Grabe hahaha di pa rin ako maka-move on sa pagseselos ni Jordan kay Jonrey...
Walang pasok ngayon ... nandito sila Charmie sa bahay.
"Oh kamusta na? Anong balita dyan sa Jinnoh na'yan?" Tanong ko na pinapakita ang pagkainis na ekspresyon ...
Hindi ako naiinis kay Charmie pero kay Jinnoh oo.
"Grabe naman ate" atungal ni Charmie
Pakiramdam ko lang naman kasi di karapat-dapat si Jinnoh kay Charmie
"Sinagot mo na yun?!" Tanong ko na medyo inis
Sa aming dalawa lang ang sikreto nya na may ine-entertain syang mangliligaw...
"Hindi pa noh... ayyyy ateeeee may ibabalita ako sayo" sabi nya na may excitement
"Ano yun?????" Sabi ko naman na medyo nagaalala.
"Yung ashu-chu mo, si Ethan umaakyat na rin ng ligaw" sabi nya
(So may hagdanan pala noh hahaha papuntang ligaw joke lang, pero ang haba talaga ng buhok grabe hahah)
"Edi good, pwede mo ng busted-din si Jinnoh" sabi ko na medyo masaya
Hindi ko na pala kailangan kausapin pa si Ethan para manligaw sya kay Charmie hahah... pero feeling ko tuloy ang sama ko kay Jinnoh hahaha.
"Ate titingbangin ko muna kung sino ang mas mahalaga at karapat-dapat sa kanila
Wow grabe ahh so wish ko na sana mas matimbang si Ethan hahaha boto talaga ako dun ...
"Okay bahala ka, pero kung botohan lang mas boto ako dun kay Ashu chu" sabi ko na natatawa
"Baka nag vote buying yun" sabi nya
Hayss feeling ko sa sinabi nyang yun talaga, si Jinnoh ang matimbang ...
"Tara na nga" aya nya sa akin
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya
" edi saan pa, sa favorite mong bakery,bibili tayo ng sansrival..." sabi nya
(Oo, kilala talaga nya ako kahit kelan)
Habang naglalakad kami
"Sino ba kasi ang mas matimbang?" Tanong ko
"Si ... (tumigil sya sa pagsasalita dahilan para tignan ko sya)
...tsaka ko na sasabihin para may thrill"
"Nakakainis, di nakakatuwa" sabi ko na medyo naiinis na pabitin pa kasi ee
"Hotdog ate, tampo tampo effect ka pa hahaha" sabi nya
Nandito na kami ngayon sa favorite bakery ko
"Magkano po sa sansrival?" Sabi ko sabay turo dun sa istante
"30 pesos po" sagot nung tindera
"Ikaw ano sayo?" Tanong ko kay Charmie
"Ganyan din" sabi nya
***
Naglalakad na kami pauwi habang kumakain ...
Well ayoko na syang tanungin about sa mga manliligaw nya
"Ate kayo ni Jordan kamusta na?" Tanong nya
"Ayun ayos lang hahaha going strong" sagot ko na medyo napapangiti na masaya ako pag naiisip ko na kahit away kami ng away nagbabati lang kami, wala yung usapang break up or even cool off hahaha.
Pagka uwi namin ...
Kumain muna kami ng kanin tapos sabay punta sa kwarto...
"Ate nag chat si Ethan" sabi nya na mesdo natutuwa
YOU ARE READING
My Fallback Is Mr.Joker
Novela JuvenilDarating yung panahon na, may tao talagang mag aantay sayo no matter what kahit masaktan ka pa nang taong minamahal mo ngayon, meron at meron pa rin ikaw magiging fallback This story is just for fun. This is not my first making a story, but it feel...