The Bad Boy

3.4K 83 0
                                    

Kararating lang niya sa bahay, dere-deretso siya sa loob ng salubungin siya ni Joe ang butler nila.

"Magandang hapon senyorito, maaga yata kayo umuwi?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Halos madaling araw na siya minsan umuuwi sa bahay nila. Kaya siguro nagtataka ito at naabutan niyang may araw pa sa bahay nila.

Malaki ang mansyon ng pamilya niya. Sa sobrang laki nito halos hindi na nagkikita ang mga tao. Mas marami beses pa niya nakikita ang mga katulong kesa sa magulang niya.

His parents are both seperated, simula noon hindi na siya naglalagi sa bahay. Mas gusto niyang tumambay sa arcade, o sa billiards kesa umuwi sa kanila. Minsan nasa drag racing naman siya, he was wasted.

Ano pa ba ang saysay ng buhay niya kung ultimo pamilya niya ay wasak na. Lagi siyang laman ng away, pasalamat siya at menorde edad pa siya at maimpluwensya ang magulang niya kaya hindi siya nakukulong. He drink, he smoke, but he never take drugs. He doesn't want to go to school but his father always drag her to study.

Napasok siya pero tinutulugan lang niya ang klase. Pano ba siya sisipagin kung halos lahat ng ituro ng teacher niya ay alam na niya. Yes who have taught that he has an IQ of a genious.

"Kuya, you're here!" sigaw ng kapatid niyang si Yza. Tumakbo ito at yumakap sa kanya.

"Kuya, sabay na tayo mag dinner. I don't want to eat alone. Lagi nalang ako mag-isa, hindi ko na nga nakakasama si Mama at Papa pati ikaw iniiwan mo din ako." malungkot ang muka nito. Yza was only 8 years old, hindi nito alam na mag kahiwalay na ang magulang nila. All she knew that their mother is in states because of their business. They left in her father side pag pasukan at sa mother naman nila pag bakasyon.

"Sorry sweety if kuya was not always around. Lets go to the dinning." mahal na mahal niya ang kapatid sila na lang ang lagi mag kasama. He never tought that his sister would also suffer from their broken family, masyado pang bata ang kapatid para masaktan.

Kumain silang magkapatid at ang daming kwento ni Yza sa kanya. Namiss niya ang kakulitan ng kapatid.

"Pano yan kuya next week na ang family day sa school. I want to tell Mama and Papa about it but they are too busy." sabi nito.

"Hayaan mo Yza, ako nalang ang sasama sayo. Isama na din natin si Joe at si Yaya Nez para marami tayo." tukoy nito sa butler at yaya ni Yza.

"But kuya it's a family affair. I want mom and dad to be there too." Yza started to cry. He hated when he see his sister cry. Kung kaya lang niya pagalitan ang mga magulang sana noon pa niya napagalitan ang mga ito sa ginagawa nila sa mga anak nila.

Yes they are rich, but they are not happy.

*****

Maaga siyang pumasok sa school dumeretso siya sa upuan na ikinagulat ng mga classmate niya. Nakita niya ang mga itong nakatingin sa kanya na parang kakaiba siya sa lahat.

"Naks Pre, anong meron at maaga ka ngayon? Bago na ba ang battery ng relo mo?" tanong sa kanya ni Clark na nakaupo sa tabi niya. Nagkibit balikat lang siya.

"Pre hindi naman kaya tanghali lang talaga yung teacher natin." sabi naman ni Ryan na nasa kabilang tabi niya kaibigan ito ni Clark. Hindi pa din siya nagsalita.

"Hindi nyo ba napapansin ayaw kayong kausap mga Pre, kaya manahimik na kayo mamaya paduguin ang nguso nyo lalo na kayo hindi nakapag salita." sabi naman ni Erik na kaibigan din ng mga ito.

"Hoy wag ganon Zeero ha, friends tayo wag ang gwapo kong muka." sabi ni Clark sa kanya. "Aray!" sabi nito dahil may bumato ng nakalamukos na papel sa muka nito. Galing iyon kay Margaux ang ultimate enemy nito.

"Hoy Margaux sobra kana ha, nananakit ka na." sigaw nito sa babae at nilapitan.

Napatingin siya sa katabi ni Margaux na si Rian. Tahimik lang ito ang nagbabasa. Naka ponytail ang mahaba at tuwid nitong buhok, habang ang damit naman nito ay sobrang linis at lahat ng gamit ay nakaayos. Kung anong gulo ng mga kaibigan nito siya naman prim and proper ni Rian.

Dumating na ang teacher nilang si Ms. Jing at nagsimula na silang magklase.

"Emannoel Pornicula?" tawag nito sa classmate niya nag aatendance kasi sila.

"Present Mam."

"Jake Rodrigo?"

"Present Mam"

"Ezeekiel Rosales?"

"Present."

Nagtigilan si Ms. Jing at tumingin sa kanya at ngumiti.

"Aba nice to finally meet you Mr. Rosales, umabot ka sa attendance ha?" simula kasi ng lumipat siya ng school lagi siya late o absent. Mga three months na siyang ganon.

"Okay class, dahil mabait akong teacher pahihirapan ko kayo." sabi ng teacher nila na ikinaingay ng buong klase dahil nag rereklamo ang mga ito.

"Quiet class, kundi mag papa recitation ako ng huling paalam ni Jose Rizal in kastila."

"Mam english po ang subject natin." sabi ng isang studyante.

"Bakit sa gusto ko, sige ikaw na magturo dito. Nangengelam." pabirong sabi ng guro.

Siya naman ay tahimik lang nagkatingin sa unahan, nakatingin sa isang taong dahilan kung bakit nag titiis siyang pumasok sa school na iyon.

The Bad Boy Kiss (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon