RODOLFO'S POV
SAKIT na naman ang aking naramdaman ng tumama ang kanyang kamao sa aking tiyan, I am severely injured sa mga pasa at sugat na natamo ko sa grupong ito.
Ang huli kong natatandaan ay dinakip nila ako ng malaman nila kung sino ang tunay kong ama, si Jose AlfonsoDumilat ang aking mata upang makita kung sino ang aking nasa harapan, si Mama.
"Hindi ko alam na nag-ampon pala ako ng demonyo" isang ngisi ang lumitaw sa kanyang labi. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa bawat salita na aking naririnig.
"Ipatapon niyo na yan" nagsimula ng bumigat ang aking talukap at hindi ko na alam ang nangyari.
Nagising ako sa isang maliwanag na kwarto, alam kong hindi ko ito kwarto at parang babae ang nakatira rito. Tiningnan ko ang aking sarili at nakita kong nakabenda ang bawat sugat na aking natamo. Ilang minuto ang nakalipas at pumasok sa kwarto ang isang anghel. Sa bawat galaw niya ay siyang nakakabighani, sa kanyang mata ay nakikita ko ang langit.
"Kuya, ano pong pangalan niyo?" Sinubukan kong mag-salita ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig.
"Elisa nga pala name ko, nakita kitang nakahandusay sa labas ng bahay namin kaya pinasok na kita dito"
"Ano bang nangyari sa iyo? Mukhang galing ka sa bugbog kuya eh, may naka away ka ba? sakto na lang lumabas ako kasi umuulan"
Hindi ako makapagsalita pero sa nabibighani talaga ako sa boses niya, Siya pala ang nagligtas sakin.
"Kuya, pahinga ka muna ah? Bukas na kita tatanungin"
ELISA'S POV
Nagising ako sa office ni Rodolfo, napasapo ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng matinding sakit.
"Want some coffee?"
Narinig ko ang boses ni Rodolfo sa aking likuran, nagulat ako kasi naka bathrobe lang siya at halatang kakaligo niya lang.
"Ah eh.. Hindi na"
"Okay"
Nilibot ko ang aking paningin at hindi napansin na may mini kitchen pala sa kanyang opisina na may bathroom sa gilid nito kung saan lumabas kanina si Rodolfo.
"I'm sorry about yesterday, hindi ko sinasadyang hindi mapigilan sarili ko"
Hindi ko alam kung ano ang kanyang pinagsasabi pero bigla akong natauhan. Oo nga pala.... May nangyari sa amin kahapon... HALA!
Napatakip ako ng aking bibig ng maalala kong hinalikan ko siya kahapon, hindi ko naman yun first kiss pero ayun ang unang beses na gumanti ako ng halik.
Tumayo sa harap ko si Rodolfo at lumitaw sa kanyang bibig ang isang malapad na ngisi. Hindi ko sinasadyang maibato ang unan sa tabi ko, pero sinasadya ko nang ibato ang isa.
"Hala! Sorry na baby"
Siguro sa mga oras na 'to ay pulang pula na ang pisngi ko, NAKAKAINIS! Bakit ko ba iyon nagawa?! Nababaliw na ba ko? Nandito lang naman ako para manghingi ng trabaho eh!
Ay oo nga pala...
Natigil ako sa pag harap sa akijg kahihiyan ng maalala ko ang pakay ko dito. Ayokong mabaon sa utang at hindi makalaya.. Kahit taon pa ang gugugulin ko ay gagawin ko para mabayaran ang utang ng pinsan ko.
Naramdaman kong umupo si Rodolfo sa tabi ko, kaya kumuha ako ng lakas ng loob para tanungin ang bagay na iyon.
"Pwede ba ko mag-trabaho sa iyo?"
Ilang minutong katahimikan ang lumipas ng nagsalita siya.
"Kung gusto mo, sige papayagan kita"
Tumayo siya at umupo sa kanyang table, may kinuha sa drawer at naghanap sa mga papel na kanyang kinuha.
Pwede kang magtrabaho sa hotel ng kapatid ko, Kung gusto mo ay puntahan na natin yun mamaya." Lumapit siya sakin at binigay ang papel na kanyang kinuha sa drawer.
"MONTELFUEGO HOTEL"
HIRING FOR RECEPTIONISTS
-18 yrs old - 29 yrs old
-atleast 5'3 tall
-good at english
- industriousIf you're interested kindly call 0919676**** for more info visit our website www.montelfuegoH.com
Okay na 'to bilang simula.

BINABASA MO ANG
An Angel's Liability
Novela JuvenilWARNING l Mature Content Inside l R-18 Elisa Razon, a 19 year old college girl that was sent for auction because of her cousin, Travis. Even though she was saved, she needed to pay Rodolfo Montelfuego in exchange for her freedom. But in the middl...