Unrevealed Feelings (4)

5 0 0
                                    

Bago kami umalis ni Ivan sa Good Cafe syempre nag oder muna kaming tatlo, at ang walangya nag palibre pa sakin, kapal talaga. Nag kakwentuhan din kami at syempre dahil naki epal si Ivan tinandad siya ng tanong ni Deanne, wala pa kasi siyang mapagtripan dahil hindi pa dumadating yung Sian. Na dapat na meet ko na kanina, lakas kasi ng tama ni Van. Nung sinabi ni Deanne na nasa kanto na si Sian, nag paalam na agad at taeng tae atang mag punta ng south abnormal lang.

"Sabi sayo, dapat kanina pa kasi tayo naka alis. nasa gitna tuloy tayo ng traffic" reklamo niya sa akin. Nakasakay kasi kami ngayon sa UV express papuntang south

"sino ba kasi nag sabing sasama ko, ang sabi ko lang pagiisipan ko, kung tutuosin dapat si Deanne ang kasama ko" sagot ko sa kanya

" alam mo kung hindi ako nagpunta sayo edi third wheel ka nila!" mahina pero parang sigaw niya sinabi ang mga ito.

" sanay na ko" sabi ko naman

"ewan ko, inaantok na ko" at bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko at ang dalawang braso niya ay nakapaikot sa aking bewang.

Gusto ko siyang sikuhin pero bakit parang bawal akong huminga at gumalaw sa ginawa niya na parang anytime aatakihin ako sa puso. Pero hindi ko hahayaan na nakaganto siya sa akin, kaya tinry kong pag hiwalayin ang dalawang kamay niya sa bewang ko.

"Van kamay mo!" bulong ko sa kanya at naiinis na ko kasi hinigpitan niya pa lalo.

"Ay tangna Van paki please" sabi ko sakanya

"Pst. wag kang maingay, nakakahiya" bulong niya sa akin habang nakapikit padin ang kanyang mga mata.

Then I lose, pinabayan ko na lang at hindi initindi ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko malaman kung bakit. Siguro kasi wala pang nakagawa sa akin neto, at weak din ako.

After 20mins na halos wala paring inusad itong traffic at itong kasama ko ay tulog na talaga nag decide ako ng gisingin siya, kaya ginalawgalaw ko ang balikat ko.

"Van, gising na ang sakit na ng balikat ko" kalabit ko sa kanya. Humiwalay naman siya agad sa akin.

"Sorry, asan na ba tayo?" papikitpikit niyang tanong habang malingon lingon para malaman niya kung nasan na kami.

Hindi ko siya sinagot pinabayan ko siyang marealize niya na halos walang inusad ang traffic.

"6:30 na bakit parang wala namang inusad ang traffic?" tanong niya

"ewan ko ba" sagot ko na lang

"baba na lang tayo dun sa may mall, next time na lang tayo tumuloy sa dapat nating puntahan."

hindi na ko umimek pinabayaan ko na lang siya dahil gutom na ko at inaantok. Nakaka inis naman kasi dapat nakauwi na ko ngayon eh.

"Ok ka lang ba?" tanong niya

"hmm, yup im fine" sagot ko

"nagugutom na ko France"

"edi kumain na lang tayo sa mall"

"Gusto ko ng Chicken sa KFC"

Bumaba kami sa tapat ng BF mall at hinanapa agad ang matandang si Colonel.
Umupo muna kami bago mag order.

"anong kakainin mo?" tanong niya

"langya nag punta dito para mag KFC" sagot ko naman

"hahaha malay mo iba lasa ng KFC dito" sabi niya naman

"haynaku ka Ivan!"

"hahahaha dali na ano ba gusto mo kainin, libre ko na" 

Unrevealed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon