Napungas-pungas naman sya, Dahil sa sikat ng araw. Pagdilat niya ay Lumingon sya sa paligid, gulat naman sya nang napagtantong hindi niya iyon kwarto. Gusto niyang sumigaw ngunit walang boses ang lumabas sa Kanyang bibig. Ramdam din niya na natutuyo na ang Kanyang lalamonan at nangangatog ang Kanyang mga kamay at Kanyang mga tuhod.
Muli niyang inilakbay ang kanyang tingin sa Hindi pamilyar na lugar. Pinasadahan niya ng tingin ang hinigigaan niya, nakaupo na siya sa malaki at Malambot na Kama. Nasa loob sya nito Sapagkat ang Kama ay may apat na haligi na siyang Sinabitan ng pulang kurtina na yari sa Sitla(Silk). Kulay puti naman ang Pabalat (Cover or bed sheet) ng kamang hinigigaan niya.
Muling nabaling ang Kanyang paningin sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan niya. Malawak ito, may malaking pintuan na gawa sa arboraceous(Kahoy) na kulay-del-carmen(brown). Muli niyang inilakbay ang tingin sa bintana ng kwatro, malaki ang bintana na gawa sa mamahaling metal at nakadikit ang mamahaling Kristal sa bawat metal nito. Bagsak din ang mahabang pulang kurtina nito ngunit nakatali ang bawat gitna nito at inipit sa mag kaliwang kawil (hook). Tanaw niya sa malayo ang Ganda ng sikat ng araw at ang mga Ibong masiglang nag aawitan sa kalangitan, sumasayaw naman ang mga dahon ng nag lalakihang mga puno sumasabay sa himig ng hangin na marahang tumatangay sa mga dahon.
Tumayo Si Amede at muling pinagmamasdan ang kisame ng kwartong kinaroroonan niya. Napamangha siya dahil sa laki ng aranya (chandelier) na nakasabit sa pinakagitna ng kisame na syang nag bibigay liwanag sa bawat sulok ng kwarto, gawa sa mamahaling Kristal ang aranya may nakasabit pa itong ibon sa gitna na gawa din sa mamahaling Kristal at ang tuka ng ibon ay may bitbit na putol na kwentas na syang ikinakabog ng puso ni Amede.
Muli niyang inilakbay ang tingin sa dingding ng kwarto. Kulay pula ito at may mga obra (painting) pa ang naroroon bawat sulok nito ay may mga obra at sa tapat ng kama ay nandon ang obra ng Isang babaeng prinsesa napangaga naman siya nang napagtantong Siya ang nandon. Muli niyang tiningnan ang painting siya nga ang naroon, nabaling naman ang tingin niya sa isang sulok dahil may isang piano at Isang Maliit na mesa ang nandon humakbang sya patungo sa kulay tubig na mesa, nakapatong doon ang Isang pulang pluma at tinta, kulay-kaki na papel at naagaw ng Isang Maliit na kahon na kulay Asul ang Kanyang paningin. Binuksan niya iyon at biglang tumunog ito may isang ballerinang sumasayaw na may suot na kwentas na katulad ng sa Kanya. Kinapa naman niya ang kwentas sa leeg ngunit napagtanto niyang wala ito sa leeg niya.
Humakbang naman siya sa bintana at natanaw niya sa labas ng kwartong kinaroroonan niya ang Mayabong na harden na puno ng mga makukulay na Iba't-ibang klase ng Bulaklak napahanga nalang siya sa Ganda ng paligid. Ilang Sandali pa may kumatok at lumingon Lang sya at biglang gumapang ang kaba niya sa dibdib ng bumukas ang malaking pinto at iniluwa doon ang Isang napakagandang nilalang na ngayon palang niya na kita.
Nakalugay ang kulot at mahabang buhok nito, mahabang damit ang suot ng babae at kulay asul at napaloob naman ang kamay niya sa hanggang sikong guwantes. Ang buhok niya ay may mga palamuti na mga nakikislapang mga diamante. May kuronobhan (crown) na nakapatong sa mahabang buhok nito, nagpapakilala na Siya'y isang Reyna ng Isang napakagandang kaharian.
Walang kurap na nakatingin si Amede sa babaeng kakarating lamang, ngumiti naman ito sa Kanya at humakbang patungo sa kinaroroonan niya.
"Mia Figlia, Buongiorno" (My daughter, good morning)
Saad ng babae at hinawakan ang kamay ni Amede na syang ikinagulat niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae ngunit alam niyang Italian ito.
"Ika'y mag bihis na anak, darating na ang iyong prinsipe" wika ng babae, at napagtanto ni Amede na ina niya iyon sa kanilang mundo. Gulong gulo ang isipan niya, maraming katanungan kung bakit nandon sya at kung bakit hindi man lang nag tataka ang babaeng kausap niya.
YOU ARE READING
THE DISCONNECTED NECKLACE
FantasyMAG KA IBANG TAO AT MAG KA IBANG MUNDO NA PINAGTAGPO NGUNIT PILIT PINAGLAYO