Heartache Again

2.5K 50 0
                                    

Napakasaya niya na ibinalita sa mga kaibigan na sila na ni Zeero at grabe ang tilian ng mga ito. Sa wakas daw magagamit na niya ang matris niya. Kahit puro kalokohan ang mga ito, alam niyang masaya ito sa nangyayari sa kanya.

Maaga siyang pumasok sa restaurant at dumeretso sa closet para makapag ayos at mag simula ng magtrabaho. Nakita niyang nagkukulitan si Sarah at Marcoe.

"Sarah marami ka pang babalatan patatas, marami oorder ng twister fries." utos ni Marcoe dito.

"Hoy Marcoe hindi porket ikaw ang head kung maka utos ka sakin wagas. Paglinisin kita ng chimineya." binato ito ni Sarah ng sibuyas.

"Aray Sarah.. nakakasakit kana ha. Wala taong chimineya dito."

"Pwes dun kita ipapasok sa kugon ng masunog kana. Ic-crimate kita ng buhay." nanggigigil na sigaw ni Sarah. Lagi nalang nag-aaway ang dalawang ito. Parang nakikita nya noon si Margaux at Clark.

"Hindi mo lang matanggap na gwapo ako at alien ka." pang-aasar ni Marcoe dito.

"Ako alien? 'Tong ganda kong to." sabi ni Sarah habang turo sa sarili.

"Sure ka maganda ka?" tanong ni Marcoe dito.

"Oo I'm sure as I'm standing here."

"Weh? Di nga? Sino may sabi? Nanay mo?"

"Si Cedie, si Peter, si Marcelino, si Prince at si Shaider." sabi ni Sarah.

"What? At sino naman yung mga yon? Imbento mo?" nakakunot noo tanong ni Marcoe.

"Manliligaw ko ang mga 'yon. Lagi nga nasa bahay eh."

"Pinapapunta mo sa bahay mo? Pano kung ma gang rape ka? Mag-isa ka lang sa apartment mo tapos nagpapapasok ka ng maraming lalaki," sunod-sunod na sabi ni Marcoe dito.

"Nangengelam ka? Bakit inggit ka no? Kala mo." at nilayasan ito ni Sarah.

"Hoy Sarah wait!" hinabol ito ni Marcoe.

"Heh! Get lost you monster!" sigaw ni Sarah dito.

"Hoy magbabalat kapa ng patatas."

Hinabol na ng tuluyan ni Marcoe si Sarah. Tumahimik din ang loob ng kitchen, pag talaga naroon ang dalawa sumasakit ang tenga niya. Pumunta siya sa mesa at tiningnan ang mga bagong menu para sa araw na iyon. Hindi siya sinundo ni Zeero, may aasikasuhin daw kasi ito kaya nauna na ito umalis.

Pupunta sana siya sa labas ng may marinig na may tao sa office ni Zeero. Pinuntahan niya para silipin kung naroon na ang nobyo. Hindi pa niya nabubuksan ng tuluyan ng may marinig siya isang babae.

"You need to go back to Italy. Siguro naman sapat na ang buwan na nailagi mo sa Pilipinas at ituloy na ang kasal natin?"

Nanigas siya sa kinatatayuan. Binuksan niya bahagya ang pinto at nakita niya si Zeero na may kausap na babae. Matangkad ito na parang modelo, maputi at mukang mayaman. Hindi siya makapaniwala, Zeero are engage to be married. Naalala nito ang sinabi sa beach that he was planning to settle down. Oo nga mag-aasawa na nga ito pero hindi siya ang pakakasalan kundi ibang babae.

Naramdaman nalang niyang tumulo ang luha niya, she wipe her tears which started to fall. Namamanhid nag buong katawan niya.

"Wag mo na ako paghintayin. Hindi ako babalik ng Italy hanggat hindi ka sumasama sakin." sabi ulit ng babae.

Hindi na niya mapigilan ang sarili, she wanted to get out on that place. Kung sana ay bumuka ang lupa at kainin nalang siya, kesa maramdaman ang ganitong sakit. Mas masakit sa una, dahil this time she really meant to loved Zeero.

Hindi niya namalayan ang pagdangi sa isang vase na nasa mesa malapit sa pinto. Nakita niyang napatingin si Zeero at ang babae sa gawi niya. Nakita niya ang panlalaki ng mata ni Zeero. Hindi na niya hinayaan pang magsalita ito bagkos tumakbo na siya paalis ng restaurant.

Dali-dali siyang sumakay ng kotse. Pagkaupo sa driver seat ay wala ng ginawa ang lacrimal gland niya kundi magproduce ng magproduce ng luha. Nakita niyang lumabas si Zeero ng pinto ng restaurant. Inilock agad niya ang pinto ng kotse at nagsimulang magstart noon.

Lumapit agad si Zeero sa may gawi niya at kinakatok ang salamin. Hindi niya maintindihan ito, ayaw niyang tingnan o intindihin man lang ang sinasabi. Ang alam niya nasasaktan siya ngayon. Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan pero kumakatok pa din ito at sinusundan siya.

Binilisan niya ang pagpapatakbo para hindi na ito makahabol, at nakita niya mula sa side mirror tumatakbo na si Zeero at hindi siya maabutan kaya tumigil na ito at napaluhod. Manhid ang katawan niya, napakasakit ng nararamdaman buong katawan niya lahat yon masakit. Minahal niya si Zeero sa pangalawang pagkakataon, binigyan niya ng pangalawang pagkakataon ito para mapatunayan ang pag mamahal, pero binigyan din siya nito ng pangalawang pagkakataon para saktan at ito ang pinakamasakit halos hirap siyang huminga.

Siguro nga hindi si Zeero ang lalaking nakatakda sa kanya. But she didn't also want the man with a tattoo which is Marcoe dahil alam niyang si Sarah at ito ang nagmamahalan hindi pa lang nila nare-realize yun. Pero sa ngayon gusto niyang mapag isa, gusto niyang ibalik ang nawasak niyang puso.

The Bad Boy Kiss (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon