#5

31 0 0
                                        

THIRD PERSON'S POV

"Wazzup! Kuya!" mula sa entrance ng hotel maririnig mo na ang sigaw ni Guian, nakakabatang kapatid ni Rodolfo. Bago pa man makalapit si Guian ay agad siyang nabatukan ng kanyang kuya, iniinda man ang sakit ay nagawa pa nitong ngumiti sa magandang dilag na kasama ng kanyang kuya.

"Oh! Hi Miss? What's your name? My name is Guian Montelfuego, 22 yrs old, Smart, Handsome, Rich and Single" sabay lahad ni Guian ng kanyang kamay sa harap ng dalaga. Bigla naman 'tong iwinaksi ni Rodolfo na ikinalungkot ni Guian.

Pumunta sila sa lobby dahil may paguusapan daw sila ng kanyang kuya, bagama't gulat ay sinunod na laamng niya ito.. Ayaw naman niyang madagdagan pa bukol niya sa ulo.

Si Guian Montelfuego ang may-ari ng Hotel Montelfuego, ito ang pina-mana sa kanya ng kanilang mga magulang. Bagama't mayroon siyang kuya na pwede taga pag mana na mas matured pa sa kanya ay naisip ng kanyang ama na sa kanya na lamang dahil bago pa mamatay ang kanilang mga magulang ay malaki na ang nakamit ni Rodolfo, bilang may-ari ng isang loaning company.

Hindi mo makikita sa tindig ni Guian, ang pagiging may-ari ng hotel.. sa totoo nga ay mas mukha pa siyang nagbabakasyon doon dahil sa suot niyang polo na may disenyong bulaklak at puting pants na sinamahan pa ng kulay asul na sumbrero.

"Hindi ka talaga magtitino noh?" sabi ni Rodolfo, pagkatapos ay nagsindi ito ng sigarilyo.

"Ikaw nga kuya! Alam mong no smoking dito sa lobby nagawa mo pang manigarilyo! nagbabasa ka ba?!" at isang malakas na batok na naman ang nakuha niya.

GUIAN'S POV

Bwiset naman 'tong si kuya, ang laki na nga ng pinagawa kong signage dito sa lobby na "NO SMOKING" nagawa pa rin niyang manigarilyo. Masunog sana baga nito.

Wala pang manners, kawawa naman 'tong babaeng nabingwit niya mukhang inosente pa.

"Ano name mo?"

"A...Ako po?"

"Hindi siya! siya! Kuya ano name mo?"

*Glares*

"Ano name mo nga?"

"E..Elisa Razon po.."

Elisa Razon? Parang kilala ko iyon ah? Pinsan ba siya ni Travis? Pero hindi ko naman alam na may pinsan pala yung ugok na iyon. Nagtrabaho si Travis dito simula 15 palang siya, Ako lang nakakaalam ng edad niya dahil menor de edad pa lamang siya nun. Huli ko siyang nakita half a year ago, sabi niya magbabakasyon lang siya ngunit hindi na bumalik.

Grabeng pagbabakasyon iyon ah.

"Pinsan ka ba ni Travis Razon?" tanong ko.

"O..Opo"

Oh DIBA! sabi na! Ang layo ng ugali ng ugok na iyon dito sa babaeng kaharap ko! Pero ba't naman kasama ni Kuya 'to? Hindi ba't galit na galit siya kay Travis? Nyare?

An Angel's Liability Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon