5.

3 1 0
                                    

Hindi ko siya pinansin for over a few days.  Nagkakasalubong kami pero pilit kong hindi siya tingnan, kahit ang hirap para sa'kin. Gusto kong mapanindigan yung sama ng loob ko sa kanya.

Pero nung kinorner niya ako sa library ng isang araw habang naghahanap ako ng libro na mapagkakaabalahan ko, hindi ko na nagawang tumakas pa.

"K-Kane--"

"Iniiwasan mo ako."

Hindi iyon tanong. Sigurado siya na iniiwasan ko siya.

Nag-isip na naman ako ng dahilan para hindi ako mabisto.

"Hindi ah! N-Nabusy lang ako kaya... "

"Nabusy? Sigurado ka ba dyan, Kayla?"

Natigilan ako. Kahit kailan, di niya ako tinatawag sa pangalan ko. Palaging Kakay ang tawag niya sa'kin, at hindi Kayla.

"Kane naman. Malelate na ako sa klase."

Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya.

"Tch. Ni hindi mo man lang sinasabi sa akin kung ano ang problema."

Tiningnan niya ako, at bakas sa mata niya ang...sakit? Bakit siya masasaktan?

"Kane--"

"Fine. If busy ka talaga, then be on your way. Hindi na kita iistorbohin pa."

Matapos niyang sabihin iyon, agad niya akong tinalikuran. Mukhang nagalit na siya ng tuluyan sa akin.

Malayo-layo na siya sa paningin ko nang napagdesisyunan kong habulin siya. Napagtanto ko na ang weird ko kung bakit kung umasta ako, para akong girlfriend na nagtatampo. Eh, magbestfriend lang naman kami.

Akma kong tatawagin ang pangalan niya nang nadatnan ko siyang kausap ang girlfriend niya.

"Babe, okay ka lang ba?"

Tumango naman si Kane. Hinapit niya ito sa bewang at sabay silang naglakad paalis ng library, habang patuloy pa rin si Kane sa paghalik sa noo nito, na siyang ikinakangiti ng babae.

Unti-unti ko na namang naramdaman ang pamamasa ng mukha ko. Nanlalabo ang paningin ko, at namanhid ang katawan ko.
Ang sakit.

--

"In love ka na ata sa bestfriend mo eh."

Napalingon ako sa sinabi ni Penelope, isa sa tinuturing ko na malapit kong kaibigan sa school. She's my human storage of secrets. Sa kanya ko nasasabi lahat ng mga kinikimkim ko, mga bagay na hindi ko masabi-sabi kay Kane.

Napalabi ako. "H-Hindi ah."

Inikutan niya ako ng mata. "Seryoso, Kayla, napakaindenial mo. Indenial Queen ka forever. Psh."

Napangiwi naman ako ng ngiti sa kanya. Eh ano bang magagawa ko? I can't accept na may gusto na talaga ako sa matagal ko na best friend. That's just not possible.

Hinawakan niya ako sa balikat at pinilit na pakatitigan ako sa mata. "Kayla, kung kokonsulta ka lang naman sa'kin, dapat nakikinig ka, okay? Hindi yung ngangawa-ngawa ka sa'kin tungkol sa problema mo sa bestfriend mo, magaalala ako, aadvise-an kita, pero dahil pokmaru kang babayita ka, hindi mo rin naman ako pakikinggan!"

Alanganin akong sumagot sa kanya, "S-Sorry na--"

"Ah basta! No more excuses! I don't want to hear anything from you, girl. Kung magiging indenial ka, then so be it. Kung masaktan ka, then so be it. Basta alam mo na I will always be here for you at paalalahanan ka na sadyang pokmaru ka lang talaga at masyadong pabebe sa nararamdaman mo dyan sa bebe Kane mo! "

Namula naman ako sa sinabi niya. Geez. Sa lahat ng sinabi ni Penelope, yung bebe Kane lang ang nagregister sa utak ko. Kung hindi ka ba naman isanlibo't isang pokmaru eh.

Naiwan pa rin akong tulala nang naramdaman ko ang sakit ng pagpitik niya sa noo ko. Napasapo naman ako at sinimangutan siya.

"Tch, ano bang problema mo Penelope? "

"Aba't nagtatanong ka pa? Edi ikaw. Namumula-mula ka pa dyan. Tapos may gana ka pang ideny na may gusto ka kay Kane. Tse! Indenial ka na wala sa lugar te." Sabay irap sa akin.

"Kaibigan ba talaga kita? Bakit ang sakit mo magsalita?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Aba't dapat lang na masakit ako magsalita. Ano ka, baby na aamo-amuhin ko? No way, girl! Masaktan na kung masaktan! Mabuti yan para katagalan, marealize mo kung gaano ka kaestupida na hindi mo pinapakinggan ang payo ng beshie mo. Gets?"

I rolled my eyes at her. Seriously? Pa'no ko 'to naging kaibigan?

Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako bigla.

"Penelope?"

"I know bes, nagsustruggle ka dyan kay Kane. And, alam ko kung gaano ka kaindenial, at gusto mo lang naman protektahan ang friendship niyo. Pero kung sobra na, iadmit mo na ha? Wag kang pabebe, di bagay sa iyo."

Natawa naman ako kay Penelope. "Ikaw talaga, Penelope. What did I do to deserve you?"

"Nothing. I'm a God-given gift to you, honey."

I chuckled once again sa sinabi niya. She's really something, and I'm blessed to have a best friend like her.

"Sige na. May pupuntahan pa ako. Mamaya na yung kadramahan mo kung tapos mo nang iadmit na may gusto ka sa kanya."

She winked at me before she left. I waved her goodbye, feeling a bit lighter yet conflicted at the same time. How do I know na may feelings talaga ako para kay Kane?

"I'm not yet sure." I mumbled to myself, as if answering the same question I asked myself.

Putspa naman kasing pag-ibig na 'to eh!

--

Napagdesisyunan ko na pumunta sa garden ng school. There is an infamous fountain in the middle of the garden where students used to throw coins for wishes.

I know it's childish but desperate times call for desperate solutions.

I held the three coins tightly in my chest, determined to make three wishes, or rather, for three signs na may gusto na talaga ako kay Kane.

Before I threw in the coins, I rehearsed the signs I had in mind countless times already. Ayokong magkamali. Gusto kong maging sigurado sa desisyon ko.

And before I knew it, I already tossed the first coin.

Isang naiibang bulaklak sa isang bouquet of flowers.

After secretly saying that in my mind, I then threw the second coin in.

Isang lalaki na amoy strawberries kahit pawisan.

Moments later, the sound of another coin dropping into the fountain was heard. It had the most audible splash among the three.

Ako lang ang makasayaw ni Kane sa Grad Ball.

I stared at the fountain for as long as I can remember. Mukha na siguro akong timang pero, as far as I know, I'm really just hoping na magbibigay-liwanag ang signs na yun sa akin.

Penelope was right. I value the friendship that Kane and I have with each other. We've been friends since forever kaya, kung magkakagusto ako sa kanya ngayon, lalo pa at may girlfriend na siya, it would just complicate things.

But, I have to settle this dilemma with my feelings as soon as I can. Nakakapagod na naguguluhan ako parati sa nararamdaman ko para sa best friend ko. I mean, we could have had a platonic friendship, right?

But sa ngayon, I doubt that.

These signs, they're just something I want to hold on to, para hindi na ako maguluhan, para may sumampal sa akin na even the universe agrees that I have feelings for my best friend!

I firmly closed my eyes and shook my head. Stop thinking. Just wait for the signs to come true.

As I turned on my heel to leave, I didn't notice that at the other side of the fountain, there was also someone else who asked for wishes from that very fountain. His eyes followed me until I was gone from his view.

Itutuloy..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Di Lang Siya Torpe #RosesAwardsJune2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon