Let's ART!

27 2 0
                                    

After namin makuha ang canvas, naka pasok na kami sa loob ng UST.

Habang nag aantay kami may inabot samin na papers about kay Botong Fransisco, since siya nga ang theme ng contest ngayon, so binasa ko muna habang nag uusap ang iba.

"Baka sakaling may idea pa ako na maidagdag." Sabi ko sa sarili ko.

"Pumipila na ang iba, tara na tara na. O, ang canvas niyo wag niyo iiwan. Mga pintura niyo." Paalala ni Sir Rai.

Papasok na kami ng bigla akong nilapitan ni sir.

"Pumila ka lang dyan, ako na bahala mag tatanong ako. Okay?"

"Opo."

Grabe ang pag mamalasakit ni Sir. Gusto ko maiyak sa sobrang pagka touched ko.

"Sir, pano pag walang CM? Ano pwede ipalit para makasali?" Tanong ni Sir sa isang organizer.

"Okay lang po kahit ID lang basta authorized ng Professor."

Napangiti kaming lahat pati si sir at dali-dali niyang hiningi ang ID ko para ma ipa-print at maipasa.

Binigyan kami ng mala-ID na numbers sign na proof na kami ay contestant at isang paper/sticker kung san namin isusulat name namin at what school. After nun, naka pasok na kami sa school ground sa loob ng UST.

Eto na ang simula ng competition!

Kanya-kanyang latag ng mga canvas ang bawat students sa bawat schools. Kanya-kanya ding hanap ng pwesto kung san comfortable at hindi masyadong mainit.

Kagad nag simula ang iba.

Samantalang ako, di pa rin makapag decide sa ip'paint ko.

Di naman kasi ako magaling mag pinta e.
Sir naman kasi.

Isip-isip ko.

20 mins na ang nakakalipas simula ng maka upo kami.

Sa tapat namin ni Fatima ay kitang-kita namin ang pinaka mahusay sa school namin na si kuya Kristan.

Master Kris!

Grabe ang tropa nila.

Puro mga IMBA.

Nag sisimula na mga kasamahan niya pero siya di pa nag sisimula.

Halatang hindi siya mapakali.

Bakit kaya?

Sikat na sikat sa school namin si Master Kris. (Yup. Master ang tawag ko.) Upper batch. Hindi lang kasi siya mahusay mag paint napaka gwapo pa niya.

Tall, dark and handsome ang peg.

Kaya maraming girls ang nagkakandarapa sa kanya. Pero may kumakalat kasi na tsismis tungkol sa kanya.

Bading daw.

Sus! Hindi kaya.

Habang nakatingin ako kay Master Kris, bigla akong napalulon ng malalim ng mag meet mga mata namin.

Ay shet.

Di ko maalis tingin ko.
Eh?

E-EEHHH??

Papalapit siya sakin. Anong gagawin ko?!

"Hi girl!" Bati ni Kris.

"Ah. Hello po!" Hiya ko naman.

"Meron ka ba dyan na extra pencil na pwede ko mahiram? Kahit panget or chaka lang na pencil okay lang." Ngiti niya.

Chaka?

Okay lang sa kanya ang panget na pencil? Ayoko nga. Suggest, suggest rin.

"Hm. Meron lang po ako 2H, 2B, 6B at mechanical. Ano po mas gusto niyo?" Hiya ko ulit na tanong.

Nilapit niya ang kamay niya sa loob ng pencil case ko, kaya nagkalapit kamay namin sabay..

"2H, 2B, 6B or mechanical or whatever na bongga kahit ano okay lang. Ay. Sige. Etong mechanical na lang. Okay lang?" Ngiti niya ulit.

"Okay na okay lang po."

"Thank you!!" Ngiti niya habang patalikod pabalik sa pwesto niya.

Tae.

Whatever na bongga?

E maskit ako nga hindi nag sasabi ng bongga e.

Alam na.

Black ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon