Chapter 13: Taking Care of Her

1.2K 28 1
                                    

Kathleen Pov
Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat ni Chase ngayon habang nandito sa Mansion niya.

Pag katapos kasi ng Klase ay agad kaming dumeretso dito dahil gusto daw siyang makita nila Tita Pie na ngayon ay kinakausap sa Telepono si Dean.

"Hindi mo na dapat pinatulan" sabi ko at nilagyan ng band aid ang sugat niya malapit sa kilay.

"Hindi ko naman dapat siya papatulan, pero ikaw ang pinag uusapan namin, hindi ako mag dadalawang isip na patulan si Kenneth" inis na sabi niya at nag iwas ng tingin.

Napailing iling ako at inayos ang Emergency Kit.

"Chase" napatingin kaming dalawa kay Tita Pie na ngayon ay nakasimangot.

"Tinagawan kona ang Dean sa University at sinabihan ko na dapat walang maka-kaalam ng suntukan niyo ni Kenneth" sabi ni Tita Pie kaya mabilis na tumango si Chase at inakbayan ako.

"Hindi naman kailangan ogawin iyon Mom, sinabi na ni Dean kay Coach yan--"

"At pinag Community Service pa kayo" naiinis na sabi ni Tita kaya natahimik si Chase.

"Tita hindi naman po kasalanan ni Chase ang nangyare-"

"Eh sino ang may kasalanan, si Kenneth?" Tanong ni Tita saakin kaya natahimik nadin ako.

"Sinasabi kona sainyo, Kenneth is a bad influence, Ginawa kang Slave, inaway si Chase at sino naman ang isusunod niya, si Selena?"

"Hindi na namin hahayaan mangyare yon Mom, Kaya nga ako pumunta sa Ephraim para protektahan silang dalawa" sabi ni Chase kaya napa cross arms si Tita. "Kapag inaway pa kayo niyan ako na ang kakausap sa mga magulang niya" gigil na sabi ni Tita kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Sige Tita, ipapasabi kona din kay Mommy na samahan ka" sabi ko kaya naman nawala na ang pag kakunot ng noo ni Tita.

"Maiba nga tayo, kayo na ba?" Nakangiting tanong ni Tita kaya mabilis na lumayo si Chase saakin at ganoon din ako.

Ramdam ko na namumula ang pisngi ko sa hiya.

Bakit kailangan mo pang tanungin yan tita?.

"M-Mom, Wala pa sa isip ni Kath yan" sabi ni Chase kaya napangisi lalo si Tita at umupo sa pagitan naming dalawa.

"Mag papa celebrate ako kapag naging kayo, just tell me kapag kayo na ah?" Tanong ni Tita saamin at inabkayan pa kaming dalawa kaya nag katinginan kami ni Chase.

"O-Opo"
***
Kenneth Pov
Nakaupo kami ngayong apat dito sa Rooftop habang nakatingin sa ibaba ng Building namin.

May mga studyanteng nakaupo sa Green fields at may mga studyanteng nag aabang kay Chase.

It's been 1 week simula nung mangyare ang away namin ni Chase sa Green fields. Hindi natuloy ang community Service naming dalawa pero hanggang ngayon Trending padin ang Chase VS Kenneth sa Star Buzz, Twitter, Facebook at Instagram.

May nag Video nang suntukan namin kaya tinanggal na ni Dean ang Community Service para ang kapalit non ay ang pagiging mag kaibigan namin ni Chase para mawala na ang Issue tungkol sa away namin.

"Mabuti nalang at hindi ako naging artista, Ang hirap pala" sabi ni Flare habang umiinom ng soft drinks. Napatango naman ako at nag katinginan ni Darrow.

"Mahirap talaga pre, Lalo't na gwapo pa kami ni Ken" sabi ni Darrow kaya tinaasan siya ni Rain ng gitnang daliri.

"Pero maiba tayo, Dumating lang si Nerd nag karoon na ng madaming issue dito sa Ephraim, dati naman ang ayos mo dito" sabi ni Rain kaya napatango tango naman ang dalawa.

The Campus nerd is a Famous SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon