Milley's P.O.V
"Pucha ka?! Ikaw yung sumusunod sakin?" Galit kong tanong sa hinayupak na to.
"What?" Maang-maangan nito.
"Gago ka? Ilang araw akong hindi mapakali kasi feeling ko may sumusunod sakin at papatayin ako, tapos makikita kong ikaw lang pala?" Inis na turan ko dito. Alam kong OA na yung pagkakasabi ko sa kanya na papatayin ako, pero naman, kung ikaw kaya yung ilang araw ng may sumusunod sayo di ka ba matatakot?
"Assumera ka? Bakit naman kita susundan? Maganda ka?" Nakakagagong sagot naman nito sa akin. Pohtah you po?
"Ako pa assumera? Para lang ipaalala ko sayo, naandito ka sa women's boutique especially in lingerie section. Anong ginagawa mo dito kung hindi mo ko sinusundan? Bibili ka ng lingerie? Ganon?" Nang uuyam na tanong ko dito.
"Feelingera ka talaga. And oh yes, I will buy, may problema?" He was smirking.
"Ohhhhh?! Para sayo? Di mo naman sinabi na berde pala ang dugo mo." Kunwaring gulat na tanong ko pa. Pft.
"No baby, para sayo. Ano bang cup size mo? 32A?" Hindi pa din maalis ang ngisi nito nang mapansin kong naka stuck ang mata nito sa boobs kong natatakluban ng damit ko syempre. Unconsciously tinakluban ko ng kamay ko yung tinitingnan nya.
"Pohtah? Tingin mo sakin flat chested? FYI, 34B ako no!" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Ano ako teenager? Flat ba talaga ako? Pasimple kong tiningnan ang boobs ko sa may salamin, hindi naman ah? Meron naman e.
"Bakit, hindi ba? Oh? Totoo? 34B ka? Para namang hindi." Pangbubwisit pa nito sa akin. Bwisit talaga tong lalaking to, judgmental masyado! Pasmado ata bunganga nito e.
"Fuck you!" Sabay irap ko dito. Bat ko ba pinapatulan to? At bakit ko ba sya kinakausap? Peste.
"Sure, babe. Saan?" He answered playfully.
"Tangina? Yang bunganga mo ha, mumugan mo ng holy water! Masyadong madumi at bastos." Pagkatapos kong sabihin yon at nilapitan ko siya at ngitian bago ko sipain ang binti nito dahilan para mabuwag sya sa kinatatayuan niya, pasalamat sya at hindi ko tinuhod ang kayaman nya. Baka kasi masayang ang lahi. Bago ako tuluyang umalis sa store. Peste, di tuloy ako nakapamili ng mga bagong lingeries.
"Wait, let's talk!" Habol nito sa akin. Shet! Ang haba ng buhok ko may gwapong humahabol sakin. Chos!
"What?" Tanong ko dito ng hawakan nya ang braso ko ng maabutan ako.
"Let's talk." Seryoso nyang sabi. This time wala na yung mapaglarong aura nito.
"Ano bang pag-uusapan natin? Look, kung yung about sa nakita ko sa bar, wala akong pakialam don. Hindi mo ko kailangang sundan ng sundan na parang stalker." Mahinahon kong sagot dito. Ipaalala ba naman ulit? Ano namang pake ko don? Kahit maglampungan pa sila magdamag WALA AKONG PAKE!
"Look it's not about what happened that night. Yes, I'll admit, ilang araw na kitang sinusundan, dahil hindi mo naman ako kinakausap kahit sa shop mo, you're avoiding me. Ilang araw akong naghihintay sayo don, sabi ng pinsan mo tinataguan mo daw ako." Pag-amin nito sa akin, puta? Ilaglag ba naman ako ni Grace? Patay talaga yon sakin pag uwi ko!
"Ano pa bang pag-uusapan kung hindi dahil don?" Takang tanong ko dito.
"Let's go somewhere private." Sagot nito at ambang maglalakad na ng hindi ako gumalaw.
BINABASA MO ANG
BACHELOR 1: Grant Aragon
General FictionBS1 Grant Aragon, who only loves his freedom. He didn't want commitment to anyone. For him, being in a relationship to someone else is like a chain that holds his neck. Not that he didn't believe in love, it's just that marriage is not his thing.