Chapter 1: Two faced Popstar

3.4K 56 0
                                    

Kenneth Pov
Mahahalikan ko na sana si Shane nang biglang sumigaw si Director Kim ng "Cut!" Mabilis akong lumayo kay Shane na ngayon ay nakapikit padin at naka duck face.

Yuck.

"Kenneth!" Malanding sigaw ni Director Kim kaya inis akong lumapit sakanya na ngayon ay nakangiti saakin, "why?"

"I just want to say na thank you para sa pag visit mo sa show namin" sabi niya at ngumiti ng todo yung parang wala ng bukas?. "No sweat, last na din naman toh" nakangising sabi ko kaya nawala ang ngiti niya at akmang mag sasalita pa nang tawagin ako ng savior ko.

"Ken!" Tawag ni Manager Ray saakin. Lumapit ako sakanya at tinanguan siya, "Napano ka?" Tanong ko kaya napailing siya at sinensyahan ako na umupo kaya sinundan ko ito.

Lumapit ang mga babaeng staff dito sa The Diary of Shane. Binigyan nila ako ng malamig na tubig kaya kinuha ko naman ito at sinundan ng tingin si Ray na ngayon ay kinuha ang iPad niya.

"Guess who kung sino ang bibisita sa Star Buzz?" Nakangiting tanong ni Ray saakin kaya nag kibit balikat ako kaya nawala ang ngiti niya at binuksan ang iPad.

Bumungad naman saakin ang napakgwapong mukha ko sa screen kaya nag tilian ang mga babae sa tabi ko. "Sinong kasama ko?" Tanong ko kaya ngumisi siya.

"Say Please" sabi niya kaya inirapan ko siya at tumayo, "just say it" naiinis na sabi ko kaya natawa siya ng mahina, nakita ko bigla ang mukha ni Kath sa screen kaya natigilan ako.

"It's Kathleen Cynthia! Exited kaba?" Tanong ni Ray kaya lalo akong nainis, maganda siya at perpekto nadin pero kung i-reject ako akala mo naman sobrang sikat.

Hindi din kayo makapaniwala na ma-reject ako noh? Ako din naman tss. Pero move on na ako sakanya it's almost 2 years since i-reject ako nang babaeng iyan.

"Excited my ass" sabi ko at pumunta na sa dressing room ko. Puro bulaklak at mga tsokolate ang nasa loob ng kwarto ko.

Umupo ako sa sofa at hinintay na pumasok si Ray dito sa loob. Lumipas ang limang minuto ay pumasok siya kasama si Darrow na may dalang bulaklak.

"Kamusta ang kissing scene?" Tanong niya at tinapon sa carpet ang bulaklak na dala niya kaya inirapan ko ito at pinikit ang mga mata ko sa inis. "Napano? May regla ba?" Tanong ni Darrow kay Ray.

Naramdaman ko naman na umupo ang dalawa sa mag kabilang gilid ko. "In-invite ng Star buzz si Ken at Kath" sabi ni Ray kaya natawa si Darrow. Minulat ko ang mata ko at tinignan siya ng masama.

"Hindi ba't iyon ang nag buste-aray!" mabilis ko siyang binatukan kaya napahawak ito sa batok niya. "Sabihin mo lang Ken kung ayaw mong maging guest sa Star Buzz" sabi ni Ray at binuksan ang Tv sa harapan namin.

"Sayang ang pag invite nila saakin kung hindi ako pupunta diba?" Walang expression na sabi ko at nakatingin lang sa Tv, bigla namang lumitaw ang mukha ni Kath na nakangiti kaya napairap ako.

"Sakto" rinig kong sabi ni Darrow at tumitig sa Tv.

"Teen PopStar kathleen Cynthia is the First Singer who sold out METLIFE STADIUM and she is currently having her LAST concert" natigilan ako sa sinabi ng reporter.

Last?!

"Don't tell me ayaw na niya?" Tanong ni Ray.

Pinakita naman bigla ang buong stadium kaya namangha ako dahil sobrang puno ang met life stadium. Tumutok ang camera sa kumakantang si Kath na halatang nag e-enjoy sa concert niya.

The Campus nerd is a Famous SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon