Unrevealed Feelings (6)

4 0 0
                                    



"Si Ivan oh" bigkas ni Trix, habang sinusundan niya ito ng tingin. Nasa Canteen kasi kami ngayon.


"Hayaan mo na siya, ilang linggo na rin tayong hindi pinapansin niyan ni hindi nga nagsabi kung bakit bigla na lang hindi namansin" bakas sa boses ni Ynna ang pagtampo, at sa tingin ako ang may kasalanan nito after that night hindi na siya nagpakita at hindi na nagrereply sa mga text and call nila Trix and Ynna. Wala din silang alam sa nangyari. Choice naman ni Ivan ang manahimik eh, hindi ko naman siya sinabihan na huwag sabihin sa dalawa, nasa kanya na iyon, at choice ko na hindi ko talaga sabihin sa kanila. Pero hindi ko alam na ganto pala ang mangyayari. 


Napalingon ako sa lugar kung saan nakapwesto si Ivan, may tatlo siyang kasama isang babae na katabi at dalawang lalake naman na naka upo sa harap nila.



"baka kasi may girlfriend na siya ngayon, kaya hindi na tayo pinapansin" sambit ko habang nakatingin parin sa pwesto niya. Ang sweet kasi nila nung girl so hindi imposible na girlfriend niya nga. 


Bigla naman hinila ni Ynna ang ulo ko "Bawal mag selos boi!" sabi niya


"Lol, hindi naman, eh kung yun talaga ang dahilan niya di ba?" deretchong sabi ko. Pero sa totoo lang, ang ingay na ng utak ko, ang daming tanong na nabubuo. 



"oo nga, hayaan na muna natin siyang maging masaya" kumento ni Trix


Aaminin ko na apektado ko sa mga nakita, part of na nagsisi ako kung bakit hindi ako sumugal pero may part din sa akin na ok lang. Siguro ganto talaga ko, takot na masaktan mas ok na ganto ang nararamdaman na hindi ganun kasakit yung tama lang, kasi alam kong pagsumugal ako at hindi mag work mas masasaktan ako. And seeing that he has a grilfriend now mas napatunayan ko na tama desisyon ko, I mean, if you like/love the person you will pursue him/her to be with you, kahit itulak ka pa niyan gagawa ka ng way para magustuhan ka niya. 

Siguro nga isa siya sa mga taong makikila ko pero they will not stay besides me. Pero nagpapasalamat parin ako na nakilala ko siya.
















-THE END-

Unrevealed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon