Chapter 1

89 10 52
                                    

"Good morning, Sir. May I take your order please?" Nakangiting bati ng kahera sa kapapasok lang na customer.

"Can I get one Venti Caffé Americano." Ani ng customer na hindi man lang tumingin sa kanya.

"Any additional sir?" Tanong pa ulit ng kahera habang may nakapaskil pa rin na ngiti sa mga labi.

"None, just caffé Americano."

"Noted po sir, uhm, name sir?"

Napatingin muna ito sa cashier bago sumagot "Just Grant."

'9pm, at High A.' Chat nito sa mga kaibigan nito matapos makuha ang order at naupos sa bakanteng upuan sa loob ng shop.

'Go to hell! Aga aga nambubulabog ka ng tulog. Dahil sayo, nasira panaginip ko. Tsk!' Sagot ni Calvin sa group chat nila.

'Noted. And Cal, you better get up. Lagot ka na naman sa secretary mo pag nalate ka.' Sagot naman ni Denver.

'Okay, and Cal, if I know, puro kalibugan na naman yang napapanaginapan mo.' Sagot ni Nyjile at pang aalaska naman kay Calvin.

'What can I say? Malakas ang sex appeal ko, kaya hanggang sa panaginip ay may nagaganap pa din.' Sagot ni Calvin, sa chat ni Nyjile.

'And you didn't fucking even deny it?!' Denver replied.

'Why would I? I'm proud, you know. 😏' sagot pa ulit ni Calvin.

Panay ang asaran nina Calvin, Nyjile at Denver ang nababasa niya sa group chat nila. Gustuhin man nitong makisali ay hindi niya magawa dahil sa problemang kinakaharap nya ngayon. Nakita naman niyang nag seen ang best friend nitong si Russiane, hindi man iyon mag reply ay alam niyang pupunta ang kaibigan mamaya.


At exactly 9 pm ay nasa High A na ang magkakaibigang Grant, Russiane, Denver, Calvin at Nyjile. VIP room to be exact.

"Hey! Bud, nakikinig ka ba?" Untag ng kaibigan nitong si Calvin sa kanya.

"Huh? Yeah. Isang shot pa." Wala namang sa sariling sagot nito habang busy pa din sa kanyang telepono.

Napatampal naman sa noo si Calvin sa isinagot ni Grant dito. "Isang shot ng muriatic acid, gusto mo? I'm asking you, where do you want to celebrate your birthday next week. Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon?" Kung kaya naman ay sinamaan nito ng tingin ang kaibigan. "Atsaka ano ba yang pinagkaka-abalahan mo dyan sa telepono mo at hindi na maalis alis ang pag mumukha mo dyan." Dagdag pa ni Calvin dito.

Lingid naman sa kaalaman nilang lima na si Calvin ang pinaka bungangera at walang preno ang bibig.

"Fuck! I can't contact Gunner." Gigil na ibinagsak ni Grant ang kanyang telepono.

"What about him? We thought you are not in good terms with him?" Sabat naman ni Nyjile sa dalawa.

Malakas na napa-buntong hininga si Grant, oo at hindi nga sila magka sundo ni Gunner, pero sa pagkakataong ito ay kailangan nyang mai-uwi ang kapatid sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay siya ang pepeste-hin ng ina upang makipag kita sa anak ng amiga niya.

And knowing Grant, hindi siya ang tipong magpapa tali na lang basta sa isang babae. He loves his freedom so much. At kung ang paraan lang para makatakas sa ina ay ang kaladkarin ang kapatid kung saan man ito naroon ay gagawin nito, besides Gunner is older than him kaya mas tama lang na maunang mag settle down ang kapatid nito. While him, he will live his life to operate his own bar, the High A at kung babae lang din naman ang pag uusapan ay hindi din naman siya nagkukulang doon. With his looks, madali lang sa kanya ang makakuha ng babae kung gugustuhin niya.

BACHELOR 1: Grant AragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon