3.

5 1 0
                                    

Flashback

Grade 4

"Kane, nahihiya ako." Sambit ko habang paulit-ulit kong inaayos ang damit at buhok ko.

"Wag ka nang mahiya, Kakay. Bakit ka naman mahihiya sa classmates natin? Cute ka naman eh."

Namula naman ako sa sinabi niya.

"T-Talaga?"

Inakbayan niya ako at nginitian.

"Oo naman! Cute ka. . .sa height! Hahahahhahaha!" Humalakhak siya sa sinabi niya sa akin, matapos niyang nakita ang pag-iiba ng expression ng mukha ko.

"Ehhh ang sama-sama mo eh! Nang-aasar ka lang!" Sabay hampas ko sa kanya ng bag ko.

Patuloy pa rin siya sa pagtawa habang pilit na iniilagan ang paghampas ko sa kanya.

"N-Nakakatawa yung face mo, Kakay! Uy, galit siya! Hahahahahaha!"

Inis na inis ako sa kanya kay nagwalk out ako at iniwanan ko siya dun. Bahala siya dyan! Nang-aasar pa eh!

"Uy, Kakay! Balik ka dito! Sorry na!" Dinig ko ang yabag ng mga paa niyang tumatakbo papunta sa akin. Nanatili pa rin akong nakabusangot, iritang-irita pa rin sa pang-aasar niya.

Bago pa ako tuluyang makalisan ng building, hinarangan niya na ako.

"Ops! Di pwede lumabas!"

"At sino naman maysabi?! Eh sa gusto ko lumabas!" Bulyaw ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Sorry na, Kakay. Nakakaaliw ka lang rin kasing asarin eh. Promise, di na kita aasarin masyado."

Kinurot ko siya sa tagiliran at napadaing siya.

"Araaaay!"

"Yan napapala mo! Bully ka eh!"

Niyakap niya ako uli para di na ako gumalaw-galaw pa.

"Sorry na nga eh. Kakay, sorry na."

"Hmph! Kung di lang kita bespren eh!"

Kumalas siya sa pagkakayakap at magiliw akong sinagot, "Sabi ko na nga ba eh! Di mo 'ko matitiis!"

Napairap na lang ako sa kanya.

"Dali na Kakay! Balik na tayo sa classroom! Sure ako marami kang friends!"

Hinayaan ko siyang hilahin ako papunta sa classroom namin.

Hahays. Ang kulit talaga ng bespren ko.

Grade 5

"Ui, Kakay! May nag-aaway dun sa hallway! Kasama si Kane!" Sabi sa akin ng isa kong kaklase.

Dali-dali naman akong lumabas ng classroom para mapuntahan si Kane. Hay nako! Kahit kailan talaga!

Pagdating ko sa eksena, nakita kong nakaamba na sumuntok ang isa sa mga bullies sa school kay Kane. Naalarma agad ako at sinugod siya.

"BITAWAN MO SI KANE!" Sigaw ko, sabay tulak sa kanya gamit ang buong pwersa ng katawan ko.

Hindi niya napaghandaan ang pagsugod ko kaya nawalan siya ng balanse at natumba. Agad kong hinila si Kane at tinago sa likod ko.

Galit na galit kong binulyawan ang mga taong nandun, "Bakit ba kayo nag-aaway, ha?! Wrestler ba kayo? Boksingero ba? Ha?!"

"Eh si Kane kasi eh. Sinugod niya kami kahit wala kaming ginagawa."

Kung Di Lang Siya Torpe #RosesAwardsJune2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon