Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-unawa ng mga Pinoy sa pagdedesisyon. Di na sila basta basta maloloko ng mga advertisement sa TV. Mahihirapan sila magbenta ng mga walang kwentang produkto nila. So paano na sila makakabakasyon sa Boracay?
Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na bukirin na papatayuan nila ng mga mansiyon nila kapag na-realize ng mga Pinoy na mas mabisa pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa palengke kesa sa mga pinatuyo at giniling na gulay na nasa loob ng kapsula?
Kawawa si businessman. Paano na ang mga electric bills, water bills, phone bills, allowance ng mga anak, allowance ng mga anak sa labas, panggastos ng pamilya, panggastos ng pamilya sa kabit , atbp., kung marealize ng mga Pinoy na di naman ibig sabihin na pag mas mahal eh mas matibay, mas mahal mas maganda, na pag mas mura mas lowtech...
Kawawa din ang media kapag matalino ang mga Pinoy kasi marerealize nila na nakakabobo na mga telenobela at ibang palabas sa local tv. Babawalan na rin nila mga anak nila manood ng tv kasi puro lang naman katarantaduhan natutunan nila sa local tv.
Kawawa din ang mga reporter kasi mawawalan na sila ng kredibilidad pag malaman nila na madali lang pala balubaluktutin ang mga impormasyon para maging pabor sa sino mang gustong magbayad.
BINABASA MO ANG
TOP 10 Reasons Bakit Di Na Kailangang Mag-aral!!! (Version 2.00)
Diversos(Kung pareho lang kayo ng IQ ng doorknob, wag mo na basahin. Di mo rin lang magets na kalokohan to at katuwaan lang. Kung narinig niyo na yung salitang joke, parang ganun ito lol. Kung may pagkakapareho man sa totoong buhay, baka dun nga nanggaling...