Six

227 7 4
                                    

Kasama ni Clarey sina Gaile at ang pamilya nito. Ngayon kasi ang uwi nila Jace sa America at narito sila para ihatid ang mga ito.

Bye po. I will miss you, Philippines. Sabi ni Janna na akala mo naman ay panlaban para sa Miss Universe. Tinawanan nalang naman siya. Nagpaalam naman ng maayos si Jace, kahit sa mommy at daddy ni Gaile ay nagsabi ito na manliligaw kay Clarey. Di naman sila nagulat about dun, nakatikim nga lang ng sabunot si Jace kay Gaile dahil ang walangya, para-paraan din at para bang ginamit pa nito si Gail. Humalik din naman siya sa pisngi ng dalaga bago umalis. Bwisit na kinikilig naman ito sa ginawa ng binata.

**

Mhie, pagod na ko. Kanina pa tayo drive ng drive. Pwede bang one place at a time? One month pa naman bago ang birthday ko. Birthday lang yun. Ako tao at nai-stress na ng sobra! Inis na reklamo ng dalaga sa kanyang mommy. Palipat-lipat kasi sila ng lugar. Tumitingin sila ng magandang venue for her debut at masakit na ang pwet niya kakaupo.

Ano, birthday? It is your debut! Anak naman, pagbigyan mo na ang mommy. Isa pa, iba na ang aasikasuhin natin bukas. Ngayon lang tayo may oras para sa venue. Kung tutuusin nga ay kulang pa ang isang buwan. Sagot ng mommy nito. Talaga naman kasing busy na sila sa mga susunod na araw at mahirap pagkasyahin ang isang buwan.

Ehhhh! Napapagod na ko. Nauumay na rin akong tumingin ng brochures. Di pa kasya ang isang buwan? Seryoso? Napabagsak nalang si Clarey ng katawan sa upuan ng kotse. Papunta na naman kasi sila ngayon sa isang resort. Kagagaling nila sa isang function hall ng hotel pero bago nun ay galing na muna sila sa isang restaurant at ngayon naman ay papunta sa isang resort. Tumitingin kasi sila ng magandang location.

Oo nga. Kulang ang isang buwan. Bukas ay sa botique tayo ng ninang Sazha mo. Fitiing mo na para sa gowns at aayusan ka rin para makita ang babagay na buhok at makeup sayo. Ang sabi niya ay tatlong araw daw tayo magpapabalik-balik sa botique niya. Tukoy ng mommy niya sa ninang nitong bakla na siyang gumawa at nagdesign ng gown niya at ganun din sa kanyang magiging hitsura. Napapabusangot nalang si Clarey.

Hindi lang yan. Sa Linggo naman ay may food tasting tayo after ng misa. Maghapon yun. Sa susunod namang linggo ay magkakaroon ka ng pre-debut photoshoot. Three days din yun dahil three different locations ang pupuntahan natin. Dagdag na paliwanag ng kanyang ina. Iba kasi ang catering sa venue. Alam na rin naman ni Clarey ang about sa photoshoot, lahat naman na ata ngayon ay ganoon. Ito na nga ba ang sinasabi ni Gaile. Bonggang handaan. Di naman niya maalis sa magulang na paghandaan ito, as she always say "she's princess for her parents and she's unica hija and their one and only" kaya pinapabayaan nalang niya pero pagod na talaga siya.

Oo na. Last na to mhie, mamili ka na po kung saan sa tatlo ang magiging venue. Huwag mo na tanungin sakin, pagod na ko. Sabi lang ng dalaga bago bumaba ng sasakyan.

**

Ang napili nila ay sa resort. May maganda kasi itong garden at napakarami ring magagandang bulaklak. Malaki rin ang function hall nito at kayang mag accomodate upto one thousand people.

Si Jace naman ay abala na rin sa pag-aaral at sa kumpanya nila. Sobrang abala na rin siya sa school ngayon. Second year na siya at hindi na pwede ang petiks petiks lang. Hindi naman niya kailangang maging competitive pero ayaw naman niyang maging kahihiyan at bumagsak.

Parehas na busy ang dalawa sa kani-kanilang buhay. Mabuti na lamang at August pa ang pasukan nila Clarey kaya mahaba pa ang oras niya para mamasyal at igugol sa gala ang kanyang natitirang bakasyon pagtapos ng kanyang debut sa Hunyo. Sigurado kasi siyang hindi siya makakagala sa loob ng isang buwan hanggang matapos ang debut niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Touch Me Down ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon