Chapter 4

32 0 0
                                    

Pagkatapos ng Misa ay nagpaalam ako kay padre na kung maaari ay hintayin ako dahil may kakausapin lang ako sa loob. At iyon ay si Aira.

"Sige totoy Tutal naman ay di naman ako nagmamadali masyado. "

"Salamat po!" Tugon ko at pagkatapos ay pinuntahan kona si Aira para ituloy ang aming naputol na kwentuhan at pag uusap kanina.

"Bakit ka iniwan ng boyfriend mo?" Tanong ko sa kanya. "Hindi niya kasi matanggap na.........." bigla siyang natigilan nang tumunog ang telepono niya.

"Sorry may nagtext lang kasi."
"OK lang. So bakit ka nga niya iniwan?" muli kong tanong.

"Akala kasi niya na may iba akong mahal bukod sa kanya. Sinubukan ko naman na magpaliwanag. Pero sabi niya pagod na raw siya sa pag uugali ko. Pagod na raw siya na intindihin ako."

May gusto pa sana akong itanong pero nauna na si Aira at ito ang unang nagtanong:

"Bakit ang ibang mga lalaki ay may ganong attitude? Ang bilis-bilis nilang sumuko? Kapag sila ang nagkakamali iniintindi naman namin sila. Pero bakit yung iba hindi?" Sunud-sumod niyang tanong sa akin.

"Alam mo Aira lalaki din ako pero hindi ako makakasagot ng direkta sa tanong mo na iyan." tugon ko. "Siguro ay hindi ganon ka tibay ang loob nila. May mga lalaki kasi na sa una lang magaling pero kapag matagal na at unti-unti na nilang nadidiskubre ang ugali ng kapareha nila, yung iba ay nawawalan na rin ng ganda."

My Vacation, My VocationWhere stories live. Discover now