4.

2 2 0
                                    

It all started nang nagkagusto ako sa isang sikat na lalaki sa school, si Damien Balthazar. Mabait siya, SSG President, at magaling na soccer player.

Moreno siya at matangkad. Aliw na aliw pa ako sa pilikmata niyang makurba at ang nakakatunaw niya na ngiti.

He was always kind with everyone. And at times, nakikiseat in siya sa amin dahil may namimiss siyang klase, gawa na rin ng pagiging SSG President niya.

Sa bawat araw na nakikita ko siya, hindi ko mapigilan na hindi kiligin. To the point na mismong kay Kane, pinapalabas ko ang nararamdaman kong kilig.

"Kane! Kyaaaaahhhh!" Paimpit kong sigaw habang paulit-ulit na hinahampas si Kane na nasa tabi ko. Busy siya sa paglalaro ng mobile games sa phone niya.

"Tsk. Ano ba, Kakay? Bakit ka sumisigaw?" Iritadong pagbaling niya sa akin.

Tinuro ko naman si Damien.

"Andyan yung crush ko oh! Hihihihi ang gwapo-gwapo niya talaga. Diba Kane?" Nang binalingan ko siya, nagtaka ako ng madilim ang mukha niyang nakatingin kay Damien. Halatang galit.

"Hala. Kane, okay ka lang?"

"Tsk. Hindi naman eh. Ang pangit ng taste mo, Kakay."

Nangunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"Pangit ng taste? Eh ang wafu niya kaya! Bulag ka lang eh!" Inismiran ko siya. Di ako makapaniwalang di niya ako sinusuportahan sa crush ko!

"Tsk." Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at naglakad palayo sa akin.

"Uy, Kane! Wait naman! Aish!"

Nagkandakumahog akong habulin siya kasi malaki ang mga hakbang niya. Mukhang nagmamaktol ang isang 'to.

"Kane, sandali! Huy, Kane!" Hapong-hapo na ako sa kakahabol sa kanya. Mygas! Ano na naman ba ang problema ng isang 'to?

Hinarangan ko ang daanan niya. "Ops, wag kang aalis. Ano ba pinagmamaktol mo ha? Sabihin mo nga sa'kin. Now na!"

Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya na halatang iritado rin.

"Tsk. Wag na. Dun ka na sa damuhong iyon." Tapos bumulong pa siya sa sarili niya. "Gwapo raw pero mukha namang chocolate."

"Ano yun?"

"Wala nga sabi. Dun na. Magdaydream ka na dun sa crush mo na chocolatey buddy. Tsk."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hanuraw?! Lakas makapanlait eh. Porke't maputi ang isang 'to.

Pero teka lang. Hindi kaya...

"Uyyy, selos ka sa kanya noh?" Asar ko sa kanya habang sinusundot siya sa tagiliran.

"Hindi ah! Selos ka dyan. Di naman yun kaselos-selos. Mas gwapo pa ako dun!" Katwiran niya.

"Ehh, nagseselos ka eh. Aminin mo naaaa." Sambit ko habang sinusundot-sundot ko pa rin siya sa tagiliran.

"Tsk. Hindi nga!" Kinuha niya kamay ko at hinila ako sa kung saan.

"Uy, sa'n tayo?"

"Bilhan mo 'ko ng icecream! Dali!"

"Makautos ha. Yaya si me?"

"Basta! Kundi baka upakan ko yung chocolatey buddy na yun."

"Hahahahaha oo na! Masusunod na po!"

--

Akala ko na nung panahon na iyon, di yun masyadong big deal. Nagseselos lang siguro si bespren kasi may nakakakuha ng attention ko. Pero, normal naman yun diba? Yung crush crush? At tsaka, si Kane pa rin naman ang number one ko eh.

Kung Di Lang Siya Torpe #RosesAwardsJune2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon