I'm 19 years old at isang nursing student sa isang kilalang University sa Manila. Hindi ako matalino at hindi mayaman, sadyang kaya lang pag aralin ng magulang.Isa akong tahimik na tao at hindi pala kaibigan. Hindi ko rin alam kung bakit, pero meron naman akong dalawang kaibigan dito sa school.
"Huy! France! ano ba kanina ka pa namin kinakausap pero nakatingin ka lang sa
kawalan at hindi kami pinapansin" pag alog ni Trixei sa balikat ko" hay nako France! ano bang nangyayari sayo?" tanong naman ni Ynna
"Sorry naman po, hindi parin ako maka move on sa quiz natin kanina" sagot ko sa kanila
"tangnang quiz yun nakakasira ng kinabukasan" sabi naman Ynna
"hype talaga yung prof na yun, dapat talaga madaming gwapo sa section natin eh, pinahirapan tayo" reklamo naman ni Trixei
walangyang yun kasi napaka unfair, dun sa section na puro gwapo multiple choice ang exam at galing pa sa quizzes niya, tapos kami hindi at pinagawa niya pa sa tropa niyang Doctor.
"Hoy mga babaita may bago nga pala kong friend, meet natin siya sa canteen!" pag yaya ni Ynna sa amin habang iniwawagayway ang kanyang cellphone.
" Babae o Lalake?" tanong ni Trixei
"Lalake, BSA. so tara??"
"tara" excited na sagot ni Trixei
"Sige una na kayo, sa Lib lang ako" sagot ko sa kanila.
Susme magsasayang nanaman sila ng oras, katulad ng dati.
"Ang Kj mo tanga" kumento ni Ynna sa akin
"Halika na!" sabay sukbit ni Trixei ng kamay sa braso ko, at ginawa din ito ni Ynna sa kabilang braso ko at hila hila nila ko sa papuntang canteen.
Binitawan na nila ko ng makapasok kami ng canteen, "Oh asan yung imemeet mo?" tanong ko kay Ynna.
"Wait ka lang!" sagot niya sa akin habang nililibot ang kanyang mata. "Ayun siya!" turo niya sa gawing kanan.
"Hey!" palo ni Ynna sa lalakeng nakatalikod habang may binabasang libro.
Binaba nito ang librong hawak niya at lumingon sa likod niya, kung saan naroroon kami. Pero syempre nasa likod kami ni Ynna. Hindi naman namin kilala yan ni Trix para maki epal.
"Ynna?!" excited na tanong ni mr. BSA kay Ynna
"Yup ako nga, by the way friends ko pala, Si Trixei at si France" pakilala niya
"Oh, hi! Ivan pala" sabay shake hands niya kay Trix at ako naman ay kinawayan siya.
"Upo pala kayo" pag offer niya sa upuang nasa harapan niya. At umupo naman kami malamang.
"Ano palang lunch niyo?" tanong ni Ivan sa amin.
"Bakit man lilibre ka ba?" pabirong tanong ni Trix.
nakakashit naman, sa lahat talaga ng ayaw ko yung makikihalubilo ko sa taong hindi ko naman kilala. Ang tahimik ko tuloy. Lakas kasi ng loob na makipag meet eh, porke nasa loob lang naman ng school. Ayaw ko talaga ng ganto. haysy.
"Oh sure, ano ba gusto niyo?" sagot naman ni Ivan.
"Are you serious?" tanong naman ni Ynna
"baliw Im just joking, para hindi naman awkward" sabay bawi ni Trix, at may kasama pang palo sa may kamay ni Ivan.
"No its ok. New friends ko naman kayo! So ano nga?"
"Ikaw na bahala since ikaw naman ang magbabayad!" sabi ni Ynna.
"Pizza? ok na yun? " tanong ni Ivan sa amin, and still hindi parin ako nagsasalita
"ok na yun" sagot naman ni Trix.
at umalis na si Ivan sa kinauupuan niya para mag order ng Pizza. Saludo ko sa dalawang to lakas makipag tropa. Sa totoo si Ynna ang unang kong naging kaibigan at pinakilala niya lang ako kay Trix hanggang naging magkasama na kaming tatlo. Si Ynna naman kasi ang magaling makipag kaibigan sa amin at siya lang din ang halos kavibes ng batch.
"Hoy baka panis na yang laway mo, kanina ka pa tahimik at hindi nag sasalita" puna ni Ynna sa akin
"Lol, ano namang bago sa akin pag may taong hindi ko kilala di ba?" sarkastiko kong sagot
"Oo nga naman Ynna, remember the day na pinakilala mo siya sa akin? hindi niya ko kakausapin habang hindi ko siya kakausapin" pag papaalala ni Trix
"Oo nga pala" sabi naman ni Ynna
after 5mins bumalik si Ivan na may dala dalang 4 na pasta at apat na drinks.
"Iseserve na lang daw ang Pizza" sabi niya pag lapag niya ng tray at umupo.
"Its ok, thank you pala sa libre hahahaha" sabi ni Ynna sabay tawa.
"Welcome!" sagot niya naman.
"Thank you" sabi ko kay Ivan ng idistribute niya ang pasta at drinks.
" nagsasalita ka pala? kala ko hindi" seryosong tanong ni Ivan. Ang shit lang hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano eh, pero wala siyang karapatan na mag joke sa akin, we're not close.
"hahahahaah, ganyan talaga siya. Hindi pala kibo pag may ibang tao lalo na pag hindi niya close." sabi ni Trix
"matagal bago mo yan makasundo hahahahaha" sabi naman ni Ynna
"Ewan ko sa inyo" kumento ko naman
" baka crush niya ko?! hahaha" joke ni Ivan,
"Wow" kumento ko.
yung sana nanahimik na lang siya, nakakapikon kasi. Kung close lang kami netong kumag na to kanina ko pa binatukan. Pero sorry at mag pasalamat siya wala ko mood makipag gaguhan.
"joke lang par" sabi niya habang nakatapat ang kamay niya sa akin para makipag apir.
Pero hindi ko pinansin at kumain na nalang.Sorry pero ganto talaga ako, wala kong pake kung siya pa ang nagbayad neto nilalamon.
"Ang snobber naman kaibigan niyo" sabi dun sa dalawa
"ganyan talaga yan, masasanay din niyan pag lagi ka na naming kasama" sabi naman ni Ynna
"Crush ka talaga niyan kaya hindi umiimik yan" asar naman ni Trix
"Gago ka ba Trix?" seryosong tanong ko na naging rason nang pagtawa nila tatlo.
"Anong nakakatawa dun?" tanong ko sa kanila habang tumatawa sila.
"Wala ang cute mo lang hahahahah" oagtawang sagot ni Ynna
"Hahahaha Crush niya nga talaga ko!" natutuwang asar sa akin ni Ivan. Tss wow close naman kami neto??? bwisit ah
"oo crush ka talaga niyan! hahahaha" sawsaw naman ni Trix.
"Wow ha! I'm France, and you're not my type!" at inoffer ko ang kamay ko sa kanya, at nakipag shake hands naman siya
" Alis na ko, binubwisit niyo lqang naman ako! enjoy your lunch guys!" sarkastiko kong paalam sa kanila.
Umalis na ko, dahil nakakabwisit na sila, as if naman kasi makikipag halubilo talaga ko dn sa new found friend nilang si Ivan. Hilig din kasing makipag friend ni Ynna sa ibang institute at school eh.
Dumeretso nalang akon ng Library para mag aral, wala rin naman na akong mapapala sa mga yun.
BINABASA MO ANG
Unrevealed Feelings
Short StoryI always not really sure to my feelings. Lagi kong minemeasure ang mga nararamdaman ko, kasi takot ako. Takot akong magkamali, takot akong sumugal dahil takot akong masaktan. Kaya mas minamabuti ko na itago na lang ang nararamdaman ko.