Sakdal na Pag-ibig

32 11 8
                                    

Dedicated to JaelethCerna

Ang pag-ibig ng Dios, kailanma'y hindi mapapantayan ng ilan, kundi ito'y walang hanggan. Totoong mahal ng Dios ang mga tao. Kaya nga naman ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak sa sanlibutan para tayo'y kanyang matubos sa kasalanang hindi natin kailanman ninais.

Ang presensiya ng Dios Ama ay nasa puso natin. Ang totoong Dios ay hindi tulad ng gawa ng mga tao na gawa ng kabihasnan, ng mga kamay. Na tulad sa mga ginto, mga pilak at mga kahoy.

Sa panahong ukol, darating ang kawakasan ng sanlibutan. May mga taong nagsasabing. Kailan ba siya babalik muli sa sanlibutan? Walang nakaka-alam ng kanyang pagbabalik, ni ang mga anghel man sa langit. Ni si Jesus man ay hindi ito alam.

Ang tanging nakaka-alam lamang nito ay ang Amang nasa mga langit. Ang makapangyarihan sa lahat. Ang ama na siyang kumakatawan sa lahat ng mga bagay sa mundo.

Sa mga taong mangmang, sasabihan nila sa kanilang sarili."Ang tagal naman niyang bumalik? Talaga bang may Dios?" Ang pusong may pagdududa ay walang Dios. Ngunit ang pusong may kalinisan, may pananampalataya na sa kaibuturan ng sariling puso ay umaasa siyang may Dios. Makikita niya ang Dios.

Kung meron man ang nagsasabing nakakausap niya ang Dios? Wag kayong maniwala mga kapatid. Ang Dios ay kumakausap lamang sa atin sa pamamagitan ng magandang balita na ang ebanghelio.

Sikapin mong hanapin ang lingap ng Dios, sa panahon natin ngayon, lahat ay uhaw sa totoong pananampalataya. Makikita mo ang totoong relihiyon kung mismo ikaw sa sarili mo ay hinanap mo ang Dios ng buong puso mo at kaluluwa.

Gagabayan ka nang Ama, kung ito'y buong puso mong hinanap. Dahil may mga pantas ang Dios na pinalalapit niya sa kanyang anak na si Jesus, ito ang mga taong kusa niyang tinawag sa pamamagitan ng ebanghelio.

Naniniwala ka ba na pantay ang Ama, si Jesus at ang Espiritu Santo?

Ang taong mangmang ay iniisip nila nga pantay nga. Hangal mo naman kung sasabihin mo iyan. Ang Ama ang siyang dakila sa lahat ng mga bagay.

Walang makakatutol diyan. Sapagkat bago pa man naitatag ang sanlibutan. Siya ay siya na. Ang salita ng Dios ay lubos na makapangyarihan. Kung nalalaman lang nang mga tao ang mga hiwaga ng Dios.

Ngunit inuulit ko, ang mga pantas lamang ang siyang nakaka-alam at siyang nakakaintindi sa mga malalalim na karunungan ng Dios.

Alam niyo bang pinili ng Dios ang mga taong mabababa ng sanlibutan? Bakit? Upang hiyain niya ang mga mapaglalong marurunong ng sanlibutan.

Kung pagbabasehan mo ang mga apostol dati noon. Hindi sila edukadong tao. Walang ni anumang natapos sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Pero bakit nga ba sila ang inatasan ni Jesus?

Alam niyo ba kung bakit? Dahil nalalaman ng Dios ang bawat nasa nang ating mga puso. Wala kang maililihim sa kanya, ni katiting man. Nababasa niya ang laman ng bawat isipan ng tao. Kung ito ba'y sa kabutihan o sa kasamaan.

Alam niyo ba kung bakit may hinihiling tayo sa Dios at hindi iyon nabigyan agad ng katugon? Dahil ang mga nasa ng pusong yaon ay hindi sa ikabubuti, kundi sa ikalalayaw lamang nito, at kundi napakababa ng pananampalataya mo, o kaya'y hindi sapat ang tiwala mo sa kanya.

Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod. Ang pag-ibig ng Dios ay sakdal, at makapangyarihan. Sa sanlibutang ito naghihintay ang Dios na hanapin mo siya. At kung ikaw ang taong yaon. Mahahanap mo ang lingap ng Panginoon mong Dios.

Sa bawat nagdaan ng ating buhay, hindi niyo ba alam na siya'y nag-iingat sa mga taong masawayin at sa mga hindi masawayin?

Sa panahon natin ngayon. Alalalahanin mo ang Dios. Hanapin mo ang kaniyang kaharian. Ang kaharian kung nasaan nasa puso ng mga taong nagsisipaghanap.

Ang taong mangmang, ay walang maiintindihan sa hiwaga nang nasusulat sa banal na kasulatan. Paano mo ito maiintindihan kung puro poot, kasamaan ang nasa ng iyong puso?

Tunay na sakdal ang pag-ibig ng Dios, kung nanamnamin niyo ng buong puso ang kanyang ginawa para lang matubos tayo, sasabihin niyo sa sarili niyo, tayo'y mga walang kabuluhan at pawang mga alipin lamang.

Si Jesus na kanyang anak ay bumaba na mula sa langit para lang magkatawang tao. Para tubusin tayo sa ating mga kasalanan, na kailan man ay hindi alam ng mga tao noon.

Basahin mo ang biblia, at talastasin niyong mabuti ang bawat nasusulat nito. Humingi ka ng tulong sa Dios. At nang maunawaan mo ito ng mabuti.

Sa panahon natin ngayon, ito ang araw na dapat mong paghandaan. Nasa huling araw na tayo. Nagsilitawan na lahat ang mga bulaang propeta na nagliligaw ng mga kaluluwa. Kinakalakal nila ang relihiyon.

Ginagamit nila ito para magnegosyo, kailanman ay walang bayad ang pagpalaganap ng ebanghelio ng Dios. Sa panahon pa ng mga apostol, nangaral sila na walang anomang hiningi sa kanilang pinapanganralan.

Ang tunay na sugo ng Dios ay may katangian na hindi inaring ganap ang kanyang pagkasugo. Ang tunay na mangangaral ng Dios ay hindi mapagpalalo.

Hindi tumatanggap ng karangalan para lang purihin ng mga tao. Dahil sasabihin lamang nito. Sa Dios ang lahat ng kapurihan, karangalan, kadakilaan, kaluwalhatian magpakailan-kailanman..

Amen............

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walk In FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon