Chapter 7

28 1 1
                                    

Ika-15 ng Disyembre at umpisa na din ng mga Simbang gabi sa ibang chapel na nasasakupan ng aming parokya.

Habang nasa biyahe ako papuntang chapel King King King saan ako naka assigned  na mag serve, wala akong naiisip kundi si Jane dahil ilang araw ko na siyang di nakakausap simula nung Dis. 13.

Kung anu-anong bagay ang naiisip ko. Baka nagpalit na siya ng number o kaya. Naman ay grounded sa paggamit ng phone. Medyo napalapit na din naman kasi ang loob namin kahit magkalayo kami ng lugar.

Ilang araw ko na siyang tinatawagan at nagtetext din ako pero parang Malabo na niya akong replyan! Hayssssst hirap talaga ng LDR no?

Pinalipas ko pa ang ilang araw hanggang December 23. December 23 ng gabi tumawag ako sa kaniya para kamustahin siya.

"Hello baby luv, kamusta kana?" Bati ko agad sa kanya. "2 days na lang Pasko na ah."

"OK lang naman. Malapit na nga ang Pasko. Anong balak mo?" Tanong niya sa akin.

"Balak ko sana i-spend ang  Pasko na kasama ka kahit magkalayo tayo."

"Ha? Paano yun?"

"Gusto ko sana tawagan ka sa 25 kung pwede sayo."

"Sure! Why not?"

Sobrang tuwa ko nang sabihin niya yun dahil alam kong ito ang unang Pasko na may karelasyon ako.

My Vacation, My VocationWhere stories live. Discover now