Nag lalakad na sila ngayon sa mahabang pasilyo patungo sa malawak na salas kong saan gaganapin ang nasabing Pag diriwang para sa nalalapit na pag Iisang dibdib nina Amede at Arthur.
Sa dikalayuan na tanaw niya ang Servitore na si Rosaline. Hihingi sana siya ng tulong ngunit lumiko na sila sa isang pasilyo at tiningala ni Amede ang napakataas na Pintuan na nasa harapan niya. Agad itinapat ng Hari ang singsing na suot sa isang maliit na bilog at agad bumukas iyon, namangha si Amede dahil sa mahikang na kita niya malayong malayo sa katotohanan ng mundo niya. Pag bukas non ay may sininyasan ang Amang hari at humakbang si Servitore Rosaline patungo Kina Amede at sa Hari.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Servitore Rosaline" saad ng Hari, habang seryuso ang mukha nito. Agad na umupo sa trono ang Hari Katabi ang kaniyang napakagandang Reyna.
"T-tulungan niyo po ako bakit may ganito? Bakit sabi nila Mag Iisang dibdib daw kami ng Isang prinsipe, ayaw ko pang Matali" pakikiusap ni Amede sa Servitore, Nakangiti Lang ang servitore dahil sa inasta ni Amede.
"Huwag kang mabahala, gagawa Ako ng paraan upang Hindi matuloy ang pag anunsyo sa harap ng maraming tao mamaya. Dahil sa oras na nag anunsyo na ang Hari Hinding hindi kana makakalabas ng palasyo at mahihirapan ka sa pag sisimula ng iyong misyon." saad ng Servitore Sa seryusong tono nito.
"Ngunit paano? Maawa naman po kayo, bakit mo pa kasi ako dinala dito? Ang tahimik tahimik ng buhay ko sa mundo ko eh!" Pag mamaktol pa ni Amede sa Servitore. Nag simula naman tumugtog ang napakagandang awitin na mula sa violin. Unti unting nagsidatingan ang mga magagandang prinsesa at nag gwagwapuhang prinsipe Galing sa Iba't ibang kaharian na mga kaibigan din ng Haring Sebastian. May mga Reyna't Hari din na dumalo sa Kasiyahan na gaganapin sa loob ng palasyo na siyang pinaka makapangyarihang Kaharian sa lahat.
Maya-maya pa nag siupo na ang mga bisita halos puno ang napakalawak na salas ng palasyo. Makintab ang Sahig nito na gawa sa batong Kristal, may malaking pintuan din na bukas parin dahil may mga bisita pang darating. Sa harap ng pintuang yun ay nando'n ang napakahaba at Paikot na hagdan. May mga guwardya ding nakahelera doon dala dala ang kani-kanilang mga Sandata, pangsangga, espada na nakatusok sa gilid ng kanilang unipormeng tulad ng mga prinsipe, may pana at tubong may bulang Kristal sa Itaas.
Pina Akyat naman Si Amede at naupo sa tabi ng Kanyang ina, umupo Siya sa kulay pulang mataas na upuang pang prinsesa. Malambot ang salumpwet nito.
Ilang Segundo Lang ay may nag sasalita na sa harapan ng balkonahe na siyang kinaroroonan ni Amede, Reyna at ang Hari. Ang nag sasalita sa harap ay ang kanang kamay ng Hari.
"buona sera principi, principesse, regina e re, a tutti Buona sera. benvenuto a questa festa divertiti!" ("Good evening princes, princesses, queens and kings, To all Good evening. Welcome to this party enjoy!") saad ng kanang kamay ng Hari, pinalitan naman agad siya ng taga anunsiyo ng palasyo.
"Buona sera a tutti! Tayo'y naririto ngayon sa kadahilanang Mag bibigay anunsiyo ang pinakamakapangyarihang Haring ama! Si Hari Sebastian! Pero bago pa iyan nais ko munang Basahin ang lahat ng nakasulat sa aking titular kung naparito ba ang lahat na inimbita." saad nito, payat at may bigote ito may suot ding salamin na isa lang, nakasuot ito ng pormal na kasuutan tulad ng pang prinsipe kulay blue ang unipormeng suot niya.
"Narito na ang aking titular, makinig kayong lahat!" sigaw pa nito, may Katandaan na siya ngunit Hindi parin nababakas sa boses niya.
"Haring Isaiah, Reyna Herosa at Prinsipe Arthur ng kahariang Phantasy!" sigaw pa nito dahil Nasa Itaas. Agad namang humakbang ang tatlong tauhan at yumuko at nagbigay galang sa kapuwa may kapangyarihan.
Napatulala naman Si Amede ng makita Si Prinsipe Arthur, nakatakip nalang sya sa bibig niya gamit ang mga kamay, bagay na Hindi dapat ginagawa ng Isang kagalanggalang na prinsesa.
YOU ARE READING
THE DISCONNECTED NECKLACE
FantasyMAG KA IBANG TAO AT MAG KA IBANG MUNDO NA PINAGTAGPO NGUNIT PILIT PINAGLAYO