Chapter 1

65 2 0
                                    

Ako si Mike na sakristan dito sa probinsiya namin. Ako ay mag-i-ika-18 taong gulang na sa susunod na buwan.

Nagsimula akong sa aking serbisyo sa Panginoon bilang sakristan noong ako ay nasa ika-14 na taong gulang pa lamang.

Nahikayat akong sumali sa grupong tinatawag na LINGKOD -- DAMBANA. Sila yung mga kabataan na laging kasama ng mga pari sa bawat misa. Noon akala ko ay sobrang dali lamang ng ginagawa ko, ng ginagawa namin pero habang tumatagal, unti-unti kong natutuklasan na sobrang hirap pala!

Marami akong nakikilalang mga tao.

At isa pa sa mga natuklasan ko ay mayroon palang mga babaeng kasali ang grupong sinalihan ko. Akala ko ay pulos lalaki lamang ang mga kasapi ng Knights of The Altar. (Ito ay isa lang sa mga pwedeng ibansag o itawag sa mga sakristan). Nalaman ko rin na hindi lahat ng miyembro nito ay pumapasok sa buhay pagpapari at pagmamadre.

Ngayon ay malapit na akong sumapit sa ikalimang taon ko bilang sakristan.

Nasasabi kong ang pagiging sakristan ay medyo challenging dahil kailangan mong matutunan na hatiin ang iyong oras laluna kung araw ng Linggo dahil ito ang pinakaimportanteng araw.

Minsan, isang araw ng Linggo ay may isang pangyayari sakin na hindi ko makalimutan hanggang ngayon.

Noong pauwi na ako galing sa isang Misa de Barangay kasama ang aming parochial vicar, may nakita kaming mag-asawa na naglalakad malapit sa isang sikat na convinient store kasama ang kanilang anak na halos kaedad ko lang din.

Habang papasok ang sasakyan ni Fr kung saan din ako sakay, napansin ko na para bang iisa lang Ang tinatahak namin at ng mag-asawa na naglalakad kasama ang kanilang anak.

Papasok din sila ng simbahan at dideretso sa tarangkahan  ng kumbento katabi ng garahe.

"Dito na lang natin hintayin si Fr. Mag aayos pa yata siya ng gamit niya." rinig kong sabi ng babaeng nasa pagitan ng 45-55 taon sa asawa at anak nito. Habang nag aantay naman Ang mag-pamilya, ako ay dumiretso ng sacristy para tingnan Ang lugar at upang tumulon na rin sa paghahanap ng mga gagamitin sa binyag.

Tuwing pagkatapos ng 8:00 am Mass ay magaganap naman ang binyag na sa ganap na ika-10 ng umaga kung saan Ang madalas na umasiste ay ako o kaya naman ay si Christian na siyang naging president namin pagkatapos magpalitan ng mga pari ang buong diocese. 

Habang nag aayos kami ng sakristan mayor, dumating  ang Isa pang sakristan na si Benedick Suarez.

"Mike" kalmado niyang tawag.

"Oh pre bakit?"

Kitang kita ko sa mukha niya na naalis Ang pagiging kalmado niya ng mapansin ang anino ng tatlong bisita ni Fr. Romulo.

"Nandiyan pala si Aira!"

bulong nito sa akin na medyo tumaas ang boses.

Noon pa man, alam ko na Ang tungkol kina Aira at Benedick dahil naging choir member din si Aira Dito sa parokya.  Habang si Benedick Naman na noon ay isang aspirant na sakristan .

"Oo Kasama mga magulang niya." sagot ko naman sabay tanong ng "bakit? May problema ba??"

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa kaniya dahil sa iniwan ko siya nang di man lang ako nagpasabi.  Nabalitaan ko Kasi na magbabalak na siya na pumasok sa DAUGHTERS OF MARY IMMACULATE.
Gusto ko lang siya makausap Bago man lang  siya umalis.

My Vacation, My VocationWhere stories live. Discover now