The Present

3.4K 71 2
                                    

Natanggap siyang chef sa isang bagong bukas na hotel and restaurant kung saan ang may-ari nito ay isang mayamang Pilipino. Bago kasi ang may-ari ng La Vienna, nabili ito ng isa daw batang business man na Pilipino. Tatlong taon pa lang ang La Vienna sa Italy ang unang hotel and restaurant nito ay napalago na agad nito na ngayon ay may hotel and restaurant na ito sa iba't-ibang panig ng mundo.

Graduate siya ng Nursing but unfortunately she also has a passion in cooking. Una ay isa lang itong hobby hanggang sa nasiyahan na siya so she take up culinary and here she is a new chef in one of the famous restaurant in the Philippines.

Sabi ng Manager ng La Vienna ay sa isang linggo nila makikilala ang may-ari ng restaurant. Sabi ng mga kasamahan niya na gwapo at bata pa daw ang may-ari nito, but she doesn't care kung mas gwapo pa ito kay Channing Tatum hindi siya mahilig sa gwapo.

Nag eenjoy siya sa kanyang trabaho bilang assistant chef, baguhan pa lang siya kaya alam niyang marami pa siyang matutunan, buti nalang at mabait si Chef Marcoe ang head chef ng La Vienna at tinuturuan siya nito. Gwapo si Chef Marcoe pero wala appeal sa kanya ito, sarado na kasi ang utak niya sa salitang paghanga.

Dumating ang araw na kung saan makikilala nila ang may-ari ng La Vienna. Nasa loob sila ng conference hall kung saan ipapakilala sa buong staff ang may-ari. Nasa tabi niya si Francine isa sa mga naging kaibigan niyang waitress.

"My gosh im so excited to see our boss. Sabi nila gwapo daw at super hunk nito. I wanna see him tru my very own eyes." sabi ng kaibigan niya.

"Nako Francine lagi ka naman nangniningning ang mata sa mga gwapo. Wala ng panget sayo."

"Atleast ako i appreciate God's Gift to us woman eh ikaw? Hindi ko ba alam kung babae ka o baka ako ang type mo. Neng wag ganon ha you are too pretty to be a lesbian." sabi nito sa kanya. 

"Gaga, Lesbian ka dyan. Porket walang boyfriend at walang hilig sa lalaki tomboy na? Hindi pa pwedeng i just choose to be single forever?"

"No girl! Cannot be, you are too beatiful to be an oldmaid. Kung sasayangin mo ang ganda mo sana ibigay mo nalang sakin." sabi nito sa kanya. Natatawa nalang siya sa kaibigan, maya-maya ay pumunta sa unahan ang Manager nila at nagsalita ito.

"Okay ladies and gentlemen i would like to present to you the President and Owner of La Vienna, Mr. Ezeekiel Rosales." nagpalakpakan ang lahat maliban sa kanya na parang na estatwa sa kinauupuan.

Sa haba ng panahon at sa tagal noon hindi niya inaasahan mag k-krus pa ang landas nila ni Ezeekiel Rosales. Ang lalaking pilit kinakalimutan ng isip niya at ng puso niyang sugatan. Nakita niya ang lalaking nasa unahan, naka polo ito na light blue at naka pants lang but he looks handsome sa simpleng damit na iyon.

Sa isang lalaki nakilala niya noon na laging gulo-gulo ang damit sa ngayon lalaki na nakikita niya ngayon na maayos at mukang propesyonal malayaong malayo na nga ang narating ni Zeero. He looks better, pero siya heto trying too move on from the pass that she tought she was already did pero hindi pala, dahil ng makita niya ulit ito pagkaraan ng maraming taon ay nagbalik ang sakit na naramdaman niya.

She can't hide her feelings kaya nagpaalam siya kay Francine na lalabas muna para mag CR. Sa loob ng comfort room doon niya binuhos ang luha na kanina pa gustong lumabas. Akala niya okay na siya, ang tagal ng panahon pero bakit siya nasasaktan. Kala niya childhood love lang iyon at mawawala na din sa haba ng panahon pero bakit parang hindi siya makawala sa nakaraan. Paano na kaya ngayon na ito ang boss niya. Paano niya haharapin si Zeero?

*****

Nasa loob siya ng kitchen at nagbabalat ng patatas ng biglang may umupo sa lamesa na ikinagulat niya. Muntik na niya itong masaksak dahil sa panggugulat. Napatingin siya sa umupo na hindi na niya ikakagulat pa kung sino, dahil naamoy na agad niya ang pabango nito kaya nga mas lalo siyang ninerbyos. May kagat-kagat itong mansanas at ngumiti pa sa kanya.

The Bad Boy Kiss (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon