Kabanata 1

46 4 0
                                    

Nightmare

Nagising ako dahil sa tumamatamang sikat ng araw sa aking mukha. Naalala ko na naman kagabi ang pag-aaway namin ni Zhenra. How I hate us to fight for that reason. Hindi ko maiwasang mapait na ngumiti sa karanasan ko na pilit kong kinakalimutan.

Napag isipan kung bumaba na kaysa sa lamunin pa ako ng nakaraan. Napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ni Zhenra pero wala siya doon.

"Manang nasaan po si Zhenra? Wala kasi siya sa kwarto niya." tanong ko sa kasambahay.

"Ma'am may pinuntahan po si Ma'am baka late daw umuwi. Sige po" at umalis na siya.

Pumunta na ako ng kitchen since wala siya. Malungkot akong kumain ng breakfast ng mag-isa. How I hate eating alone.  Natapos na ako at napagpasyahan kong maligo sa pool ngayon araw. Nagpahanda ako ng makakain kay Manang at nagbihis ng beach dress habang sa loob nito suot ko ang all white bikini ko.
Naglagay ako ng sun block for my skin. I have fair skin that's why ayokong masyadong naaarawan.

Napagdesisyonan kong lumangoy na para na rin mahimasmasan ang aking sarili sa mga suliranin na pilit kong kinakalimutan.
Nagpakalunod ako sa tubig na humahagkan sa aking katawan hanggang sa napagod ang akin sarili. Umahon na ako at umakyat patungong kwarto para maligo muli ng maligamgan na tubig.

Matapos kong isang oras nagbabad sa tubig pinaakyat ko nalang ang aking tanghalian. Nang matapos ay nagbasa muna ako ng libro nang hindi ko namalayan na bumagsak na ang talukap ng aking mga mata.

Natagpuan ko ang sarili ko sa sa isang abandonadong lugar na puno ng dugo na umaalingasaw sa amoy, mga kinakalawang na kagamitan na matagal ng hindi nagagalaw.

Umihip ang malakas at malamig na hangin na nanunuot sa aking balat at tinatangay nito ang aking maalon na buhok na hanggang bewang ang haba. Parang pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Inihakbang ko ang aking mga paa at sinimulan kong halughugin ang abandonadong lugar na ito. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa kung kaya't nagtago ako sa pinakamalapit na pader sa akin. Narinig ko ang bulong-bulongan ng mga paparating at natigilan ako sa aking nasaksihan.

Ang batang ako na walang ginusto kundi maging masaya lamang.

Ang batang ako na walang ginawa kundi mangarap lamang.

At ang batang ako na pinagkaitan ng pagkakataon bigyan ng masasayang ala-ala.

Mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan ng dalawa kong mata ang batang walang kamuwang-muwang sa kanyang sinapit. Pilit kumakawala sa mga mahihigpit na kamay ng mga taong walang ginawa kundi sirain ang kanyang buhay. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon hindi ko gugustuhing sapitin ng aking sarili ang nangyari sa nakaraan.

"Tama na po. Wala po akong kasalanan. Parang awa niyo na po makinig kayo sa akin" pagmamakaawa ko ng mga panahong iyon.

Sinampal ako ng lalaking humawak sa akin na nalasahan ko ang dugo na dumadaloy sa aking katawan.

Sa panahon ngayon bihira na lamang pumanig ang hustisya sa totoo. Kaya tayong mga mamamayan ng bansa ay halos mawalan na ng pag-asa dahil sa hustisya na pilit nating ipinaglalaban ngunit binabasura lamang nila.

Hustisya na inaasam ngunit pilit ipinagkakait ng tadhana.

Saksi ako sa panahong inilayo nila ang hustisya sa akin na pilit kong inaabot ngunit piniling pumanig sa maling tao.

That day I vowed to myself to become a Lawyer who proves and fights truth over facts.

"Tumahimik ka kung ayaw mong mamaalam agad sa lupa" at sabay silang humalakhak ng kakampi niyang anak din ni Satanas. Pinanood ko ang aking sarili na nagmamakaawa na halos halikan na ang kanilang paa at ang walang tigil na panaghoy ko sa aking sinapit nang araw na iyon.

Bakit sa murang edad ganon na lamang ang aking naranasan?

Bakit sa murang edad pinatikim na ako ng kapalaran ng talim ng punyal na hindi ko manlang inaasahan?

Isa lang ako bata na humiling ng kasiyahan at katahimikin ngunit ano ang aking napala.

Humiling lang ako ngunit ito ang aking sinapit.

Napakalupit ng tadhana ngunit mas malupit ang mga taong walang ginawa kundi manakit at kumitil ng buhay.

Nagiging masaya kaya sila sa tuwing may lilisan sa mundo?

Hindi manlang ba sila naaawa? Hiram lamang ang ating buhay ngunit bakit kay dali nilang pumatah na walang pag-aalinlinangan.

Itinuloy ko ang panonood ko sa aking sarili ng walang katapusan sa pag-iyak at pagsisigaw sa ginagawa nila. Wala namang mangyayari kasi hindi nila ako nakikita.

Ang kawawang ako. Ang wala manlang kalaban-laban na ako.

Pinagsasampal, pinagpapalo, at sinasabunutan nila ako na halos kalbohin na nila ako. Wala paring tigil sa pag-agos ang aking mga luha hanggang sa nawalan ng malay ang batang ako dahil sa pagod at sakit ng katawan na hindi lang pisikal ngunit emosyonal din.

Tinutok nila ang baril na parang mga sanay ng kumitil ng buhay. Nang iputok na nila ang baril ay tumakbo ako sa direksyon ng aking sarili.

"Nooooo!"

Napabalikwas ako sa aking kama at humagulgol sa iyak.

Isa na namang bangungot ng nakaraan na pilit akong dinadalaw.

Napatingin ako sa orasan alas tres na pala. Hindi ko alam kung kailan ako makakatakas. Palagi ko nalang napapanaginip ang ala-alang iyon na gustong-gusto ko ng ihukay sa ilalim ng lupa. Napatulala na lamang ako sa kisame.

Ang sugat ng kahapon ay nabigyang lunas nga ngunit ang peklat nito ay mananatili pa rin hanggang sa kabilang buhay.

That time I realizes that the only person who really trust you is yourself. Because when you started explaining your side they already concluded and judge you in their mind.

Ang mga taong gumawa sa akin nun sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan. Hinding-hindi ko hahayaang maghasik ng lagim ang kampon ni Satanas sa mundong ito. Ang nga walanghiyang iyon!

Kumuha ako ng tubig sa pitsel at nilagyan ang aking baso at uminom ng sa gayon mahimasmasan ang aking sarili.

"When the day that I would see them again, I'll make sure that they run as fast as they can because of fear." humiga na muli ako at ipinikit ang aking mga mata.

Embrace of the WindWhere stories live. Discover now