Man with a tattoo

3K 63 0
                                    

Natapos na ang plan wedding proposal at wedding na din ni May, weird but fun. Talagang si Margaux ang nagplano ng lahat, naalala niya ang pag p-plano ni May noon para mapagtapat ni Clark at Margaux ang nararamdaman ng isa't-isa at ngayon naman mukang gumanti ang kaibigan ito naman ang nagplano ng weird at nakakalokang proposal ni Jose kay May.

Nahirapan din siyang umiyak ha, ang walangyang kaibigan pinahiran lahat sila ng vicks sa my ilalim ng mata at sino ba naman talaga ang hindi iiyak sa hapdi noon. Pero atleast masaya na ang mga ito sa piling ng lalaking mamahalin nila at mamahalin sila. Kinakabahan tuloy siya sa kalokohan na gagawin sa kanya wag naman sana.

"Ikaw Rian kelan ka susunod?" tanong ni May sa kanya.

"Okay pass." at tinapik niya ang katabing si Kei na kinagulat naman nito.

"Im okay, im full. Okay lets proceed to the next plan, ilan baby ba gusto nyo?" sabi ni Kei.

"Ano ba yan, iwas kayong dalawa sa tanong mag papaka old maid ba kayo? Ikaw Rian pano mo makikita si Man with a tattoo on his -"

"Hindi na siya darating okay, tingnan mo ikaw natupad na ang hula sayo ni Ms Jing ng sabi niya na answer the first call, your life change you become famous, si Margaux nagkababy na din sila ni Clark, it was three years ago, expired na yung sinasabi ni Ms Jing sakin. Kaya let's move on na okay, im okay kung magiging oldmaid ako." putol niya sa sasabihin nito.

"Kami hindi okay, sasayangin mo ang magagandang genes mo, pano na ang contribution mo sa populasyon ng Pilipinas." sabi pa ni Margaux.

"Kaya nyo na 'yun, ibawi nyo nalang ako."

"I understand what you feel girl." simpatya ni Kei sa kanya dahil tulad niya single din ito.

"Isa ka pa, akala ko ba you like Kyu anong nangyari sa inyo?" tanong ni Nica isa sa kaibigan si Kei.

"Bumalik na siya sa Korea, kailangan na daw niya pumasok sa military hindi ko pwedeng pigilin 'yun. If he will come back to me baka kami nga, pero kung 'yun ay kung may feelings nga tlaga siya sakin." sabi nito. "Okay tama na, party party na."

"Hi May congrats." biglang may lumapit sa kanila si Zeero. Agad naman nagrambulan ang daga sa dibdib niya.

"Thanks Zeero. You looking good ha, from the gangster to a good looking man." sabi ni May dito Ang bruhang kaibigan nakuha pang purihin ito lalo tuloy lalaki ang ulo ni Zeero.

"Buti ka pa ganyang ang tingin mo sakin, pero yung isa dyan hindi ata naaakit sa charm ko." nakangiting sabi nito. "HI beautiful." sabi nito sa kanya.

"Uyyyyy... haba ng hair." tukso ni Margaux sa kanya na inirapan naman niya ito.

"I need to go to the rest room." paalam niya sa mga ito. Hindi siya magtatagal doon dahil alam niyang  tutuksuhin lang siya ng mga ito.

"Ay walk out." pahabol pa na sabi ni Kei.

Dumeretso siya sa restroom kung saan tiningnan ang sarili sa salamin. Nawawala na ang pagka pugto ng mata dahil sa pag-iyak. Nag ayos lang siya ng sarili at lumabas na din. Nagulat pa siya ng madatnan si Zeero na nag aabang sa labas. Nilampasan lang niya ito pero hinawakan siya nito sa kamay. Bigla siyang may naramdaman kakaiba sa paraan ng pag hawak nito sa kanya. Agad naman niyang hinigit iyon para bitiwan ni Zeero.

"Can we talk?" tanong ntio.

"Wag muna ngayon please, pagod ang katawang lupa ko dahil sa pag p-plano namin kanina at ang sakit pa ng mata ko dahil sa drama namin. Kaya please pagpahingahin mo muna ako okay?" 

"Okay." sagot nito sa kanya at nasilayan na naman niya ang ngiti nito. Damn! Why he always smile like that.

"Babalik na ako sa mesa." paalam niya dito. Nagtuloy tuloy na siya sa mesa kung saan sila Nica at ang asawang si Nick ang naroon pati na din si Nitika at Eaen. Dumating din si Kaycee at ang asawa nitong si Lee. Puro lovers ang nakapaligid sa kanya, si May at Jose pati na din si Margaux at Clark ay nasa gitna at nag sasayaw ng sweet. Bigla ata siyang na out of place, masyadong romantic ang lugar na iyon para sa isang gaya niyang single. Mabuti nalang at bumalik si Kei na may dalang pinggan na puno ng pagkain.

"Grabe neng mauubos mo yan?" tanong niya dito.

"Oo, ganito talaga pag single at napapalibutan ng lovers napapakain ng marami." sagot nito.

"Kasi kayong dalawa humanap na din kayo ng partners." sabi ni Nitika.

"Im okay, masyado akong busy para sa boyfriend at kulang na nga ang sweldo ko para sa sarili ko tapos mag b-boyfriend pa ako edi dagdag pa yon sa budgeting ko." sagot ni Kei sa mga ito.

"Dahilan mo Kei, mas maganda nga kung magkakaboyfriend ka may magpapakain sayo, may manlilibre sayo, may makakasama mo manood ng sine, may makakasama ka taga bitbit pag s-shopping, may -"

"Hey stapppeet! I get it, tama na okay. Baka hindi ako matunawan sa sinasabi nyo." sagot lang nito. Bumaling ito sa kanya. "Ikaw Rian, ano yung sinasabi nilang man with a tattoo on his? Bakit bitin, parang bastos sa pandinig ko eh." tanong ni Kei sa kanya.

"Nako wag mo na alamin, kasi wala naman iyong kwenta. Matagal na yon, tsaka sino ba naman ang magugustuhan mo na may tattoo parang preso lang." sabi niya.

"Hey, criminals doesn't always wear tattooes sometimes they are in coat and ties." sabi ni Kei sa kanya. Nginitian lang niya ito ayaw na kasi niya ikwento pa ang ka wirduhan ng hula sa kanya ni Ms. Jing.

Hinawakan ni Ms Jing ang kamay ni Margaux at ngumiti dito. “Margaux, neng brace your self. Mukang magaling itong si Clark, makakadalawa ka agad next year.” Sabi nito. Dati kasi noong highschool pa sila narinig nilang may kakayanan Makita ni Ms. Jin gang future ng isang tao. Sa pamamagitan ng paghawak dito, o kahit tingnan lang ito ni Ms. Jing o kausapin ito. Kaya walang maitatagong sikreto ang mga classmate niya dito.

“Ano po Mam?” nakakunot noong tanong ni Margaux.

“You will know what I mean.” Pagkatapos ay si May naman ang binalingan at hinawakan ang mga kamay nito. “Ikaw naman May, spread your wings. Hindi pa ito ang tamang panahon, pero ‘wag kang susuko dahil may oras para sa lahat.”

“Mam hinuhuluan mo ba kami?” tanong ni May.

“Parang ganon na nga. Answer the first call when you get home.” Sabi pa nito.

“Mam ano ba hinaharap ko hindi ko gets?”

“I can’t tell you what exactly is your future, dahil kahit anong mangyari tayo pa din ang gumagawa ng tadhana natin. Kung sasabihin ko sayo ang hinaharap nasaan na ang trill? Hindi din naman lahat nakikita ko, mangilan-ngilan lang at hindi lahat ng tao ay nakikita ko ang future nila.” Sabi nito at humarap naman sa kanya. Kinabahan siya sa tingin nito.

Iniwas naman niya ang kamay. “Mam kinakabahan ako sa sasabihin mo.” Ngumiti lang si Ms. Jing at pilit na inabot ang kamay niya.

“‘Wag ka matakot ito naman.” Maya-maya ay ngumit si Ms. Jing. “Mukang exciting ang sa iyo.” Sabi nito.

"I see you walking down the aisle with the man who will love you forever." sabi ng guro nila.

"Wow! Ano ba yan bakla mauunahan mo pa ata ako." sabi naman ni May sa kanya at pinalo pa siya sa balikat.

"So mam anong hitsura niya? Kailan makikilala ni Rian?" tanong ni Margaux mas excited pa ang mga ito kesa sa kanya.

"Maraming pagsubok, basta trust your heart dear and it will lead you to him. Ang masasabi ko na ito na ang lalaki pag nakita mo ang tattoo niya." sabi ni Ms. Jing.

Napakunot noo siya. "Tattoo? I don't like men with tattoo."

"Anong klaseng tattoo Mam?" Tanong ni May.

"May tattoo siyang butterfly."

"What a butterfly?" napalakas ata ang tanong niya. Kasi naman ang weird lang tattoo na butterfly parang ang bading lang.

"Yes butterfly on his left butt." sabi ni Ms. Jing na lalo niyang ikinabigla. Nagtawanan naman sila Margaux at May.

"How can i find that man with a tattoo of a butterfly on his left butt. Ano yun huhubaran ko isa-isa ang mga lalaking nakakadate ko. No way!" Grabe pwede naman sa braso, sa kamay, sa leeg, sa hita, sa dibdib o sa likod bakit sa left butt pa? Ano bang utak meron ang lalaking iyon, hindi kaya weird ito imposible magkagusto siya sa ganong lalaki.

"Gosh girl, a butterfly tattoo on his left butt." tatawa tawa pa din sabi ni May. Hindi maka move on ang dalawa halos kapusin na ng hininga sa pagtawa. Imposible pa niyang makilala ang lalaking iyon. Maybe she was destined to be an oldmaid.

The Bad Boy Kiss (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon