Chapter 3

33 0 0
                                    

Habang nag uusap kami ng babae na ang tantiya     ko ay kasing edad ko lamang, napansin kong tuloy siya sa pag ikbi.

"Wag mong isipin na wala ka nang pag asa. Hindi ka dapat tumigil sa mga bagay na ginagawa mo nang dahil lamang sa mga problema mo. Wag mong hayaan na makontrol ka ng mga Iyan. Ikaw dapat ang kokontrol sa kanila."

"Madali lang yan sabihin para sayo kasi wala ka namang problema."

"Hindi Totoo yan dahil lahat ng mga tao ay may ibat ibang suliranin sa buhay. Hindi ipinangako ng Diyos ang isang perpektong mundo." Tugon ko.

Naisip ko na baka walang masyadong nakikipagkaibigan sa babaeng itatago ko nalang sa pangalang Aira.

Biglang lumabas ng cr si padre at pagkatapos ay sinabihan niya ako na magsisimula na ang Misa. Sinabihan ko naman si Aira na itutuloy na lamang namin ang pag uusap pagkatapos ng Misa at pumayag naman ito.

Nang matapos Ang Misa de Barangay, inakala Kong magkakausap pa kaming muli ng babae ngunit umalis na ito sakay ng kanilang segunda-manong sasakyan.

Nauna kaming umalis ng chapel noon ni Fr. Romulo at Wala kaming kaalam-alam na patungo din pala sila sa main Parish-sa San Lorenzo Ruiz De Manila.

At Doon nga ay nag usap sina Aira at nasabi niya Ang kaniyang Plano.

"Aira, hija" panimula ni Fr. Romulo;

"Hindi naman masama Ang balak mo. Natutuwa nga ako dahil napili mong bokasyon sa Buhay. Ngunit alalahanin mo sana na meron ka pa munang dapat ayusin." turan ng medyo may katandaan nang si Fr. Romulo Galvez- Cruz.

"Naiintindihan ko kung Hindi ka pa handa na sundin ang payo ko. Ang akin lang naman Kasi ay magkakaroon kayo ng formal closure. Para na rin pati makapag usap kayo Bago mo tuparin Ang gusto mo." dagdag ng pari.

Sa Hindi inaasahan ay nagtagpo sina Benedick at Aira sa paglabas ng main door ng kumbento.

Saglit silang nagkatinginan.

Lingid sa kaalaman ni Benedick na medyo kinilig ako sa kanilang dalawa.

(Yiee 😍😍 kilig to the bones 😍😅😅) hahaha

Going back to the story, pagkatapos ng tagpong iyon ay Saka naman dumating si Steven Organo.

Siya Yung choir master ng Parish Youth Committee at may ipinakiusap sa kaniya Ang Aming parish priest na si Fr. Raul Guerrero.

"Utoy diba may malapit na chapel sa inyo?"

"Opo Padre."

"Baka naman pwedeng ikaw na Ang tumugtog. Bali magsama ka na lang ng mga limang kabataan para Taga kanta mo. "
anang pari.

"Sige po padre sasabihan kopo Ang mga bata."

"Sige hijo."

Nang sumunod na Linggo, nagpatawag si Kuya Steve ng general meeting. Kasama ang KOA, nagpa-meeting siya at Ang mga napag-meetingan ay Kasama na nga Ang sinabi sa kaniya ni Fr.  Raul.

Napagkasunduan na kung Ang ibang KOA ay walang schedule ng pag asiste, ay dapat sumama sa chapel para maging  choir dahil kulang Ang choir members.

Minsan ay nakassama ako sa kanila sa pagkanta ng choir dahil wala naman akong schedule dahil dapat Ang bilang ng mga sakristan sa parokya at mga chapel kaya ako Ang Isa sa naisama ni kuya Steve.

My Vacation, My VocationWhere stories live. Discover now