Desidido na sana akong umalis nang pagtalikod ko ay may makita akong babae sa likod ko.
"Shit!" Sino bang hindi magugulat dito ha, ang tahimik nya.
"Hi girl" kumaway pa sya sakin, Malaki ang mga ngiti syang nakatingin sakin. Nakapink syang damit. Basta pink. Iba ibang shade lang.
Pero lahat ng dala nya pink. Isang pink duffel bag na may tatak na Nike lang ang dala nya at isang maliit na backpack.
"Hi. Nagaantay ka din sa station?" Masigla nyang sabi sakin.
"Ha.. Ahm ano, oo. Ikaw ba?"
"Oo, kanina pa nga ako dito e." She means kanina pa sya sa likod ko? What is she, some kind of ninja.
Wala talagang sounds.
"Kanina? Hindi kita nakita nung dumating ako" I asked, nakakapagtaka lang na hindi ko sya mapapansin sa suot nyang damit.
She laughed a bit "ah galing kasi ako don sa may counter to check if may iba pang dadating and sabi nga ikaw daw yung makakasabay ko"
Oh okay, so legit pala talaga yung The Station.
I don't know what to say anymore, I am not very good talking to people I just met. Bagay na I should develop if I really wanted to be a good Pyschiatrist.
"Ow sorry, ako nga pala si Barbara Marrie Saltico. But you can call me Barbie"
Barbie ka nga, hindi naman masyadong halata.
"I'm Yslah, Nicola Yslah." Pagpapakilala ko sa kanya, if I am gonna be with her papunta sa The Station dapat na siguro akong magpractice na magsalita ng madalas kahit hindi kami close.
Kasi base on what I see, she's kinda talkative.
Hindi kasi talaga nabubura yung ngiti nya ano, masyadong masaya.
Magsasalita pa sana ako ng bigla kaming may marinig na tunog ng tren.
"Totoo nga" mahinang bulong ko.
Pagkatapos ay tumigil ito sa harap namin, kulay itim sya na feeling ko kasya ang sampu hanggang bente na tao.
Not the typical train na makikita mo every day.
BINABASA MO ANG
Lost Souls; On our way Home
RandomAt first I don't really know why or what happen. I am sure that I am okay, I'm even tired of all the cliché 'lost soul' stories. Until I realize, why the lost soul? How can these lost something capture the attention of many. Why them? Why the broken...