Chapter 6: Slave for two Months

1.3K 31 1
                                    

Kenneth Pov
Nakangisi kong iniwan si Nerd doon sa likod ng Building. Papunta ako ngayon sa gymnasium para mag Try-outs.

Ayaw ko man gawin ay pinilit ako ni Dean para daw hindi niya ako sumbong kay Lolo.

Nang makapasok akong gymnasium ay napatingin silang lahat saakin, lalo na si Saiden na nakakunot ang noo. Napairap ako at nilagay ang bag ko sa Bleacher at lumapit sakanila.

"What are you doing here?" Pawisan na tanong ni Saiden kaya napairap ako, "Kakain ako" pilosopo na sabi ko kaya napairap din siya.

"Kung andito ka para mag Try-outs my answer is No"

"Alam mo naiinis ako sa bunganga mo" honest na sabi ko kaya nag seryoso ang tingin niya saakin. "The feeling is Mutual"

"Ano mag titigan nalang ba kayo diyan?" Tanong ng isa sa mga ka-team ni Saiden.

Kinuha ko ang bola sa kamay ni payatot kaya nagulat siya. "Naka Uniporme kapa" sabi ni Saiden kaya tumingin ako sakanya.

"Anong gusto mong gawin ko? Mag boxer ako dito?" Tanong ko kaya ngumisi siya, "Oo" simpleng sagot niya kaya ngumisi din ako.

Akmang bubuksan ko ang bitones ng polo ko "Bakit hindi nalang tayo mag laban? Kapag natalo mo ako pasok ka sa team" sabi niya kaya tumaas ang dalawang kilay ko at tinanggal ang kamay ko sa polo ko.

"Sige ba" sabi ko kaya pumito siya dahilan para makagawa ito ng malakas na ingay. "Kami na muna ang mag lalaro" sabi ni Saiden kaya mabilis na umalis ang mga lalake sa court at umupo sa bleachers.

Hindi pa man ako nakakagalaw ay mabilis niyang naagaw ang bola saakin at pinunta sa ring niya.

"Up to 10 lang" sabi ni Saiden at lumapit saakin, binigay niya ang bola saakin kaya natawa ako ng mahina at umiling, "Sige lang, medyo pagod pa ako" sabi ko kaya tumaas ang dalawang kilay niya.

"Okay" sabi niya at nag lakad habang nag di-dribble papunta sa ring niya. Nag shoot siya ng nag shoot hanggang sa mag 7 na ang score niya.

Napabuntong hininga ako at tinanggal ang blazer ko at nilagay kung nasaan ang bag ko. Bago pa niya mai-shoot ang bola sa ring ay mabilis kong inagaw ang bola at shinoot sa ring ko.

Mukhang nagulat naman si Saiden kaya kinuha ko ang pag kakataon na iyon para mag shoot ulit. Lima ang nai-shoot ko hanggang sa agawin niya ito mula saakin.

Tumakbo siya kaya naman tumakbo nadin ako, bago niya i-shoot ang bola ay mabilis kong hinampas ang bola mula sa kamay niya at alam kong hindi foul ang ginawa ko.

Nakuha ko ang bola kaya tumakbo ulit ako papunta sa ring ko at nag tap-board pa kaya napasigaw ang mga lalake pati nadin ang ka-team niya.

6-7

Mabilis niyang tinakbo ang lugar ko kaya nag ankle breaker ako dahilan para muntik nang masubsob si Saiden sa sahig kaya natawa ako at shinoot ang bola sa ring ko.

7-7

"Captain ano na?!" Natatawang sigaw ni payatot na ka team din niya.

Inagaw niya ang bola saakin kaya hinabol ko siya pero ngayon masiyado siyang mabilis dahilan para maka shoot siya.

7-8

Inis ko naman aagawin ang bola pero nag ankle breaker din siya kaya muntik din akong masubsob. Natawa siya ng malakas kaya mabilis kong inagaw ang bola sakanya at shinoot sa ring ko.

8-8

Lumipas ang anim na minuto at 9 all na kaming dalawa ni Saiden at inaamin kong napa-pagod na ako kakatakbo at gusto kong mag pahinga.

The Campus nerd is a Famous SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon