1

9 1 0
                                    

Nakatanggap ako ng tawag kaninang umaga. Tungkol yun sa dati kong kaibigan na si Kane.

Naalala ko pa na masaya akong nagluluto ng agahan. Excited na akong pumasok sa trabaho kasi imemeet ko pa ang longtime boyfriend ko na si Jerome. Kahit ilang years na rin kami ni Jerome, di pa rin nawawala ang kilig ko sa kanya.

I was all dressed up with floral off-shoulder blouse and dark blue skirt when the telephone rang.

Pinunasan ko muna ang kamay ko dahil kakagaling ko pa lang sa pagprepare ng ingredients ko para sa almusal. Sinagot ko ang tawag, "Hello po?"

"Kayla? Ikaw ba yan?"

"Ako nga po. Sino ho sila?"

"Ah. Ako ito, si Mana Louella mo."

"Ay, Mana?! Napatawag ka po. Matagal-tagal na rin ho nung huli tayong nagkausap."

"Siyang tunay, iday. Namiss na kita."

"Ako rin po Mana. Pero, ano pong meron at napatawag kayo?"

"May hihingin sana akong pabor sa iyo, Iday. Pwede ka bang pumunta ngayon St. Luke's? May ikakausap ako sa iyo."

Natigilan ako. St. Luke's? Anong meron...?

"Naospital po ba kayo Nay? Pupuntahan ko po--"

"Hindi ako, iday. Si Kane ang nasa ospital ngayon."

Natulos ako sa kinatatayuan ko at tila ba'y napipi. Si Kane?

"Anong nangyari kay Kane, Mana? Nadisgrasya ho ba siya?"

"Malalaman mo mamaya. Basta't pumunta ka dito iday ha? Hinihintay ka ni Kane. Sabihan mo lamang ang aking apo na si Anya na pupunta ka nang sa ganun, masamahan ka niya kung nasaan ang kwarto ni Kane. Eto ang number niya: 09554765511."

"S-sige po, Mana. Tatawag na lang po ako mamaya."

"Maraming salamat iday. Tiyak na matutuwa si Kane kapag nalaman niya na bibisitahin mo siya."

Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Mana. Maya-maya pa'y pinutol ko na ang tawag.

Napabuntung-hininga ako.

Si Kane. Ang bestfriend ko. Ang partner-in-crime ko. Si kumpadre. Ang. . .first love ko.

FLASHBACK

"Ui Kakay! Halika dito! Laro tayo!" Sigaw sa'kin ng kababata ko na si Kane. Naglalaro kasi sila ng mga kaibigan niya ng tumbang-preso habang ako ay nakamasid lang sa kanila.

"Ayaw! Madidirty ang dress ko." Sabay simangot ko kay Kane. Bagong bili to ni Mommy ang dress ko. Ang ganda pa naman. Sigurado akong magkakadumi ako kung sasali ako sa kanila.

"Ang arte-arte mo naman, Kakay! Rich ka kasi tapos maldita ka. Kaya ayaw namin makipaglaro sa iyo!" Sigaw sa'kin ng isa pang bata na malaman at brownish ang color ng skin.

"Oo nga! Arte-arte si Kakay!" Bulol pang pagkakasambit ng isa pang bata.

Naiyak ako sa sinabi ng bata. "Waaaaahhhhh! Di ako maarte! Di ako maldita! Ang bad bad mo!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.

"Wag niyo nga awayin si Kakay! Inggit lang kayo eh!" Bulyaw ni Kane sa kanila at inalo ako.

Tumutulo na ang sipon ko at panay ang tulo ng luha ko dahil sa walang katigilan kong pag-iyak.

"Tahan na Kakay. Wag ka maniwala kina Hiro. Di ka maldita, ang bait-bait mo nga eh." Tapos bigla niya akong niyakap habang hinahaplos-haplos ang buhok ko.

Kung Di Lang Siya Torpe #RosesAwardsJune2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon