Sa tingin mo, lahat ba ng nakapagtapos ng pag-aaral eh maganda ang trabaho at malaki ang sweldo?
Pwede ka naman tumaya sa lotto. Pag manalo ka, di mo na kailangan magtrabaho!
Pwede ka naman magshowbiz. Natural naman sa mga Pilipino ang mag-acting . Konting praktis lang sa harap ng salamin at ilang kanta lang sa videoke pwede na! Di naman kailangan na sobrang galing ka para makapasok sa showbiz. Nood ka ng ASAP at SOP tuwing linggo at pakinggan mga mag-labtim na kumakanta. Mas maganda pa pagkanta ng kabitbahay niyong kinaiinisan mo kasi ang lakas pag magvideoke sila.
Kung pangit ka naman, pwede ka magpabatok batok at magpainsulto. Instant komedyante ka na!
Kung guwapo at maganda ka, magpa-cute ka lang pwede na! Wag mo na isipin acting mo. Mukha lang naman tinitingnan ng mga Pinoy. Basta guwapo at maganda, pwede na kahit gasgas na rin ang kwento ng pelikula o telenobela.
Kung anak ka ng sikat na tao, mas madali naman ang pagsikat mo!
Kahit di ka nakapag-aral, pwede ka rin magbusiness. Madali lang suhulan ang mga nasa gobyerno para makakuha ng kung anu-anung permit kahit di ka mag-comply sa mga requirements.
Kung medyo walang koneksiyon o padrino, mag-squat ka sa lupa ng gobyerno. Magpatayo ng bahay na maraming kwarto. Iparenta ang mga bakanteng kwarto para may income ka. Kung papaalisin na kayo sa lupa kung saan kayo illegal na nakatira, pwede kayo humingi ng relocation ayon sa batas. Tapos ibenta mo ang lupa at bahay na ibibigay sayo at mag-squat ulit sa bakanteng lupa ng gobyerno.
Kung wala talaga swerte, mamalimos ka na lang. Hanap ka lang ng lugar na daanan ng tao, maglagay ng lata sa harap mo, at maghintay na bumuhos ang pera. Pag medyo may asenso na ng konti, pwede ka na mag-hire ng tagapalimos at magpatayo ng branch sa lahat ng sulok ng siyudad.
BINABASA MO ANG
TOP 10 Reasons Bakit Di Na Kailangang Mag-aral!!! (Version 2.00)
Random(Kung pareho lang kayo ng IQ ng doorknob, wag mo na basahin. Di mo rin lang magets na kalokohan to at katuwaan lang. Kung narinig niyo na yung salitang joke, parang ganun ito lol. Kung may pagkakapareho man sa totoong buhay, baka dun nga nanggaling...