REASON 6: LAHAT NMN PUMAPASA SA ELEM & H.SCHOOL BASTA REGULAR KA LNG NA PUMASOK

70 0 0
                                    

(REASON 6: LAHAT NAMAN PUMAPASA SA ELEMENTARY AT HIGH SCHOOL BASTA REGULAR KA LANG NA PUMASOK AT WAG GUMAWA NG KATARANTADUHAN) (Yan po yung whole title. 80 characters lng kasi ang maximum sa title eh. Pasensya na ahahhaha!! )

Pansinin mo, sa quiz or exam niyo noong elementary at high school, kahit 1 out of 50, o kahit bokya man score, pasado pa rin!

So bakit pa papapasukin ang mga bata kung papasa din lang naman sila kahit may matutunan/malaman man sila o wala? Gastos lang sa uniporme, books, raket na film showing ni teacher, panindang pulburon ni teacher, at projects na halaman at parol tuwing pasko.

Madali ka rin lang makatuntong sa college kasi matrabaho magbagsak ng istudyante sa sa high school. Kailangan mo i-justify bakit siya bagsak. So para wala na paliwanagan, ipasa na lang. Pagdating mo naman ng college, pumili ka lang ng business oriented na school. Kasi wala naman sila pakialam kung may matutunan man students nila. Importante, malaki population ng school para mas madami kita sa tuition. Pag marami kayong binagsak ng Propesor, isumbong mo sa may-ari ng school at sabihin na di marunong magturo ang Prof. Papagalitan ang Prof at kung suswertehin, papalitan ng pasado ang grade niyo. Malas mo na lang kung magresign si Prof kasi di niya masikmura pamamalakad ng school admin.

TOP 10 Reasons Bakit Di Na Kailangang Mag-aral!!! (Version 2.00)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon