After that day, halos 1 week na rin namin kasama si Ivan. At naiinis parin ako dahil hindi ko talaga siya makasundo. Porke tahimik kasi ako pagtitripan at aasarin na crush ko siya. Ang shit niya lang kung musta kasi parang bata.May mga nakwento na siya sa amin about sa sarili niya at sa course. Pero syempre nakikinig lang ako sa mga kwento niyang to. Sila Trix at Ynna ang madalas na nag siside comment at ako wala lang. Minsan tatawa sa kalokohan nila, minsan naman makikisakay ako sa trip. Pero ganun parin hindi ko parin ganun pinapansin si Ivan. Medyo ilang at hindi kasi ako sanay na may kaibigan o kasamang lalake. Medyo weird but yeah I dont have guy friend and I never had a boyfriend. Mga shit din kasi yung mga nagbalak manligaw.
"Ynna, ex mo oh" turo ni Trix sa ex ni Ynna sa may punong katapat ng tinatambayan namin.
" uy baba mo ngayang daliri mo, maka turo ka naman makita ka!" sabay palo ni Ynna sa kamay ni Trix. Medyo malayo naman yung puno sa amin pero pag napatingin ka sa lugar namin mahahalata na tinuturo namin sila.
" Oh sino tinuturo niyo sa may puno?" tanong niya agad pagkarating niya sa tamabayan namin.
"Grabe ang tagal mo ha!" pagalit na sabi ni Trix
"Ex ko yun, pero ang tagal mo talaga!" sagot ni Ynna sa tanong ni Ivan.
"Oh Ex mo pala si Kean?" tanong naman niya
"Oo ex niya yung gagong yun!" sagot ko naman
"Ex niya, pero bakit parang ikaw yung ginago?" pang aasar niya
"Ewan ko sayo!" sabi ko kay Ivan sabay irap ng mga mata ko
" Hindi pa kasi yan nag kaka jowa, kaya ganyan yan" pang asar naman ni Ynna
" Pake niyo ba?!" medyo pagalit na sagot ko
"Hindi nga? seryoso?" tanong ni Ivan
"Eh ano naman kung NBSB ako? masama ba yun??"
"Oo masama yun, nakakatanda yun France!" pang aasar ni Trix
"pakyu!" sabi ko na lang
"sus, hindi ka na tatanda 'BABE'" sabay akbay ni Ivan
"Ul*l" sagot ko sa kalokohan niya. Eww as if naman bet ko siya
"Sakit nun Babe ah" at bigla niyang niyakap ang braso ko
"Babe mo to, gago!" at tingal ko ang kanya kamay sa aking braso.
"Ayeii Babe pala ihhh" sabay na pang aasar nang dalawa kong kaibigan
"Langya ano manood pa ba tayo ng cine??" pag papaalala ko sa kanila sa kabila ng pang aasar nila.
Thats the reason why we meet here. Tapos puro kalokohan naman ang inuna. Mukhang puro ganto ata mangyayari sa bonding namin ngayon.
"oo nga pala, tara na" pagyayaya ni Trix sa amin.
akmang kukuhain ko na ang aking bag pero mas inunahan akong bitbitin ito ni Ivan.
"Huy! ginagawa mo? akina yang bag ko!" sabay hampas ko sa kanya. Kaso hindi niya ito ibinigay at naglakad na siya kasabay nung dalawang walang kwenta
"Huy Ivan amina kasi yang bag ko" hinabol ko at kinausap ng matino
"Ako na mag bibitbit babe ng mag mo" sabi niya sa akin at ngumiti.
"Hindi kasi ako nakikipag biruan" sabi ko naman sa kanya
" Ako din babe hindi nakikipag biruan" sagot niya naman sa akin.
Urghh nakaka bwisit na siya lintek sarap niyang suntukin.
"Babe kasi, ako na mag bibitbit ng bag ko!" ayan sinakyan ko na trip niya. Baka sakaling ibigay, haist kakainis.
Isa rin sa pinaka ayaw ko eh yung may ibang nagbubuhat ng bag ko o nang kahit anong gamit ko unless nakisuyo akong buhatin ito.
" Ano sabi mo?" tanong niya sa akin
"Uyyy mag babe na sila!" pang aasar nung dalawang nasa unahan namin habang nag lalakad.
"pakyow, guys!" sabi ko
"Ito na bag mo babe oh!" told you ibabalik niya eh
" Thank you!" sabi ko ng nakangiti
" Amina yang bag mo ulit" at hinila niya ulit ang bag ko mula sa akin.
"bakit nanaman ba?"
"wala babe eh"
"Tangnang yan, Thank you babe!" malambing na sabi ko sakanya.
"Yown, you're welcome babe" hayy ang shit lang
Nasa loob na kami ng sinehan, nakakabwisit lang kasi ang lakas din ng trio nitong dalawa kong kaibigan. Pano ko ma eenjoy kung sa gantong seating arrangement Ang nakakainis pa, pang dalawahang tao yung seat ng sinehan na ito. At ang katabi ko ay si Ivan na kanina pa babe ng babe.
"Oh nasan ang babe mo?" tanong sa akin ni Ynna, napansin atang wala na katabi ko.
"lol, baka babe mo, sayo naman galing yun eh" pang aasar ko sa kanya. Bakit baka tipo niya si Ivan kaya nakilala niya eh.
" hahaha lol, baka trip ko" sagot naman ni Ynna
"Babe nakikipagdaldalan ka nanaman" entrada ni Ivan pag dating galing CR.
"San ka galing brad?" tanong ni Trix kay Ivan
"Sa CR lang"
" wag na kayong maingay magstart na" sita ko sa kanila
" selosa naman ng Babe mo Ivan" pang asar ni Trix sa akin
"Oo nga eh, hindi ko alam na ganto pala siya kaselosa"
"ewan ko ba sa inyo" at tumingin na ko sa malaking screen. Bahala na sila dyan.
Hindi ko alam kung anong nakain ng abno na yun at ganun pa ang trip niya. Lakas makapang gago eh. Kala mo talaga close kami sa pinag gagagawa niya. Sumandal sa balikat ko, naki share pa ng pop corn buti na ngalang hindi pati drinks. Nakaka inis kasi ayaw ko ng masyadong clingy lalo na at lalake siya at hindi pa kami close nun ha. Tapos hindi pa natapo ang kakatawag niya sa akin ng Babe. pakyung yun hindi naman ako biik.
"Hoy Babe! hanggang Sa Vcall ba naman hindi ka nag sasalita" puna niya sa akin sa kabilang linya
"Ano ba kasi ginagawa ng BSA na yan sa Video Call na to ha???!" pagalit na tanong ko dun sa dalawa.
nag group vcall kasi kami at hindi ko inasahan na kasama siya. Dahil ang pag kakaalam ko kaming tatlo lang ang mag uusap tungkol sa isang subject namin. Ano kinalaman ng BSA na yun dito.
"Bawal bang makisali sa inyo, tyka miss ko na kaya ang Babe ko"
"ay putsanana ka! manahimika ka at wala ka namang alam sa pag uusapan namin" sagot ko sa kanya
"Ivan alis ka muna, seryoso na tong pag uusapan namin and if you miss your babe, later mo na lang kausapin, ibibigay na namin siya sayo!" sabi ni Ynna na parang kinikilig pa sa mga sinabi niya
"Sure later, basta babe sabihin mo agad sa akin pagtapos na kayo, tatawag agad ako. Bye!!"
"Whatever! Go!" sabay sabi ko sakanya nang nag papaalam siya.
"Hoy! France trip trip lang yan ah, baka mahulog ka!" agad na kumento ni Trix pagka alis ni Ivan sa Vcall
" lol, baka bet ko siya. para mafall ako"
"Hindi nga, pero hindi ka pa naman kasi nagmamahal eh" sabi naman ni Ynna
"So ano connect nun??? hindi naman ako kasing weak niyo eh!" sagot ko sa kanila
"Wow ha! tignan natin" paghahamon ni Trix.
BINABASA MO ANG
Unrevealed Feelings
Short StoryI always not really sure to my feelings. Lagi kong minemeasure ang mga nararamdaman ko, kasi takot ako. Takot akong magkamali, takot akong sumugal dahil takot akong masaktan. Kaya mas minamabuti ko na itago na lang ang nararamdaman ko.