The whole day na nag-iwasan ang dalawa. Si Clarey ay hindi lumabas maghapon. Nagapadeliver lang siya ng makakain. Si Jace naman ay hindi umuwi maghapon at sa labas na lang kumakain. Actually, hindi nila na-enjoy parehas ang first day nila sa Island. Nagsisisi tuloy si Jace kung bakit niya pa yun sinabi kay Clarey. He feels really awkward.
Natulog ang dalawa na hindi man lang nagkikita o nagkakamustahan. Gabi na nang may tumawag sa phone ni Clarey. It is Gaile.
Hello, bes. How are you? May ginawa bang kalokohan si Jace? Namula si Clarey sa tanong ni Gaile. Is it classified as kalokohan? Iyong sinabi ng binata kagabi?
Hey, bes. Meron ba? Talaga yang Jace nay an. Humanda siya sakin. Pagpapatuloy ni Gaile.
Bes, wala. Dont over react. Naalala ko lang, since tumawag ka. Di pa pala ako nagpapaalam kila mama. Di pa ko tumatawag sa kanila. Sabi ni Clarey bilang palusot. Speaking of, di pa talaga siya tumatawag sa kanyang mommy at hindi niya rin alam kung bat di tumatawag ang mga to.
What? Bat hindi ka pa tumatawag? By the way, papunta na kaming Puerto Galera. Jace have been ignoring our calls. Ngayon lang kita nacontact. Mahirap ba talaga ang signal diyan sa Siargao? Tanong ng best friend niya.
Yeah. Actually, nataon lang na may signal ang phone ko ngayon. Maybe, kaya di rin siguro makatawag sila mommy. Sa buong maghapon kasi ay walang signal dito, ngayon lang talaga. Oo nga ano? Paano nga naman kasi siya matatawagan kung wala naman siyang signal? Medyo bobo siya ngayon ngayon lang.
Have a safe trip. I will call you na lang later if my signal pa. I need to call mom habang may signal pa ako. Byieeee. Paalam niya kay Gaile.
She checked her messenger kung may chat ba ang kanyang mommy o kung online ba ang mga ito. I am sure na they are worried as hell. Ayaw niyang pagalitan ng mga ito pag-uwi niya. Good thing is, her dad is online at the moment.
Agad sinagot ng kanyang ama ang tawag.
Dad? Bungad niya sa tawag.
Princess. Ba't ngayon ka lang tumawag? Your mom is dyingly worried about you. Sabi ng kanyang daddy.
Clarey? Clarey is that you? Narinig niya ang boses ng kanyang ina sa background at alam niyang inabot ng kanyang daddy ang phone dito. Para makontento ang ina ang inopen niya ang video at video call na lamang dahil baka mahimatay na ang kanyang ina sa pag-aalala. Halos maiyak naman ang kanyang mommy ng makita siya nito.
Mom, ang OA mo. Do not cry. Sorry for worrying you. Wala kasing signal dito. Nagkahimala lang at nagkaroon ng signal. Well, sorry na. Alam niyang grabe ang pag-aalala ng kanyang mommy. She is more than aware kung gaano ito kahalaga sa kanyang mga magulang. She is an only child. Kahit gustuhin man niyang magkapatid ay hindi ito maari, isa pa, alam naman niyang mamamatay ang mga ito kung mayroong mangyayaring masama sa kanya kaya hanggat maari ay iniingatan niya rin ang kanyang sarili. She is more than a diamond sa kanyang pamilya, kahit sa kanyang mga lolo at lola. Her parents are both only child. Yeah, wala siyang mga pinsan. Noong bata pa siya ay lagi niyang nararamdaman ang pagiging lonely. Marami siyang nagiging kaibigan dahil nga sa business partners at kaibigan na rin ng mga magulang niya. Pero iba pa rin kasi ang feeling na may kapatid at mga pinsan. Kaya naman ng makilala niya si Gaile ay grabe ang saya niya, she found a friend, sister, cousin lahat na dahil kay Gaile at mas natuwa pa siya ng makilala niya ang pamilya nito. Parang ate at kuya na rin kasi niya si ate Gia at kuya Gino. Hindi naman to pinagdamot ng kanyang bestfriend. Actually, si Gaile din ang nagpakilala sa kaniya sa mga kaibigan nito kaya naman natutunan niya na rin ang salitang barkada. She is so thankful that she met Gaile.
Ikaw naman kasi eh. Nabalik siya sa realidad ng magsalita ang kanyang mommy.
Kamusta naman, nak. Di ka ba nahirapan mag-isa? Next week pa ang uwi namin ng mommy mo. Tanong ng kanyang daddy sa kanya. She is not alone. But of course, di niya sasabihin. Could she?