Ivan is Calling........Nag iiscroll down ako sa facebook ng bigla siyang tumawag sa messenger. Ayan na naman siya, nasanay na ata na sinasagot ko ang mga calls niya.
"What?!" bungad na tanong ko sa kanya ng sagutin ko ang Vcall niya
"galit ka nanaman babe" yes sanay na siyang tawagin ako ng babe. And sometimes sinasakyan ko na lang, pag nagkakasundo kami ng trip.
"Baka babe" sagot ko "So anong meron?" tanong ko
"bakit gising ka pa? 12midnight na?" tanong niya naman
"kasi hindi pa ko tulog, tyka pake alam mo ba? hahaha" pilosopong sagot ko
"ang boring France, ano ba pwedeng gawin?"
"Bakit ako tinatanong? edi mag fb ka na lang, iniistorbo mo mag stalk ko sa crush ko" yan ang pinaka magandang excuse ko para ibaba na niya, hahahaha respeto naman din kasi di ba?
"Ay sige, baba ko" sabi niya
"Sure, sila Ynna na lang muna tawagan mo Babe! hahaha"
"Hahahaha ok, bye!" tumawa din siya at binaba na agad.
At ako ito inopen ko ang Lazada apps ko at nag hahanap na pwede kong mabili. Ang gaganda ng dress at bags dito at mura. Ipeplace order ko na sana ang nagustuhan kong dress ng biglang Vcall si Trix sa group chat namin.
"Huh? Anong meron?!" takang tanong ko nung sinagot ko ang call, kasi kumpleto kami, kasama si Ivan.
"Nag sumbong po kasi si babe mo ang sungit mo daw" sabi Ynna
"Hayst kung bored kayo, wag niyo kong idamay muna ah" sabi ko
" Di ba ang sungit France" mahinang sabi ni Ivan
"Hoy Ivan, alam kong bored ka, pero pwede ba wag muna ako pagtripan mo?!"
"Hahahahahaha sorry na" ang baliw tumawa tyka nag sorry
"Ewan ko sa inyo lakas ng trip, bahala na nga kayo dyan!" sabi ni Trix sabay out.
"Gulo niyo" sabi naman Ynna at nag out na din
" hahahaha baliw ka talaga Van" sabi ko naman sa kanya
" baba ko na, mamaya na lang ulit" sabi niya
"wala ka talagang magawa, ok bye"
Isang oras na kong puro FB at hindi pa ko inaantok ganto ata talaga pag walang pasok kinabukasan lakas makapag puyat.
Ivan is calling.....
ang walangya hindi parin tulog.
"Yes po Babe? hahaha" bati ko ng sagutin ko ang Vcall niya
"Hahaha babe nabobored talaga ko" sabi niya naman
"Kanina ka pa nabobored babe ah, bakit hindi ka nalang matulog?"
"Hindi pa kasi ako inaantok babe eh" sagot niya
natahimik kami at nakatingin lang sa cellphone namin na mukha naman namin ang nakikita namin sa screen
"France!" nang bigla siyang nag salita
"What?'' tanong ko naman
"walang pasok bukas gala tayo!" pag aaya niya
"Sige, sabihin mo sa GC" sabi ko
"Na mag dadate tayo bukas?" tanong niya naman
"Lol, para mayaya natin sila tanga!"
BINABASA MO ANG
Unrevealed Feelings
Short StoryI always not really sure to my feelings. Lagi kong minemeasure ang mga nararamdaman ko, kasi takot ako. Takot akong magkamali, takot akong sumugal dahil takot akong masaktan. Kaya mas minamabuti ko na itago na lang ang nararamdaman ko.